bc

ANIM NA DAANG PISO(The Billionaire Who Became My Welder)

book_age18+
50
FOLLOW
1K
READ
billionaire
friends to lovers
drama
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

He had 40 billion. He threw it all away.

For 600 pesos a day.

He was Ethan Carl Villareal. 33. CEO. King of Manila’s skyline._

He became Elias Mendez. 33. Welder. A nobody in La Union.

All for one desperate question:

*May magmamahal ba sakin kung anim na daang piso na lang ako?*

She was Ariane Rosales. 29. Nursing board passer. Tindera.

Ang unang sinabi nya sakin: “Hindi ako banko.”

_

Pero nung ibinigay ko yung huling 3,000 pesos ko para sa chemo ng tatay nya.. At nung nakita nya yung mukha ko sa TV..._

Yung mukha ng nawawalang bilyonaryo...

_Nalaman ko:

*Ang anim na daang piso ko... mas mabigat pa sa 40 billion ko.*

*Kasi sa unang beses, _pinili ako. Hindi yung pera ko."

chap-preview
Free preview
PROLOGUE:ISANG DAANG LIBO NA WALANG LASA
“33 anyos pa lang ako,” sabi ko,di ko tiyak kung sarili ko ba kausap ko o si Matt na kainuman ko ngayong gabi na ito. Nasa penthouse ako, 78th floor ng Villareal Towers. Ako ang may ari ng building. Ako ang may ari ng hangin dito. Ako din ang may ari ng katahimikang nakakabingi. Sa harap namin ni Matt,isang bote ng Macallan 25.Isang baso, isang daang libo. Tinutungga ko ng diretso, parang tubig na lang sa panlasa ko. Kasi ang totoo: wala nang lasa ang lahat sa akin.Lalo na ako. Ako. Ako yung walang lasa. “27 pa lang ako CEO na ko,” dagdag ko. Boses ko, flat,walang damdamin,parang robot. Parang nagbabasa ng resibo. “Six years na kong nakaupo sa pinakatuktok ng Villareal Constructions Inc. Net worth: 40 billion. Sa Forbes, pang-pito ako sa Pilipinas. Sa Twitter, ‘Ethan Villareal’ trending every quarter pag may bago akong nabili. Yate. Chopper. Building.” Tumawa si Matt Alvarez. Best friend ko siya,kababata,kasama ko noon na nasusugatan at nababalian sa paglalaro. May sariling tech company na siya ngayon — Alvarez Innovations. Unicorn na. May asawa. Si Cathy. May anak na 4 years old na ang tawag sakin “Ninong Ethan na malungkot”. May buhay. Buong buhay. “Ano ba ang problema mo,bro?” sabi nya, umiiling. Tinungga niya yung kanya. Siya, lasang-lasa pa. Inggit ako. “Kulang pa ba ang 40B mo? Gusto mo ba 100B? O bili ka na lang ng isla para tumigil ka kakadrama? Biliran bakante pa ata.” Umiling ako. Tinignan ko yung baso. Yung amber na liquid. Yung yelong ayaw matunaw kahit 30 minutes na. Mahal kasi yung yelo, imported. Galing pa sa glacier ng kung saan. Parang ako, frozen sa taas. Mahal pero walang silbi.Pakiramdam ko sa lahat walang kuwenta. “Wala akong nararamdaman, Matt.” Tumahimik sya. At kahit maingay ang Manila sa baba — busina, construction, karaoke sa kabilang building — rinig na rinig yung katahimikan dito sa 78th floor. Katahimikang binibili ng 40B. Katahimikang nakakakilabot kung sanay ka sa ingay ng mundo. “Kahapon,” sabi ko. Pinipilit kong may maramdaman. Galit. Saya. Libog. Kahit ano. “May model na pumasok sa office ko. Naka-Dior mula ulo hanggang paa. Amoy pabango na mas mahal pa sa isang buwang sweldo ng empleyado ko. Lumuhod pa siya sa harap ko, Matt. Sa harap ng desk ko na gawa sa kahoy na 200 years old.” “Tangina,” bulong ni Matt,napapailing, “Tapos?” “‘Ethan,’ sabi niya. ‘I love you. I love your mind. I love your soul. I don’t care about your money.’” Natahimik si Matt. Hinihintay niya yung punchline. Kasi sa mundo namin, laging may punchline. Laging may bayad. “Tinanggal ko Rolex ko,” tuloy ko. Daytona. Platinum. 8 million. “Nilapag ko sa mesa. Kinalabit ko palapit sa kanya. Sabi ko: ‘Sige. Kung ako lang,si Ethan lang, walang Villareal, walang Rolex, walang penthouse. Love mo pa ko?Ako pa rin ba ang gusto mo?’” Tumayo si Matt. Kilala niya na ko. Alam niya yung susunod. “At?” tanong niya pa rin. Kasi umaasa pa rin siyang may plot twist. “Umalis sya,tinalikuran ako. Umiyak pa. Humagagulgol na lumabas,bro. Oscar-worthy.” Ngumiti ako. Mapait. “Pero hindi dahil sakin. Hindi dahil nasaktan ko siya. Dahil hindi ko binigay yung Rolex. Yun yung iniyakan niya. Yung relo. Hindi ako.” Malutong ang naging mura ni Matt. “Putangina. Ang lalim ng hugot mo for a Tuesday night. Wala ba tayong light topic? Crypto? Chismis kay Senator?” Lumapit ako sa glass wall. Dinikit ko noo ko. Malamig. Sa