" Primo . At my office ." Napayuko ako sa aking narinig . Patay na .
"Malamig pa sa hangin sa tagaytay at baguio yung boses ni ma'am inah ah"
Nagtatawanan sila andrei at ang iba sa pang aasar sa akin . Napatingin ako kay bailey kasalukuyang may phone call ito pero saakin pa din ito nakatingin . Ngumiti lang ako tanda ng pagsasabi na ayos lang ako .
Tumayo ako at pumasuk sa director's office
" Goodmorning ma'am inah" bungad na paggalang ko sa aming maam .
"Umupo ka primo" nakatingin pa din ito sa papeles na hawak nito . Umupo ako at naghintay ng kanyang sasabihin . Tumingin ito sa akin . Seryoso ang kanyang mukha .
" Primo . Alam naman naten pareho na kaibigan ako si bailey . Alam din naten pareho na alam ko ang status nyo . At higit sa lahat . Alam ko din ang tungkol kay sandra . "
Napatigil ako . Napatingin ako sa aming boss
"Ma'am inah hindi ko po alam ang sasabihin ko " natitigilan ako . Di ako makatingin sa kanya .
"Primo . Wala akong pakealam sa relasyon na meron kayo pero sana naman hindi apektado nag trabaho mo . " Ibinagsak nito ang papeles sa aking harapan .
" Walang kahit isang pumasa sa mga proposal mo . Primo hindi ka magiging representative kung hindi ka nakaka sales noon . Anong nangyare ? Kailangan na ba kitang alugin ?? Apat na proposal pero ni isa walang nakuha ? Bakit ?" Dismayadong tanung nito . Alam ko na malakas ang boses nito at alam kong naririnig ito sa labas . Umupo ito ulit at napabuntong hininga .
" Okay . Primo ganito . Tignan mo ko bilang hindi mo manager . Tignan mo ko bilang sila khai at andrei . Mga kaibigan ni bailey . Sabihin mo saken . Anong problema ? Pede nateng pag usapan yan . "
Napatingin ako kay ma'am inah . Napayuko ako ulit . Nakuyom ang aking mga kamay .
"Ma'am . Sa totoo lang po distracted po talaga ako sa nga panahon na to . Hindi ko alam pero distracted po talaga ako . " Naiilang na pag amin ko .
" Sige magkwento ka . " Sumandal ito sa upuan . At naghihintay ng sagot .
"Ma'am ngayon lang po kasi ako nagulo ng ganito . Ngayon lang po ako naguluhan sa buong buhay ko . Ma'am . Si sandra po matagal na panahon na kameng magkasama nagpaplano na po kameng magpakasal . Hanggang sa dumating nalang si bailey . " Napatayo ako . Napatingin sa bintana . Nakita ko na nakatingin si bailey sa amin . Tumingin ako kay ma'am ..
" Ma'am . Kailangan ko po ata ng break . "
Napatingin ito sa akin alam kong nagulat sya sa aking hiniling .
"Sige . Kung yan ang gusto mo . Pasahan mo ko ng leave form mo ."
Nagpasalamat ako sa aming manager at tuluyan ng lumabas ng office.
Nakatingin si bailey at napatayo ito ng lumabas ako sa office pero pinili kong wag itong tigilan o tignan . Kailangan ko itong gawin . Para sayo mahal ko .
"Pare ang hussle mo . Dito mo pa pinadala yang motor mo . Bakit hindi ikaw ang sumakay dito sa motor mi at ikaw nag nagdrive papunta dito ??" Umupo si andrei sa aking tabj . Nasa bar kame . Sa malapit sa aking bahay . Inutusan ko si andrei na imaneho ang aking motor papunta dito upang makaiwas sa lahat . Pati na kay bailey .
"Pare hinahanap ka ni bailey kanina alalang alala sya sayo . Ano ba nangyare ? Pag tapos mo makipag usap kay ma'am naging tahimik ka na . Lalo na nung bumalik ka sa office nya parang lalo kang nawala ang bilis mo naglahong parang bula ." Mahabang tanung nito sa aken .
" Uminom ka nalang ." Pinabigyan ko ito ng iinumin . Agad naman nitong ininom yun . At napatingin saken
" Shittt . Wag mo sabihin saken na tanggal ka na sa trabaho ???" Nagugulat na tanung nito . Napatawa ako sa kakulitan ni andrei . "Gagi hindi !" Uminom akong muli .. hindi ako mahilig maginum pero sa oras na to parang eto lang ang makakatulong sa akin .
Napatigil kameng pareho ng magring ang cellphone ni andrei . Napatingin ito saken at nakita kong si bailey ang natawag . Inopen nya to at niloud speaker .
"Hello andrei . Kasama mo na si primo ? Pakausap ako pls ." Umiling ako . Nadidismaya si andrei sa kanyng isasagot kay bailey .
"Ah kasi bailey .... Wala ... Hinatid ko lang yung motor sa kanila ... Pero wala pa si primo dun .. si sandra lang yun kumuha nung motor .." natataranta si andrei sa pagsisinungaling na ginagawa nya .
"Ganun ba . Pakitawagan naman si primo . Nag aalala ako sa kanya . Pls andrei . Thankyou." At naputol na ang linya .
"Gago ka ! Ano yun ? Iniiwasan mo si bailey ??? Bakit ??????" Galit na tanung nito.
"Pare . Kumplikado na kasi lahat . Habang tumatagal ." I zip a drink .. "hindi ko ata matatanggap sa sarili ko na masira ang relasyon na meron ako ng dahil lang sa di ko maramdaman yung pagmamahal ko sa kanya noon. Par . Hirap na ko . Damay lahat pati trabaho ko . Pati pagsasama namen ni sandra damay . Naguguluhan na ung utak ko . Gusto ko mag refresh"
Naramdaman ko ang pagtapik ni andrei sa likod ko .
"Pero par . Napaka unfair naman kay bailey na bigla mo naalng sya iiwan sa kabila ng lahat."
I looked at andrei . And started to cry . Men dont cry but i did .
"Pre . Mas mahihirapan si bailey kung aaligid pa din ako sa kanya."
Malalim na ang relasyon na meron kame . Pero sa nararamdaman ko d ko na alam kung ano pa ba ang dapat at hindi dapat . Mahal ko si bailey pero magulo na masyado ang sitwasyon at eto ang di ko kaya . Kaya siguro kailangan ko pa munang magpahinga .