kabanata 3- Where's my kiss

1214 Words
Madami talaga akong memories kasama si Mark. At ang pinakatumatak sa alaala ko ay 'yong dinala ko siya sa bahay namin after graduation. "Ma!" Napatingin sa kasama ko ang lahat ng mga bisita sa bahay na kasalukuyan nang nilalantakan ang lechong baboy na inihanda nina mama. Muntik pang mabulunan ang iba. Sa likod ng mga ito ay nakasabit ang malaking tarpaulin sa dingding ng bahay namin. Nakabalandra ang mukha ko roon na kulot at pangit. Parang gusto ko tuloy punitin. "Sino 'yan? Pogi, ah!" "Lanie! Boyfriend mo? Mukhang mayaman!" sambitla ng mga tambay na nakikain sa amin. "Ha? Hindi!" "Eh, bakit magka-holding hands kayo?" Napatingin ako sa magkahawak naming mga kamay ni Mark. Hala! Hindi pa pala niya ako binitiwan? Ako na ang kusang kumalas. Nakakahiya, eh! "Good evening, ho!" magalang na bati ni Mark sa lahat. Suot na naman niya ang nakaka-ehm na ngiti. Nagtilian tuloy ang mahaharot na mga dalagitang bisita. Naku! Sarap kalbuhin sa baba! "Isa ka sa mga kaibigan ni Kairo Nagamori. 'Yong utak sa pagpapakidnap noon kay Dim at sa kapatid ko!" maangas na sambit ni kuya Dan. "Psst! Kuya! Ang tagal na no'n!" High school pa lang ako non, eh. "Ahh, yes po. Magkaibigan ho kami ni Kai." "Sabi nila, kung anong klaseng tao raw ang kaibigan mo ay gano'n ka rin." Kinabahan akong napatingin kay Mark. Naku! Mukhang mapapasubo si Mark nito! Pero wala man lang akong nakikitang tension sa mukha niya. Ngumiti pa nga siya. "I doubt that. Hindi naman kasi iisang babae ang umere sa amin. Magkaiba rin ang finger print namin. Ibig sabihin, magkakaiba ang ugali at takbo ng utak naming magkakaibigan." Nice one, Mark! "Hey, bro!". Napanganga ako sa isang lalaking nangingibabaw sa lahat ng bisita namin. Wow! It's been a long time. Ssh! English 'yon. Napahawi ako ng aking buhok at mahinhin na inipit sa tainga ko. Pa-gurl dapat! Andyan si crush! Lalo siyang tumangkad at kuminis ang maputing balat. Ang gwapo niya rin lalo tsaka lumapad pa ang dibdib niya. Lumapit siya kay Mark at nakipagkamay. Magkasingtangkad lang ang dalawa. Dati pa ay magkakilala na sila. Syempre, sa DRIS din s'ya rati nag-aral. "CE!" tawag ko. Napabaling si CE sa akin saka ngumiti. "Hey, Lanie!" Nagulat ako nang tumungo siya at hinalikan ako sa pisngi. Hihimatayin yata ako sa kilig nito! Si crush! Hinalikan ako sa pisngi! Sapakin ko ba? "Muntik na kita hindi nakilala, ah. Ang ganda mo na. Congrats pala. Sa wakas, natapos mo na rin ang kurso mo." "Ah, hehe. S-salamat." "Lanie! My labs!" Nyeek! Si Bukaw bungal! Ngumisi ang gilagid niya at sumugod ng yakap sa akin. Hanggang ngayon bansot pa pero at least nadagdagan ang height. Dati hanggang beywang ko lang siya pero ngayon ay hanggang balikat ko na. Pero nakasapatos ako ngayon ng may 3-inches heels kaya balik siya sa beywang. Kaagad ko siyang binatukan dahil nakasubsob na pala ang mukha niya sa malulusog kong dibdib. "Aray! My labs naman!" "Umalis ka sa harapan ko, tatadyakan kita!" Ngumuso siya at tumalikod habang nagkakamot. "Anak! Li ka! Pakainin mo ang bisita mo!" tawag ni mama. Kaagad ko namang hinila si Mark. Dumiretso kami sa kwarto ko. Bakit sa kwarto? Dahil baka masakmal siya ng mga kuya ko. Sa intrance pa lang ay para nang kinakain si Mark ng titig ng mga ito. Para bang ang laki ng galit nila sa grupong TABS. Ewan ko ba kung bakit. Eh, boyband lang naman iyon. Insecure siguro kasi ang gugwapo ng TABS boys. "Dito ka lang, ha? Ikukuha kita ng pagkain." Kumunot ang noo ni Mark. "Dito tayo kakain sa room mo? Why?" "Delilah." "Huh?" "Kanta 'yon, tanga! Maghintay ka rito! Huwag kang lalabas kung ayaw mong umuwi na may bawas!" Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng dalawang pinggan. Sinalinan ko ang mga iyon ng kanin, lechon at adobo. Nagdala na rin ako ng dessert na fruit salad tsaka soft drinks at isang pitsel ng tubig. Nilagay ko ang mga iyon sa tray. "Psst! Hoy! Ba't mo dinala sa kwarto 'yon?" untag sa akin ni kuya Dan. Siya talaga ang pinaka-istrikto sa lahat ng mga kuya ko. Gets ko naman. Siya kasi ang tumatayong tatay namin. "Kuya, kasi... Alam mo na. Pinuprotektahan ko lang ang bisita ko." Kumunot ang noo niya. "Bakit? Natatakot ba siya sa amin?" "Hindi naman. Pero ayoko lang umuwi 'yon na may bangas. Kung makatitig kasi kayo parang gusto niyo nang ihain sa mesa! Tao 'yon! Hindi aso!" "Siguraduhin mo lang na wala kayong gagawin doon." "Kakain lang po kami, Tay Dan!" "T4ngina 'to!" Tumalikod na ako kahit na nagsasalita pa siya. Nakakabingi talaga ang sermon, noh? Sa dami ng sinabi niya wala akong narinig ni isang salita. "Kulot! Kapag nalaman kong may relasyon pala kayo ng lalaking 'yon malilintikan ka talaga!" "Straight na po ang hair ko, Tay Dan!" "G4go! Kakalbuhin talaga kita! Hindi mo kilala ang lahi nila!" Bla bla bla bla Wala akong narinig! Naabutan ko sa kwarto ko si Mark na nakatayo sa harap ng litratong nakapaskil sa dingding at nakapameywang. "Hoy! Ba't mo tinititigan 'yan? Type mo?" Abot ang mga kilay niya nang humarap sa akin. "Ba't may picture ka ni CE? Crush mo siya?" Ngumisi ako. "Oo. Ang gwapo niya kasi! Ang puti! Ang kinis! Ang tangkad at ang tigas ng dibdib! Ang bango pa! Bukod don, mayaman din! Higit sa lahat, mabait!" Umismid siya at padabog na umupo sa maliit kong kama. Lumangitngit pa iyon na para bang sinisigaw na katapusan na nito! Ang laking bulas kasi ng lalaking umupo. "O! Bat ganyan ang mukha mo? Muntik nang sumayad sa baba mo ang nguso mo, o!" puna ko habang nilalapag sa maliit na mesa ang tray. "Mahilig ka pala sa tsinito." "Medyo..." kinikilig ko pang sagot. Kinikilig talaga ako ngayong nakita ko ulit si CE. Hinalikan pa ako sa pisngi! Shvta talaga! Teka! Hinalikan ako sa pisngi? G4go 'yon, ah! Wala pang nangahas na manghalik sa akin! Pero ok lang. Kinilig naman ako. Hehe! "What are you smiling at?" Napaangat ako ng tingin kay Mark na kasalukuyan nang nilalantakan ang pagkain sa isang pinggan. Nginangatngat niya ang adobo. Nagutom yata si pogi. "Masarap ba?" tanong ko. "Um. Malinamnam. Sakto sa alat. Sino ba nagluto nitong adobong manok?" "Ay, hindi 'yan manok! 'Yong aso ng kapitbahay namin na may galis, nilamon nang buo ng malaking sawa. Sa galit ng may-ari ay pinagtat4ga nito ang ahas saka inadobo..." Kandalunok siya. "Inadobo a-ang ahas?" "Hindi. 'Yong aso." Bigla na lang siyang naduwal. Anyare kaya? Yumuko siya at akmang susuka pero mabilis kong tinakpan ang bibig niya gamit ang palad ko. "Hoy! Huwag ka dito magkalat! Lunukin mo 'yan! Kapag sinukahan mo itong kwarto ko, hindi ka talaga makakauwi sa inyo! Lunukin mo 'yan!" Hirap na hirap siya nang humarap sa akin. Naluluha na ang mga mata niya sa pagpipigil. "L-Lanie! I-I can't!" "Lunukin mo sabi! Kapag nilunok mo 'yan, may reward kang kiss." Natigilan siya. "Really?" Maangas akong tumango. "Oo! Basta lunukin mo iyan! Ayoko ng masangsang na amoy sa kwarto ko!" Pilit niyang pinipigilan ang sarili habang nagsasalin ng tubig sa baso saka sunud-sunod na nilagok iyon. "Done." "Good." "Where's my kiss?" Hindi natuloy ang pagsubo ko at nag-slow-mo bigla ang kilos kong napatingin sa kaniya. "H-ha?" "I want my reward. Your kiss. Gusto ko sa lips." Paktay! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD