Chapter 17 Beatriz POV Napakamot ako sa leeg ko dahil sa tanong niyang iyon. Ilang sandali akong natahimik bago nakaimik. Pinakiramdaman ko ang mood niya. Ang mga tingin niya. Obviously, galit siya sa ginawa ko. “That was their idea. Ahm. . .” Hindi ko maalapuhap ang mga tamang salitang sasabihin ko. Pakiramdam ko, ito na ang dead-end ko. Baka ito na nga ang ikasisante ko sa company niya. “Hindi. . . hindi naman sa ganoon iyon. It was just— for f-fun.” Halos hindi ko mabigkas ang huling salita. Parang na sobrahan ito sa sounds ‘f’ niya. “Fun?” taas kilay niyang tanong. Emphasizing the word. Pakiramdam ko sinisilaban ang pwet ko sa inuupuan ko. “Did you enjoy setting your bet then?” May pang-uuyam niyang tanong. Kitang-kita ko na ngayon ang inis sa kanyang mukha. Sumandal siya sa kanya

