BAILEY'S POV
Ilang araw na . Hindi pumapasuk si primo . Hanggang ngayon wala syang paramdam ano na kayang nangyare sa kanya . Kahit tanungin ko si andrei ang laging sagot neto ay hindi nya alam . Bakit ang hirap ng mga nagdadaan na araw . Ang sakit saken na hindi sya nakikita . Anong nangyare ? Primo nasan ka ba?
"Bailey . " Tawag ni khai sa atensyon ko . "Tulala ka na naman" malungkot din ito sa nakikita nya sa akin .
"Wala ah iniisip ko lang yun presentation ko mamaya" kunwari ay tumingin ako sa laptop . Pero dahan dahan kong pinunasan ang aking mga luha. Lumapit si khai sa akin . Niyakap ako .
"Okay lang yan bailey . Makaka move on ka din " nagsimula ako na umiyak . Buti nalang at lunch break wala na tao sa office .
"Ang daya daya nya khai . Hindi sya nagpaalam saken . Mas matatanggap ko pa kung sinabi nyang aya wna nya kesa iniwasan nya ko ng ganyan . Ang sakit saken na hinahanap ko sya pero di ko alam kung nasan sya ." Walang humpay na iyak na naman ang ginawa ko . Sa araw araw ay ganito ang ginagawa ko .
"Gusto ko lang makita sya . Kahit saglit . Kahit di ko sya makausap . Kahit sandali lang . Ilang linggo na ang nakalipas . Pero nasan na sya . " Hagulgol ko lang ang tanging maririnig sa office.
"Gusto mo na ba talaga sya makita ?" Nagulat kame ni khai kay andrei . Nasa likod pala namen sya . Tumango ako
"Pangakong di ka magpapakita sa kanya ? " Muling tanung nito .
"Oo andrei . Pangako hindi nya ko makikita . Gusto ko lang makita si primo." Nangingilid ang aking mga luha .
"Sige ayusin mo sarili mo . Mamayang uwian dadalhin kita sa kanya." Nagliwanag ang aking mukha .
"Salamat andrei . ,"
"Nandyan lang si primo simula ng nagbakasyon sya saten. Kinailangan nya yan." Kasalukuyan kameng nasa kotse nakamasid kay primo sa kabilang kanto . Nasa shop nila kame ni sandra . Dito pala nya binubuhos ang oras nya simula ng umalis sya sa trabaho.
"Bakit kailangan nyang umalis andrei ? Bakit napaka unfair nya ? Bakit di sya nagsabi saken ? Bakit nya ko iniwan sa ere bigla ? " Tanung ko dito pero hindi ko inaalis ang aking mga mata sa kanya . Nakaupo si primo sa may labas ng coffee shop . Nakatingin sa malayo habang nilalaro ang ballpen na hawak nito . Si sandra naman ay busy sa loob na inaasikaso ang mga crew nila .
"Bailey . Nakikita mo ba si primo ? Nahihirapan din sya sa nangyayare . " Napatingin ako kay andrei . Napaiyak nalang ako sa hindi ko na alam ang mararamdaman ko .
"Bakit kasi kailangan pa namen maghirap . Pede naman namen pagbigyan yung mg nararamdamab nameb kung talagang mahal nya ko ." Hagulgol nalang ang tanging maririnig sa aking sasakyan .
"Andrei .. gusto ko sya marinig . Hindi ako sasagot gusto ko lang sya marinig pls ." Naaawa ng tumango si andrei saaken .. kinuha nito ang kanyang cellphone at dinial ang numero ni primo agad itong sumagot .
. " Hello andrei ? " Seryoso ito . Nakatingin ako sa kanya nakikita ko na malungkot sya habang hawak ang telepono . "Par. Kamusta ?" Sagot ni andrei .
"Eto . Nagpapakabusy sa shop. Nakauwi na kayo ? Daan ka dito kung gusto mo." Sagot nito . Pigil ang iyak na tinitignan ko lang ito . "Oo par . Pauwi na kame . Kasama ko sila ." Natigilan si primo sa narinig matagal bago ito sumagot muli . "Alam ba nila na kausap moko ?" Halata ang pagkabalisa sa kanya
"Hindi par . " Tumingin saaken si andrei nananantya kung kaya ko pa ba ang mga naririnig ko.
Mahabang katahimikan .
"Kamusta na sya? Si bailey ?" Tuluyan n naglandas ang luha sa aking mata .
"Pre hirap na hirap na si bailey sa mga nangyayare" malungkot na sagot ni andrei kahit si khai ay umiiyak na din sa bigat ng mga sitwasyon .
"Pre . Ikaw na bahala sa kanya huh . Pinagkakatiwalaan kita." Bakas ang iya sa boses nito kaya napatingin ako sa gawi ni primo . Nakayuko ito at halatang nagpipigil sa nararamdaman . Di ko napigilan na hindi lumabas sa kotse . Agad ako sinundan ni khai at andrei . Pinigil ako ng mga ito . Hilam sa luha na nagpapigil ako at sinapat ang sarili na titigan na lamang si primo .
"Mahal ko .. salamat.. salamat sa pag aalala ." Walang pagsidlan ang agos ng aking luha ay bumalik na ko sa sasakyan . At ng makasakay ang dalawa ay pinatakbo na ito palayo sa lalaking walang makakatumbas sa aking puso.