❝Ma'am, hindi naman po babae ang kasama niya kanina, bakla po!❞ Nasapo ko ang labi sa gulat. Kung hindi ko pinigilan ang mga mata ko, malamang nasa sahig na sila ngayon. "W-what?!" pabulong ngunit gulat kong tanong. Napa-iktad si Leila. "Bakit po kayo mukhang gulat na gulat?" she surveyed my whole reaction kaya mabilis akong bumawi at kunwari wala. "Ah, hihi," nag-isip ako ng irarason ngunit nahuli lamang ako ng tingin ng kunot ang noong si Prudence kaya inirapan ko siya. Umawang ang labi niya. Nagulat sa ginawa ko. Nakipagtitigan ako sa kan'ya at pinanliitan siya ng tingin. Prudence just gazed at me lazily ngunit binawi niya rin agad at tumingin sa laptop niya. I heard Leila's malicious buffering kaya nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "Mali ang iniisip mo, Leila," ani ko at m

