Chapter 16 Beatriz POV Huminga ako ng malalim at pumikit. Bumubuga ako ng hangin sa hapdi nang pagpahid ng alcohol pads sa braso ko. Just like I’m blowing some hot soup in front of me. Bakit parang ang tagal naman matapos nang ginagawa ng nurse? Naiiyak na ako sa hapdi. Wala akong balak na magpagamot dahil sa mga natamo kung galos at kalmot. Not as if it was a big deal, pero it is so low kung magpapadala pa ako sa hospital gaya ng suhesyon ni Kiel. Kaya ko namang linisan ang sarili ko sa pagligo lang. Wala naman sigurong mga rabbies ang mga babaeng ito e, ano? O, tetano kaya? Kaya lang ayaw mabuwag ang masamang tingin sa akin ng magaling kong boss. Nandito kami ngayon sa isang private room o ewan. Parang isang opisina na parang isang entertainment room sa loob ng isang restaurant niya d

