BAILEY'S POV
" Edi tama ako diba ?? " Mainit na naman ang ulo ni iya . Actually 3 days na syang nakakabalik from hingkong. Sabi nya mahirap ang buhay quarantine dun kasi di sy amakalabas so mas ginusto nia na bumalik lalo na at kaarawan ko .
Kasalukuyan kameng nasa bahay . Sila ang bisita ko ngayong araw .
Kumuha ako ng isang shot ng alak .
" Ewan ko ba , hindi ko naman ginusto na magisa ako sa sarili kong laro." Sabay inum ng alak.
."so anong balak mo bakla ka . " Si louie na alam kong mas naiintindihan ako kesa kay iyah . Malalim akong napabunting hininga .
" Hindi ko alam . I just cant imagine na ginagawa kong maging tanga sa taong di ko pa naman nakakasama ng matagal . I dont know whats it me bakit ganito . " Totoo lang sa loob na sagot ko .
"Gusto mo ba sa tama ? Think of it . Walang efforts , walang time , kilala ka lang pag magkasama kayo . Appreciated ka lang pag kasama mo sya . Hay nako bailey tumataas un alta presyon ko sayong babae ka kelan ka pa naging tanga ?!" Malakas na banggit ni iyah . natatawa nalang kame ni louie sa highblood na babaeng to ng may kumatok sa pinto .
" May bisita ka ? " Tanung agad ni louie . Napailing lang ako . Sino ba ang bisita ko ? Wala akong naaalala na may pinapunta ako . Sinenyasan ko si angela na buksan ang pinto .
Mga ilang sandali ay bumalik na ito . Nagulat ako sa mga nakita ko . Napatayo ako bigla at lumapit sa kanila .
"Primo . Khai . Andrei .. anong ginagawa nyo dito ?" Nabibigla kong tanung napatingin ako kina iyah . Halatang nanghihingi ako ng saklolo . Tumayo si iyah at ngumiti ng malapad .
"Primo ! Di mo ba kame naaalala ? Kame un kasama ni bailey sa bar ! " Lumapit ito kay primo at bumeso ..
"Ay oo ! Mam iyah ! " Masayang salubong nito kay iyah at tumingin din kay louie upang bumati .
"Kamusta naman ang couples ?" Pang aasar nito . Pinandilatan ko lang ito ng mata at nagtawanan na ang lahat .
Ipinakilala ko sila khai at andrei kina iyah at louie .
" Oh well nandito na din naman kayo magluluto ako ng lunch para sabay sabay na tayo kumain "
Paalam ko at nagmamadali ako pumunta sa kusina . Hindi ko napansin na sinundan ako ni primo .
"Bailey . " Napalingon ako at nagulat na nasa likod ko na ito . Bigla akong niyakap ni primo at mariing hinalikan . "Happy birthday . " Bulong nito at muling humalik . Mas matagal .. mas matamis .
" Ehem ! " Natigilan kame pareho sa narinig ..
" Akala ko ba magluluto ? " Napapangiti si iyah na dumaan sa harapan namen . "Mag c cr sana ako naistorbo ko ba kayo ?" Nang iinis pang sabi nito . Hindi ako makatingin ng matagal sa bwisit king kaibigan . Nagmamadali ako na kumuha ng mga lulutuin sa ref . Natatawang nag cr si iyah . At bihlang lumapit si primo ng mabilisan . Niyakap ako ng mahigpit at hinalikan . Sa aking pakiramdam ay walang makakapigil sa kanya . Nararamdaman ko ang bilis ng t***k ng puso ni primo . Habang magkalapat ang aming mga labi ay binibigkas nya ang mga salitang
"Mahal kita bailey . "
"Teka . Baka gusto nyo ako na ang magluto . Para maituloy nyo na yang lambingan nyo sa ibang lugar . " sa pangalawang pagkakataon ay nahuli kame ni iyah . Natatawang bumitaw si primo sa akin . Huamrap ito kay iyah .
" Sinusulit ko lang yung pagbati ko sa kanya . Actually ako talaga yun mag iinsist na magluto kaya ako sumunod dito . " Nakangiting sagot nito . Natatameme nalang ako sa mga pangyayare nag uumapaw ang damdamin ko sa galak .
"Anong ikaw ang magluluto ?" Tinignan ko ito . Isang malalim na halik ang ibinigay nito sa akin at sinabing "mag enjoy ka lang . Its your day ako na bahala sa lahat ."
Nasa sala silang lahat ng naisipan ko lumabas . Kailangan ko manigarilyo .
" Bailey . Hindi ka ata mapakali . " Nagsindi din ng sigarilyo si louie . Ngumiti ako sa kanya .
"Louie . Alam ko naman na mali . Committed si primo . And i know na wala akong laban dun . Gusto ko na baguhin yung sitwasyon pero hindi ko alam kung paano . Habang tumatagal mas lumalalim yung nararamdaman ko sa kanya . "
Umupo si louie sa tabi ko at inakbayan ako nito .
"Girl . Hindi mo naman kailangan mag adjust . Ako ? Para saken ? Kung san ka masaya dun ka . Wag mo muna isipin ang mga susunod na mangyayare . This time ang dapat mong gawin sulitin at namnamin yung mga panahon na kasama mo sya . Na pwede pa . Kasi pag dumating na kayo sa point na kailangan nyo ng tumigil atleast satisfied ka na sa mga nangyayare sa inyo . "
Napangiti ako sa aking kaibigan . Maiyak iyak na niyakap ko ito .
"Girl . Laban lang . Malay mo . Bukas , marealize ni primo na ikaw na ang mahal nya . "
"Oh mukhang masarap yan ah . !" Magkakainan na kame pero parang wala akong gana kumain . Di na mapaglagyan ang gutom sa katawan ko sa sobrang saya na nararamdaman ko . Nakatingin lang ako sa kanila habang magana silang kumakain . Si primo naman ay mataman silang pinagsilbihan . Di ko maiwasan mangarap . Sana , dito ka na talaga . Kasama ko .
Lumipas ang maghapon nagkainan . Nagkantahan . Inuman . Kasalukuyang nagiinuman ang lahat ng lumabas si primo ng bahay . Napatingin ako . Kanina pa ito tingin ng tingin sa kanyang telepono at orasan .
" Andrei . Baka kailangan na nyang umuwi ? " Bulong ko kay andrei .
" Hindi ko alam bailey . " Malungkot na sagot nito .
Nagkaramdaman ang lahat kaya medyo natigilan ang lahat sa oras na yun . Sinenyasan ko si iyah na ituloy ang pagkanta . Tumayo ako at lumabas ng bahay . Nakatayo si primo sa gate at may kausap . Napatingin ito saakin . Nag iba ang kanyang awra . Di malaman kung ibababa ba o hindi ang kanyang telepono . Ngumiti lang ako . At tumango . Dahilan para ituloy nya ang kanyang pakikipag usap .. lumapit ako sa kanya . Humawak sa kamay . Pinisil nya ang aking kamay at mariing hinawakan . Yumakap ako ng mahigpit kay primo .
" Oo . Mga 2hours nalang uuwi na din ako . Hindi pa kasi ako makapagpaalam ng maayos kasi medyo lasing na sila ." Sagot nito sa kabilang linya . Napatingin ito sa akin nakatingin ako sa kanya . Bakas sa mukha ko ang lungkot sa aking narinig . Di maiiwasan dahil may tama na din ako ng alak . Niloud speaker ni primo ang telepono nya .
" Sige . Ayos lang saken mag stay ka pa dyan kahit anong oras mo gusto umuwi basta wag ka maglalasing at di ka naman umiinom . At make sure na uuwi ka . Kahit anong oras pa yan . Iloveyou honey"
Nakatingin si primo saken mataman ang kanyang tingin . Tinging nahihirapan sa sitwaysong aming kinalalagyan .
" Mahal din kita . " Sagot nito sa kabilang linya . Dahilan din ng pagtulo ng aking mga luha .
Pagbaba nya ng telepono ay niyakap nya ko ng mahigpit . Ramdam ko ang paghingi ng kapatawaran . Ngunit paano ? Hindi ko din mapatawad ang sarili ko sa nararamdaman ko .
" Primo . Kung kailangan mo na kong iwan .. ayos lang saken . Sapat naman na saken ang maghapon na nakasama kita . " Naiyak man ay nagawa kong sabihin .
" Bailey . Sorry . Hindi ko gusto na maramdaman mo to ng paulit ulit " mahigpit . Nakakasakal ang yakap ni primo .
"Mahal kita primo . Kaya lahat kaya kong tanggapin . Wag ka lang mawala."