Chapter 4
Beatriz POV
Iniwagwag ko ang buhok kong katatapos ko lang kulutin gamit ang curling iron para ma-loosen up ang kulot nito at magmukhang natural lang. Napangiti ako sa sariling replika sa kaharap na salamin. Kontento sa nagawa kong pag-aayos sa aking sarili. Ngayong araw ang welcoming party ng company namin at isa ako sa mga napiling sasalubong sa may-ari ng kumpanya. Ito ang unang beses na ma-memeet namin siya.
Tatlong taon na ako sa kumpanyang ito at nagpapasalamat ako na dito ako nakapagtrabaho. Ito ang unang trabaho ko. Mula sa technical support noon, ngayon isa na ako sa operating manager. Sa ilang taon na ‘yon masaya ako. Alone man, masaya pa rin. Mas okay na ako sa ganitong buhay. Kuntento na ako. Living independent makes me a strong woman today. And I’m proud for it. Na kaya kong mag-isa ang lahat ng mga nangyari sa akin. . . na kaya ko. At ito ako ngayon.
Diretso akong lumabas ng lift dito sa condo ko. Naka-abang na ang na booked kong taxi sa labas ng building namin. Matamis kong nginitian si Manong guard at nagpasalamat sa kanya.
“Manong Pogs, salamat po!” Kinawayan ko siya. Naging kaibigan ko na ito dahil talaga namang napakamatulungin niya. Pogs ang ibinigay kong palayaw niya mula noon, short for pogi. Ang cute kasi niya. Kalbo siya na ubod ng kintab ang tuktok, bagay na bagay sa bilugan niyang mukha.
“Ganda mo naman, ma’am Bea.” Makatotohanang bati niya sa akin. Bahagya kong tinapik ang balikat nito.
“Sus, nambola pa! Alis na ho ako,” Nilagpasan ko siya sa kanyang post na nakahumang nang nakabukas ang babasaging pintuan para sa paglabas ko. Agad siyang sumunod para pagbuksan naman ako ng pinto ng taxi. Matagal na siyang nagtatrabaho dito sa building namin bago pa man ako lumipat dito ay nandito na siya. At halos lahat ng mga nakatira dito kaibigan niya dahil sa likas na masayahin at matulungin sa aming lahat.
Bago pa lang akong umuupa dito, isang taon pa lang na mahigit. Sa isang three story building apartment ako dati nakatira. Sa dalawang taon naman na doon ako namalagi, natiis ko ang ingay, ang mga tunog na mala-party sa kabilang room. Ang mga tambay sa baba ng building. Hanggang sa may nag-offer sa akin sa company na dito na lang tumira. Noon ayaw ko pa dahil mahal. Ilang ulit din nila inulit sa akin iyon. Perks ko daw bilang best employee sa ilang taong pagtatrabaho ko doon.
Wow! Hindi ba? Sa dami ng employee nila sa akin lang sila nag-offer ng ganito. Nang sabihin nila na thirty percent off na lang sila— go na ako! Ayaw ko ng libre. Pakiramdam ko kasi may kapalit lahat ng iyon kalaunan.
Tahimik kong tinignan ang dinadaanan namin papunta sa isang hotel kung saan pagmamayari din ng boss namin. Ito ang isa sa mga nagustuhan ko sa tinitirhan ko ngayon. Kahit na may kamahalan, safe naman at malapit lang sa pinagtatrabahuhan ko. Maging sa mga ibang mga galaan, bars at mga malls.
Nilalakad ko nga lang pagpasok sa opisina namin araw-araw. Kaso ngayon siyempre magta-taxi ako! Naka-dress ba naman ako at six inches na heels. May make-up din ako na pwedeng humulas pagpinagpawisan. Ayaw ko naman magmukhang zombie sa pagdating ng big boss baka bawiin pa nito ang bonus ko sa pagiging best employee na naubos ko na ang natanggap na gift dahil bumili ako ng bagong shoes ko para dito sa event na ito. Ang mahal kaya nito, isang buwan kong sahod ito, ‘no!
Pero worth it naman, ito na ang gift ko para sa sarili ko sa lahat ng pagpupuyat at pagsusunog ng kilay sa pagtapos ng mga reports ahead of time. Kaya expect na next month ako ulit ang best employee because— ginagawa ko ng tama at maayos ang lahat ng trabaho ko.
Gustong kong nabibili lahat ng gustuhin ko mula sa sarili kong pagod. Kaya ang perang itinabi ni mommy para sa akin ay halos walang bawas. Inilipat ko lang ito sa sarili kong pinagawang bank account. Kilala ko si dad, pwede niyang kunin ang lahat ng ito sa akin kaya siniguro ko na ang future ko. After all, akin ang perang ito. Pera ni mommy ito. Pinaghirapan niya para sa amin, not him. Pero dahil anak niya ako. . . kaya niyang gawin iyon.
Agad hinanap ng mga mata ko ang mga kakilala kong katrabaho. Napuno nang excitement ang sistema ko dahil sa mga taong nadadaanan ko. Ang gaganda ng mga suot nila. Halatang pinaghandaan. Ang ganda din ng ayos ng event hall, pangmayaman ang ayos. Ang bongga! Panlalaki ang ayos, dahil walang gaanong bulaklak bukod sa ibabaw ng mga lamesa. Tumingkayad ako para makita sila sa dami ng mga tao, ngunit boses nila agad ang nahanap ko. Tinatawag nila ang pangalan ko sa ‘di kalayuan. Bago pa man ako makalapit sa kanilang kinaroroonan nakalapit na sila sa akin at sinalubong ako ng kanilang mga mapanuring mga tingin. Nanliliit ang mga mata nila sa aking hubog.
“Gosh, ang ganda mo!” tili ni Patricia. Ang ganda ng pagkaka-ayos ng buhok nito. Nagpa-rebond ang gaga! Nagmukha siyang bata sa kulay ng buhok nito na itim ang kulay. Dati kasi brown iyon. Bagay ang lipstick niyang pula sa kabuuang ayos niya.
“Sana all maganda lahat-lahat.” ani naman ni Kikay.
“Pa-ambon naman ng ganda. Kalooban lang kasi ang nakuha ko.” Maktol niya na ikinangiwi ni Patricia. Napatawa naman ako sa sinabi niya. Ang kulit talaga.
“Naku, ‘yan ang scam, Kikay! Saang banda ba sa kalooban mo’t mahanap nga kung totoo?” paghahamon ni Pat kay Kikay na ikinaismid lang ang sinabi nito.
“Pa-epal ka!” Hinatak niya na ako sa aking braso para mailayo kay Patricia na tumawa nang may ngiting tagumpay sa pangiinis nito sa kaibigan namin.
“Saan ka nagpaayos? Saan ka bumili ng damit? Saan mo binili yang clutch bag mo?” Sunod sunod na tanong niya. “Hindi ko na itatanong ‘yang shoes mo alam ko naman kung saan pero, hmm, h’wag na nga lang! Halata naman na mamahalin lahat.” Aniya pa na ikinahaba ng nguso nito.
Alam niyang sa abroad ko pa binili ang sapatos na ito dahil sa opisina ko in-address ang pagpapadalahan nila dahil weekdays ang dating nito dito sa Pilipinas. Kasama ko siyang binuksan ito noon para maisukat.
Maraming bumabati sa amin habang patungo kami sa aming table. Siya ang naggaya sa akin dahil sila ang nauna ditong makarating. Lagi naman, hindi nale-late itong si Kikay kahit na kailan.
Sa isang pabilog na lamesa, walo kami dito. May mga pangalan sa bawat upuan kaya doon ako umupo. Pinagitnaan nila akong dalawa ni Patricia. Pagkaupo nagsimula na kaming magkwentuhan na tatlo tungkol sa bago naming boss. Nakikinig lang ako sa sinasabi nilang dalawa. Wala akong ideya tungkol dito maliban sa sinasabi ng iba na ubod ito ng yaman. At galing sa isang magandang ekswelahan sa ibang bansa.
“Siguro, matanda na iyon!?” segunda ni Patricia. “Ang dami na kasi niyang achievements.”
Tumango ako ng bahagya. Malamang.
“Uy, ‘di bale nang tanders, mayaman naman! Pakainin ko lang ng sugpo ko ‘yan araw-araw. . . hmm, ‘lam na.” natawa kami sa sinabi ni Kikay. Proud niya pa itong sinabi na parang nahihinata sa kanyang isip ang mga pwedeng mangyari sa plano niya.
“So, inaamin mo nang hipon ka?” tanong ni Pat sa kanya. Inilapit niya ang katawan niya dahilan para magdikit ang aming katawan makita lang ang katabi ko. “Sugpo to be exact.” dagdag aniya pa.
“Mamaya ka sa akin.” Pagbabanta naman ni Kikay sa kanya. “Kung ganoon ka naman kayaman, aba, sa abroad na ako magpapa-thanks science, no? Wala sila Belo at Calayan sa mga doctor doon. Hahanapin ko ang mga doctor nila Kim Kardashian at J-Lo. Pak!” Tumawa kami nang malakas. Itinagilid niya ang katawan niya’t hinampas ang balakang saka nag-pout ng ubod ng haba.