baba, EDSA. Parang ahas na may ilaw. Kotse. Tao. Buhay. Buhay na hindi ko maintindihan mula dito sa taas. Parang aquarium. Nasa loob ako, sila nasa labas. O baliktad? “Gusto kong mawala, Matt.” Napatigil sya sa pag-inom. Yung yelo sa baso niya, tumunog. _Clink._ Sa katahimikan, parang putok ng baril. “Anong mawala? Magpapari ka? Magmo-monghe sa Tibet?” Biro niya, pero nanginginig boses. Kilala niya ko. Pag seryoso ako, seryoso talaga. “Gusto kong tanggalin si Ethan Carl Villareal.” Humarap ako. Tinitigan ko siya. Para maintindihan niya na hindi ito lasing lang. Na 6 years ko tong inisip. “Itatapon ko yung pangalan. Yung pera. Yung 40 billion. Lahat. Ibabaon ko sa hukay at lalagyan ko ng ‘Wag Hukayin’ na karatula.” Dahan-dahang ibinaba ni Matt yung baso na para bang bomba yun. Seryoso na siya. Yung Matt na CEO. Yung Matt na ama. Hindi yung Matt na kainuman. “Ethan. Baliw ka na. Alam mo ba yun? Clinically. Psychiatrically. Tangina, ipapa-check kita kay Doc Salamanca.” “Alam ko,” ngumiti ako. At putangina, first time in 6 years na totoo yung ngiti ko. Hindi para sa camera. Hindi para sa board meeting. Ngiting walang 40B na nakakabit. “Pero ngayon lang ako naging buhay, Matt. Ngayon lang.” Lumapit sya sa akin.Malakas ang naging sapak niya sa balikat ko. Para siguro magising ako. O para pigilan ako. Hindi ko alam. “6 months lang, bro. 6 months.” May kondisyon na. Kasi si Matt, hindi tanga. “Pag hindi mo kinaya, pag nagkasakit ka, pag muntik ka na mamatay sa kahirapan, pag kinain ka ng buhay ng lipunan — babalik ka dito sa 78th floor ng VCI Towers.Yan ang kondisyon ko. Hindi negotiable.” “Deal,” sabi ko,walang hesitation. Kasi 6 months? Kaya ko yan. Akala ko. “Saka isa pa.” Tinitigan nya ko. Mata sa mata. “Villareal Constructions. Sakin mo iwanan. Ako temporary CEO. Ako bahala. Aayusin ko. Palalaguin ko. Pero Ethan...” Huminga siya malalim. “Pag bumalik ka at nalugi ‘to, ikaw magbabayad ng utang ko kay misis. Kasi si Cathy, papatayin ako pag nalugi pera natin.” Tumawa ako,malutong na tawa. Tawa na may luha. Tawa na kanina ko pa gustong pakawalan pero nakakulong sa 40B. “Sayo ko lang pagkakatiwala ‘to, Matt. Sayo lang. Wala nang ibang makakaalam. Kahit si Yana, sabihin mo nagbakasyon lang ako. Kahit si Mama. Lalo na si Mama.” Tumango sya. Pinunasan niya bibig niya. “Tangina mo. Sige. Magpaka-humble ka. Magpaka-Jesus Christ ka. Pero pag namatay ka sa tetanus kasi nagwelding ka nang walang safety shoes, ako magpapaliwanag sa Nanay mo. At kilala mo Nanay mo. Ibabaon niya ko nang buhay kasama mo.” Kinabukasan, 5AM. Wala na si Ethan Carl Villareal. Namayapa siya. Hindi sa sakit. Hindi sa aksidente. Kusa siyang namatay. Sa 78th floor ng sarili niyang building. Ang sumakay na lalaki sa ordinaryong bus sa Cubao papuntang San Fernando, La Union ay si Elias Mendez. Walang maleta. Isang lumang duffel bag lang na binili sa bangketa. Naka-maong na kupas. Naka-boots na nabili sa ukay sa Baguio — may tatak pa na “P150”. Naka-plain black shirt. Walang logo. Kasi ang logo, nagmumukha kang mayaman. Sa bulsa nya: 10,200 pesos. Huling withdrawal nya sa ATM bago niya pinacut lahat ng cards. 10,200. Kasya para sa pamasahe, isang linggong pagkain, at isang boteng Red Horse kung hindi niya kayanin yung realidad. Sa isip nya: isang plano. Trabaho: Welder. Sahod: Anim na daang piso isang araw. Hindi isang daang libong piso isang lagok. Anim na daan. Para sa 8 oras na pagod. Para sa pawis na totoo. Para sa paso na hindi mabibili. At ang hindi ko alam? Yung hinahanap kong “isang tao” na kaya akong tingnan at hindi ako makitang ATM, na kaya akong mahalin nang walang Rolex, na kaya akong sigawan nang hindi takot sa apelyido ko... Nasa tindahan lang pala. Sa barangay Bangbangolan. Nagbebenta ng itlog. Ng load. Ng kandila para sa brownout. Ng yosi tingi. At ng mga sagot na hindi kayang bilhin ng 40B ko. Hindi kayang bilhin ng buong Villareal Tower. Pangalan niya: Rian. At wala siyang pakealam kung sino ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.0M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
812.7K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.0M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
1.0M
bc

A Warrior's Second Chance

read
377.5K
bc

Not just, the Beta

read
359.4K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook