Pasulyap-sulyap ako kay kuya CE habang nasa kusina ako.
Nagkakilala pala sila ni kuya sa isang tournament. Sumali kasi si kuya Jake sa libreng pagtuturo ng taekwando sa lugar namin at naging pambato nito.
"Kuya, sama ako!" isang gabi ay sabi ko kay kuya Jake.
Schedule ngayon ng practice nila sa taekwando.
Isinama naman niya ako para raw matuto ako ng tamang self-defense. Pero Ang paningin ko ay naka-focus lagi kay kuya CE na kasama rin namin ng gabing iyon.
Ang gwapo niya talaga lalo na kapag nakasuot siya ng pulang jacket na pinailaliman ng puting-puting t-shirt, naka-black jogging pants at puting sneakers. Nakakainlab!
Hindi madali ang training namin sa taekwando pero tiniis ko ang hirap at pagod para lang makita ko lagi si kuya CE. First crush ko nga kasi at baka nga first love na din.
Pero hindi rin ako nagtagal sa eskwelahan na iyon. Sinipa ko kasi sa bay4g ang trainor namin. Paano ba naman, pinalo ako sa pw3t dahil lang sa sumipa ako nang hindi nag-shout! Dapat daw kasi sisigaw ka sabay sipa para mai-release daw ang buong lakas mo.
At dahil don ay tinanggal ako.
"Gaga ka talaga! Nagalit sa iyo si master!" sermon sa akin ni kuya Jake pagdating sa bahay.
"Serry na."
"Ewan ko sa'yo! 'Wag ka nang pumunta don, ha!"
Umiyak na lang ako sa kwarto ko. Napahiya kasi ako kay kuya CE.
Sa paglipas ng panahon ay hindi ko akalaing lulubo ang simpleng crush ko kay kuya CE. Mahal ko na yata talaga siya.
Siya ang first love ko pero first heartbreak ko rin. Paano kasi, si Dimples ang love niya. At naging sila rin noon dahil sa kagagawan ko.
Unti-unti ko namang natutunan mag-move on. Kaso nang mag-college ako ay nagtagpo ulit ang landas namin. Akala ko mababaliw na naman ako sa kaniya. Buti na lang madaming gwapo sa eskwelahan namin. At least, may nababalingan ako ng atensyon ko. At dahil ahead sa amin si kuya CE ay nauna rin siyang nag-graduate. Hindi na ulit kami nagkita ng ilang taon. Nagtungo na siya sa Korea.
Sinuwerte ako dahil nabigyan ako ng scholarship sa DRIS, ang pinakasikat na private college that time. Actually, kaming apat na magkakaibigan ay binigyan ng scholarship ni atty. Ricky Zaragoza. Close kasi sila ni Dim.
Hindi lang iyon, ang mga Zaragoza rin ang nag-provide sa amin ng apartment at with Aircon pa! Kaya heto, medyo lumiwanag na ang balat ko.
Blessing talaga sa amin si Dim. Dahil din sa kaniya ay nakilala ko ang TABS na isang boy band na binuo ng limang naggugwapuhang kalalakihan.
Si Kai, ang pinakagwapo sa kanilang lahat ngunit pinaka-hate ko kasi salbahe. Naging ex siya ni Dim.
Si Hiro na crush ni Suze na nagpalubo sa bilbil niya. Oo kasi bininhian lang naman siya ng babaero na iyon tapos hindi naman pinanagutan.
Si Shun na sobrang kulit at naging kaklase namin sa HRM course. Crush kasi nito si Dim noon at nang malaman nitong HRM ang kinuha ng friend ko ay lumipat din ito sa amin.
Si Renzi naman, ang pinakamatino at seryoso sa kanilang lahat ngunit pinakasuplado. Hindi namamansin pero ang gwapo. Siya ang tagapagtanggol ni Dim.
At ang panghuli ay si Mark, ang pinaka-cool sa kanilang lahat na laging nakasuot ng contact lens na kulay brown. Pero kalaunan ay nadiskubre kong green pala ang mga mata niya at tinatago niya lang sa lenses dahil ikinakahiya niya. Ang ganda kaya! Gusto ko ngang titigan lagi, eh.
Mabait si Mark. Sa kanilang lahat, siya ang unang naging kaibigan ko. Siya ang nagturo sa akin paano mag-ayos, magpaganda, magdamit ng wasto bilang babae. Ewan ko ba pero ang gaan-gaan niyang kasama. Feeling ko, bading 'to. Takot lang lumantad.
Natutuwa rin siya sa akin dahil lagi ko siyang napapatawa. Lalo na pag narinig niya ang utoot ko, tuwang-tuwa siya! Haha!
'Yong mga babae sa school namin ay namamatay na sa inggit dahil sa closeness namin ni Mark. Halos araw-araw ba naman niya akong iniimbitahan na kumain sa labas. Minsan pa nga akong na-bully dahil sa inggit ng mga babaeng nangarap maging jowa niya. Duh! Bahala silang mangisay.