“Huh! Masungit daw sabi nila, eh.” sabi ko naman para maalis ang pagpapantasiya nila para sa boss namin na walang kamuang-muang na pinaguusapan namin ngayon.
“Ah, basta baka mabighani siya sa beauty ko ngayon gabi. Daig ko pa nanalo sa lotto, day! Kaya kahit . . . mahal ang rent ko sa gown kong ito, okay lang, besh!” maarteng aniya na ikinatawa naming muli.
“Kaya pala overdress ka ngayon?” bulalas ko. Kanina ko pa napapansin iyon. Para siyang sasali sa isang pageant kung maka-long gown ito na black. Kita pa ang buong likuran niya. Tinalo pa ang slit ng suot ko. Kung ako hanggang kalahating hita lang. Siya, sa may singit na.
“Good luck naman sa iyo! Baka bago mo pa mabighani sa iyo si Boss e’, may Pneumonia ka na d’yan.” Saad ni Patricia na wala pa ring humpay sa kakainis sa isa pang katabi ko.
Malamig nga ang buong event hall. Nagsisi tuloy ako na wala akong dalang jacket or blazer man lang pantakip sa likod ko mamaya pag-uwi. Nagkakaroon na din ako ng chicken skin sa balat dahil sa nararamdaman kong lamig. Hindi naman gaanong ka-revealing ang suot ko gaya ni Kikay pero manipis lang ang tela nito. Low din ang tabas nito sa dibdib ko kaya medyo labas ang cleavage ko. Hindi naman ganoong kalaswa, kerri lang at kaya ko naman dalhin.
“Inom na lang na ‘tin ng wine baka sakaling mainitan tayo.” Suhesyon ko at nagpalinga-linga sa paligid. May mga nagse-serve ng mga iba’t ibang inumin sa buong lugar. Itinaas ko ang isang kamay ko para makaagaw pansin ng waiter.
Kumuha kami ng kanya-kanyang inumin paglapit nito. Sa akin wine, sa kanila naman ay isang cocktail drinks na kulay blue. Nakipagtoast kami sa mga kasamahan namin dito sa aming table. Parang sa kanto lang, isa ito sa mga gusto ko sa mga kaibigan kong ito, ogag at masarap kasama kahit saang okasyon. Char!
Wala naman akong madaming kaibigan. Well, madami. Pero hindi talaga iyong, ‘the best.’ Nadala na ako sa friend, friend na ‘yan. Pwede mo silang maging friend but don’t trust dearly. Sayang ang salitang trust kung magkaganoon.
“Ladies and gentlemen, in a few minutes we will start the party. Please be seated in your assignated spot.” Anang ng emcee. Napaayos ako ng upo. Maging ang lahat ng mga nakatayo ay isa-isa nang nagsisiupuan. Ang iba ay nag-retouched ng kanilang mga make-ups. Napatawa ako ng ganoon din ang ginawa ng mga nasa table namin.
Ganoon ba talaga ang impact ng new boss namin?
Sabi nga nila gwapo ito. Ewan. Makikita na ‘tin mamaya.
Kinuha ko ang cellphone ko para makipagselfie sa mga katabi ko na game na game naman nilang pinaunlakan. Ang dalawa, pinuno pa nga ng mga mukha nila ang galary ko. Wiling-wili sa ganda ng camera ng cellphone ko. I-tag ko pa daw! Ang gagaling, ‘di ba?
Naging attentive ang lahat ng muling magsalita ang emcee. Nakinig kaming lahat lalo na ng may ipakitang slide show sa harap ng stage. Ito ang slides ng growth ng company at ang ilang achievements nito sa lumipas na mga taon. Wow, ang salitang lumabas sa aking bibig. Alam kong malaking company ito pero ang malaman ang iba pa nitong . . . just wow!
Kulang ang salitang billionaryo sa pangalan ng may-ari.
Madami na akong nakilalang mga businessman dati. Bata pa lang kami ‘yan na ang mga nakakasalamuha namin. Mapa-school man ‘yan o kung saan. Lagi din kaming sinasama nila mom and dad sa mga party-ing pinupuntahan nila. Exposed kami sa buhay socialite.
Kaya gulat ako na ‘di ko man lang kilala ang may-ari ng company na ito. Akala ko noon isa lang itong biglang yaman na company. A nouveau riche. Dahil hindi ko pa naririnig ang company na ito noon. Nang mag-apply ako sa kanila. Hindi ko man lang inalam ang background ng company. Wala ako noong pakialam, basta work lang ang nasa isip ko. Magkapera at mamuhay ng tahimik. Nang mga panahon na iyon masama pa ang loob ko. Hanggang sa ibuhos ko lahat sa trabaho ang oras ko. Kaya nga every month ako ang nakakakuha ng best employee award. No absent at no late ako noon.
