PRIMO'S POV
"Andrei . "
"Uhm ? Hindi ko alam ang sasabihin ko primo . Ang hirap ng sitwasyon na meron ka ."
Alam na alam agad ni andrei kung ano ang gusto ko sabihin . Napabuntong hininga ako ng malalim . Kahit ako naguguluhan na ko sa sarili ko .
"Andrei . Kasalanan ko lahat hindi ba ?" Tumingin ito sa aken .
"Par . Kung mahal mo si sandra , dapat hindi mo sya niloloko ng ganyan . Pero mahal ko si bailey . At ayoko syang masaktan gaya ng nangyayare ngayon . Kaya sabi ko sayo hindi ko alam kung ano ang mangyayare ." Paliwanag nito
" Naguguluhan ako andrei . Gusto ko naman sila pagbigyan pareho pero d ko alam kung paano"
OFFICE*
" So ano balak ? Malapit na birthday mo ah . " Napatingin ako kay khai . Di nila napansin na papalapit ako .
" Anong balak ? Walang balak at lagi naman ako busy pag ganun . Saka i dont celebrate parang di mo naman alam yan ." Sumagot si bailey .
. Napansin nito na nasa malapit ako . Kaya kesa mahuli nya ko sinadya ko lumapit para lang di nya maisip na nakikinig ako .
"Anong gusto mo sa lunch ?" Wala aking maisip na itanung , yun lang ang bukod tanging lumabas sa bibig ko .
"Ikaw . Bahala ka na . " Nawala ang pagtataka sa mukha ni bailey.
"Mauuna na ko bumaba sumunod ka nalang dun after mo dyan para makabili na ko di ka na maghihintay"
Paliwanag ko pa . Tumango lng ito ang ngumiti . Bumalik na ito sa pag aayos ng mga gamit nya . Pagkakataon para tignan ko si khai at senyasan . Nakaintindi naman ito at tumayo . Sumunod ito saken pababa .
" Primo . Ano ? " Tanung nito .
"Sa birthday ni bailey . Tulungan mo ko gusto ko bumawe sa ginawa nya last time . Kay sandra"
Hingi ko ng tulong dito .
Ang tagal nitong nag isip . Tinignan ako at muli nagsalita . " Paano ang gagawin? "
Ngumiti ako tanda ng pasasalamat dito na may suporta akong makukuha . Naalala ko lang ang sinabi ni andrei noon huli kameng nagusap.
" Alam ko naman pre na mas pipiliin mo pa din si sandra . Pero sana habang hindi pa iparamdam mo kay bailey na mahal mo sya. " Masakit saken pero tinanggap ko na ang sitwasyon na pinasuk ko .
*BAILEYS DAY*
WALA kameng pasuk pero nagpaalam ako kay sandra na may lakad ang tropa . Nagkaron din ng malaking advantage yung ginawa ni bailey na pakikipag usap kay sandra . Nawala dito yun sobrang paghihigpit nito aaaken . Pumapayag na ito na umalis alis ako .
Pupunta ako sa shop ngayon . Bibili ako ng mga gagamitin sa surpresa kay bailey .binalak namen na pumunta sa kanila para ipaghanda sya . At syempre para maenjoy nya ang araw na to .
Kinuha ko ang aking telepono
"Hello . Khai . Nasan na kayo ? " Tanung ko sa kabilang line .
"Primo . Kasama ko na si andrei.. hinihintay nalang namen yung cake then punta na kame dun." Sagot ni khai.
"Ok . Daan lang ako sa liquior shop diretso na din ako dun kita kita nalang sa labas . " Binaba ko na ang aking cellphone . Sinimulan ko na patakbuhin ang aking motor .
Dumaan ako sa bilihan ng alak . Binili ko ang alak na unang unang hiningi nya saken . Hindi ko makakalimutan ang araw na yun . Kung gano kaganda si bailey ng araw na yun . Kung gano sya ka lasing din syempre . Ibang iba sya sa mga babaeng nandun ng araw na yun .
Minsan naisip ko kung hindi siguro ako nagkaroon ng utang na loob sa pinsan ko malamang wala naman ako dun sa bar ng gabi na yun . Malamang hindi ko nakita si bailey . Edi sana hindi magulo ang buhay ko ngayon .
TOK TOK ! ! kumakatok na kame sa labas ng bahay nila bailey . May isang dalaga na nagbukas . Napatingin ito kay KHAI , at parang nakakita ng kakilala na ngumiti ito .
"Ate khai . Nasa loob po si ate may bisita din sya . " Niluwagan nito ang pintuan .
Bisita ? Akala ko ba hindi sya magce celebrate . ? Pumasuk na sila khai at andrei kasunod ako . Cozy type ang bahay ni bailey . Malinis at mabango . Nakarating kame sa sala . Halatang nagulat si bailey ng makita kame .. nakatirintas ang buhok nito . Naka sando . Naka shorts . Pambahay lang tlaga . Ibang iba sa mga pirmahan na nakikita ko sa kanya . Nakakatuwa .
"Primo . Khai . Andrei .. anong ginagawa nyo dito ?" Napatayo ito at lumapit samen may bisita sya . At parang pamilyar sake ang mga bisita neto .
"Primo ! Di mo ba kame naaalala . Kame yun kasama ni bailey sa bar !" Tumayo ang babaeng bisita ni bailey .
"Ay oo !! Mam iya ! " Napangiti ako at tumingin din kay louie .
" Kamusta naman ang couples " napatingin si louie sa akin na halatang nang aasar . Nagtatawanan lang kame .
" Oh . Iya si khai and si andrei mga kaibigan namen sa trabaho . Khai andrei si iya saka si louie mga kasamahan ko sa agency . Si iya sya un may ari ng kotse na ginagamit naten . " Nagkilalanan angmga bisita ni bailey .
" Oh well nandito na din kayo magluluto ako ng lunch para sabay sabay na tayo kumain.."
Paalam ni bailey sa amin ..