Sa kanilang magkakaibigan, siya lang din ang may maraming kaibigan na babae. Pero sa kabila non ay stick to one pa rin siya sa kaisa-isa niyang girlfriend. Si Shantal. Bilib talaga ako sa kaniya.
"Lanie!"
Isang gwapong lalaki ang biglang yumakap sa akin. Nakapolo shirts siya ng itim, nakataas sa siko ang sleeves nito, naka-fitted jeans, nike sneakers at nakasuot ng relong Rolex. Lahat sa kaniya, mamahalin pati ang kaniyang pabango.
Si Mark Dillion Rojas lang naman ito.
Graduation namin ngayon sa college at sa kanilang magkakaibigan, siya na naman ang present sa isa sa pinakamahalagang event ng buhay ko. Nagayuma ko yata ang lalaking ito. Ang bait sa akin, eh. Siya lang ang dumalo para i-congratulate kami ni Lettie. May dala pa siyang dalawang bouquet ng bulaklak para sa amin ng friend ko.
Hindi nakapagtapos sina Suze at Dim dahil nabuntis. At kasalukuyang nasa ibang bansa kaya medyo sad kami ngayon ni Lettie.
"Let's celebrate. Kain tayo sa labas. My treat," nakangiting sabi ni Mark.
Napangiwi ako.
"Naku, Mark, sayang. Naghanda kasi ng kaunti si mama sa bahay namin."
"Can I come?"
Nanlaki ang mga mata ko. Nakakahiya naman sa gwapong mayaman na ito. Ang liit kasi ng bahay namin.
"Please?"
Hala! Para siyang tuta, o! Ang cute niya pala magsumamo? Sarap sipain. Naninipa kasi ako ng tuta. Minsan na akong nakagat ng aso sa pw3t kaya na-trauma na ako.
"Sige na nga! Basta huwag kang manlait, ha? Mahirap lang kami at maliit lang bahay namin. Ang bubong namin ay pinagtagpi-tagping yero lang. Tsaka 'yong kwarto ko parang bahay lang ng aso ninyo."
Teka, ba't nasali ang kwarto ko? Hindi ko naman siya ipapasok doon!
Ngumiti siya. 'Yong ngiti ni joker. Malawak pero maganda 'yong sa kaniya. Naku! Kung wala lang 'tong girlfriend baka crush ko na rin ito. Kaso hindi ako epal. Ayokong mang-agaw ng boyfriend ng iba. Syempre, babae ako. Alam ko kung paano masaktan ang isang babae.
"Lettie, sama ka sa amin, ha?"
Napalabi si Lettie.
"Hindi na. Baka hanapin ako sa bahay."
"Uuwi ka rin ng Cavite?" tanong ni Mark.
"Oo."
"Sabay ka na lang sa amin."
So ayun na. Nasa backseat si Lettie at ako naman ay nandito sa passenger's seat, katabi ni Mark.
"Ganda mo ngayon, ah?" biglang basag ni Mark sa katahimikan.
Oo, himala talaga na nanahimik ako habang nasa byahe. Para kasi akong nailang bigla sa presensya ni Mark. Ewan. Lalo na ngayong nakahawak na pala siya sa kamay ko habang ang isang kamay niya ay nasa manibela, nagmamaneho.
"Bagay sa iyo ang make-up mo."
Pinaayusan kasi ako ni mama sa parlor at pinalagyan ng make-up. Ang kulot at mahaba kong buhok ay pina-rebond niya. First time sa tanang buhay ko. Syempre, graduation ko ngayon dapat daw maganda ako. Nauna na nga palang umuwi si mama para asikasuhin ang munting handaan namin. Nagpa-lechon siya at sino'ng katulong niya sa pagluluto? Si Bukaw! Si Bukaw na ngayon ay isa na sa masugid na manliligaw ko. Hanep na bungal na 'yon! Kinain din niya ang mga panlalait sa akin noon.
Nakagat ko ang labi ko nang pisilin ni Mark ang palad ko. Tengene! Nakuryente ako don, ah!
"Hoy! Ano 'yan? Sumbong kita kay Shantal!" anas ko.
Mabilis niyang binawi ang kamay niya saka tumikhim.
Namula ang kaniyang mukha at ang kaniyang tainga. Biglang tinubuan ng hiya ang g4gong 'to.
Nilingon ko si Lettie at nang makitang tulog ito ay kinuha ko ang kamay ni Mark. Nagulat pa siya sa ginawa ko.
"Ayos lang. Holding hands tayo. Wala naman 'tong malisya, diba?"
Ngumiti siya.
"Yeah. Walang malisya." At pinisil na naman niya ang palad ko.
Grr! Kinilig ang aking tiyan! Nagtayuan bigla ang bolbol ko!