Paano kaya napagkakasya ng taong ito ang oras niya? Ang dami niyang business. Wala sigurong ginawa ang may-ari nito kung hindi magpipirma ng mga kontrata at magbasa ng mga ito.
Swerte ng wifey at mga anak nito kung meron man. Nahihiga na sila sa pera at ginto.
May mga nagbigay ng kanilang mga speeches. Mga wishes at thank you speeches sa mga empleyado. Walang duda naman na maganda mamahala ang may-ari nito, ang daming benefits na ibinibigay.
Minsan nga naiisip ko na baka kamag-anak ko ang may-ari. Kinabahan ako. Pero Malabo iyon.
Sa pagiging masipag ko lang kaya nakakatanggap ako ng mga magagandang offer sa kanila. Mataas ang sahod ko kumpara sa mga ka-level ko ng trabaho. May pa free bahay pa ako na ‘di ko tinanggap, instead binabayaran ko ito para walang masabi ang iba dahil ako lang ang meron nito. Na labis kong ipinagtaka lalo na ang mga ibang ka-officemate ko.
Napapalakpak kami ng tawagin na ang star ng gabi. Nagtayuan kaming lahat. Nag-aabang. Naghihintay. Curious ang lahat sa itsura ng may-ari.
Napasinghap ang lahat nang pumasok ang isang lalaki sa malaking pintuan. Dahan-dahan na ibaba ng mga tao ang kanilang mga kamay mula sa pagpalakpak. Lahat ng atensyon nasa kanya.
Diretso siyang naglakad patungo sa stage. Puno ng pagkamangha ang mga tao dito sa hall. Kung hindi pa muling nagsalita ang emcee ‘di matatauhan ang lahat na humina ang palakpak sa pagsipat sa lalaking mala-hari ang paglakad sa gitna.
Hari? Oo, napaka-hari niya sa gwapo at kisig. Sobra-sobra. Nakaka-intimidate din ang kanyang awra na akala mo’y kakainin ka niya sa oras na magkamali ka ngunit talagang gwapo siya. Mula ulo hanggang paa. Nagsusumigaw sa karangyaan. Sa kagwapuhan at sa kapangyarihan.
Sinalubong siya ng iba pang mga boss’s ng kumpanya. Binungaran siya ng mga ito ng shakehands. Muli kaming nagpalakpakan nang kunin nito ang mike sa emcee para magbigay ng kanyang speech.
“Good evening, everyone . . .” bating panimula niya.
Oh. . . ang boses niya!
Nakinig ang lahat sa speech niya. Nakatuon sa kanya lahat ng mga mata at tenga ng lahat. Bawat mga salitang lumalabas sa kanya ay kinakabisa ng lahat ng mga tao. Hindi dahil sa pagka-idolo dito—
Kung hindi sa pagkaintimida. Sa takot.
Masungit ang dating nito at instrikto.
Pasimple kong nilingon ang mga tao sa table namin. Ang hirap magtimpi ng ngiti. Laglag ang capital P nitong dalawa. Ang Panga nila. Nakanganga sila. Pasimple ko silang tinusok sa kanilang tagiliran ng sabay. They flinched pero ‘di ako pinagtuunan ng pansin na parang sa isang maling lingon nila mawawala ang lalaking nagsasalita sa stage.
Nang ibinalik ko ang tingin sa taas ng stage, napalunok ako. Kumabog ang dibdib ko. Muli kong nilingon si Kikay na nasa likod ko. Ayaw ko mag-assume.
Nakatingin ito sa banda ko. Walang na siyang sinasabi kaya iniisip ko na sa akin ang huli nitong sinabi na ‘di ko naman narinig dahil sa pagtukso sa dalawa kong kaibigan.
Bakit ako kinakabahan ng ganito?
Ipinagsawalang bahala ko iyon. Inabot ko ang baso ng wine ko. Nagkunwaring wala lang iyon. Nagpalakpakan muli ang lahat sa pagbaba niya ng stage. Nagtungo siya sa bandang harap kung saan may mga foreigner na kasama, mga boss din siguro ang mga ito.
Napatikhim ako ng muli siyang tumingin sa direksyon ko bago inabot ang kamay ng isang lalaking nakikipagkamay sa kanya.
Nilingon ko ang kinaroroonan ko. Sa likod ko. Sa gilid ko. Parang wala lang sa kanila ang mga tingin niyang iyon. Nakatingin din ang mga ito sa kanya. Baka nga nagkakamali lang ako. Pinagmasdan lang niya ang paligid niya iyon lang iyon.
Ang sakop niya.
Asumera ako. Tsk! Bakit nga ba naman siya titingin sa akin?