My Imperious Lover Chapter 15 Beatriz POV “Ohh. . .” singhap ng lahat. “It seems our beautiful Operation Manager needed to cut her long, shimmering, shiny, glossy, and kagigil niyang hair. How to be you po?” anang ng baklang MC. Parang nanliliit ako sa mga naririnig. Nakakahiyang nasa iyo lahat ng atensiyon ng lahat. I mean, bakit ba kasi kailangan niya gawin ito? “Ahm!” tikhim ni Jonas. “Ah, Beatriz, ikaw gusto mo ba?” nag-aalangang tanong niya. Tinignan si Sir na talaga namang hindi inaalis ang tingin sa aming dalawa. “Pasensiya na, ha? Baka masisante pa tayo kung hindi na ‘tin pagbibigyan.” biro ko na lang. Mabuti na lang mabuting tao itong si Jonas. Nakakaintindi. Game na game siya sa mga biruan nilang magba-barkada. Lalo na sa mga pang-aasar na ginawaga ng kanyang mga kaibiga

