❝I bribed someone big to get your number. I'm sorry, it's a request denied, Ma'am.❞ Kumunot ang noo ko. Ilang sandali pa, mariin akong pumikit at huminga ng malalim. Nang imulat ko ang mga mata, sumingaw ang inis at pagpipigil. Sino naman kaya kay Chevie at Leila ang nagbigay ng number ko sa kan'ya? Halos dumugo ang ibabang labi ko sa pagpigil sumabog sa frustration. Nakakainis! Habang umiiwas naman ako sa kan'ya, siya naman itong habol nang habol sa akin! Hinilot ko ang noo at ni-massage ang leeg. Sa pagtaas ng dugo ko sa ulo, pakiramdam ko mapuputol ng wala sa oras ang ugat ko sa leeg. So stressful. Grabe. Because of too much frustration and annoyance, pinili ko nalang ang manood ng refreshing videos para lumamig ang ulo ko. Hindi na rin ako sumubok pang lumabas dahil sigurado akong

