Chapter 5
Beatriz POV
Ang sasarap ng mga pagkaing hinain sa amin ng kompanya. Ang ganda ng mga musikang pinapatunog sa background, swak sa pandinig ko. Mga oldies na acoustic. Malumanay at ang sarap sabayan. Habang kumakain, masaya kaming nagkukwentuhan ng mga nasa ka-table ko tungkol sa mga experience namin dito sa company. Tuloy lang ang pag-play ng mga views and visions ng company sa malaking flat screen TV sa taas ng stage. Talagang pinaghandaan nila ang gabing ito. Paano pa kaya ang magiging outing namin sa susunod na mga buwan? Bongga din kaya gaya ng gabing ito?
“Grabe, natatandaan ko pa noon unang araw ko sa trabaho ko dito na supalpal agad ako ng boss ko na si Ma’am Sarah. Ang sungit niya mga besh! Isang maling letra lang sa initial report ko grabe na niya ako ipahiya sa lahat. Mabuti na lang nailipat ako ng ibang department kay Sir Morris, and wow! Ang gwapo na nga ang bait pa kaya ayon, pinagbutihan ko,” mahabang kwento ng isa naming ka-table na bakla. Kulang na nga lang tumirik ang mga mata niya sa pagkukwento sa amin. With lips stretching pa kung saan-saan na napangiwi ang bakla!
“Nasa ibang company na sila ngayon na successful din ang sales.” sabi ko. Kilala ko ang lalaking iyon na sinasabi nila, naging trainee din nila ako ng ilang buwan bago sumabak sa field. Well, totoo, masungit si ma’am Sarah at mabait si sir na ubod ng pogi pero sure kang madami kang matutunan sa kanila. Actually, nandito sila ngayon eh. Hindi ko lang alam kung saan ang table nila. Ang alam ko sa Cebu na sila nalipat few years ago at sila ang nag-handle ng bagong branch na itinayo nila doon.
As we were chicating, napatingi ako sa table ng mga boss na parang magnet akong napapalingon sa kanila. And to my shocked, nakatingin ang mala-haring boss ko sa amin. Sa gawi ko. Kanina pa ito, ah? Kaya gaya kanina pa-simple ulit akong lumingon sa likod ko na gaya din kanina wala namang bago o especial na pangyayari. Mga matatandang agents iyon na nagkukwentuhan din gaya namin.
Mahilig ba siya sa tanders?
May gusto siya sa isa sa mga ito?
Pinagsawalang bahala ko na lang iyon at ‘di na muling tumingin sa table nila lalo na nang magsimula na magserve ng mga alcoholic drinks. And to my glad, may hard liquor.
Love this company!
“Whoo!” sigaw ni Patricia sa gitna ng dance floor.
Sa aming tatlo siya ang pinaka-wild. Pinaka-party girl. At pinakalasinggera. Isang taon ko palang nagiging ka-close itong si Patricia. Si Kikay talaga ang una kong nakasama mula noon.
Tumalon-talon siya sa gitna. Kakaupo lang ni Kikay sa tabi ko. Nagpupunas siya ng pawis niya sa noo gamit ang tissue. Ako naman walang ganang magsayaw. Tama na iyong kanina. Medyo sumasakit na din ang ulo ko sa mga nainom.
Tumungga ako sa blue lagoon vodka ko. Itinaas ko ang baso ko sa tawa nang tawa sa gitna na si Patricia. Si Kikay bigla naman nawala sa tabi ko. Natawa ako nang muntikan na ito masiko ng isa namin katrabaho dahil sa pag-headbang siya sa gitna ng mga nagsasayawan na halata naman may mga tama na din.
Tumayo na ako para alalayan siya paupo sa aming table dahil nagiging wild na ito sa pagsayaw. Nawawala na yata sa isip niya na nandito ang mga boss namin at hindi ito isang bar lang.
“Tara na,” Hinila ko na siya pero ang bruha wala yatang balak na umalis sa gitna kaya kinaladkad ko na siya paupo. Nakakahiya na din sa mga kasamahan namin na panay na ang lingon sa kanya nang magsexy dance ito.
Isa pa itong si Kikay. Hindi na bumalik sa aming table at nawala na lang basta. Nagpasya ako na iuwi na lang ang babaeng ito dahil baka maging boldstar pa ito dito. Hirap na hirap akong akain siya palabas ng event hall. Halos lumihis na ang mga suot namin sa bigat niya. May mga gustong tumulong sa akin para maiuwi si patricia ngunit ‘di ko iyon hinayaan. Sus, alam ko mga ganyang galawan. Gusto lang nila samantalahin ang kalasingan nitong kasama ko. Total ‘di naman nalalayo ang bahay nitong babae na ito sa dating bahay ko kaya ako na lang ang maghahatid sa kanya.
Pahirapan akong ilabas siya hanggang sa lobby. Pahirapan din makapag-book ng taxi sa ganitong oras. Ngayon problemado ako. Kahit sa condo ko na lang iuwi ang babaeng ito, ang kaso nga . . . bakit ngayon pa walang taxi’ng mai-book? Busy ako sa cellphone ko habang akay si Patricia. Napapasandal na kami sa mga nadadaanang pader sa pagpupumiglas nito sa hawak ko.
“Ohh!” aray ko nang may masagid na lalaki. Hindi ko na tinignan kung sino ito dahil sa pag-aayos ko sa kasama ko. Maging ako nahihilo na din sa paggewang-gewang namin.
“Sorry, ayos lang kayo?” nag-aalalang tanong ng isang lalaki.
“Ah, o-okay lang po. Sorry din.” Inayos ko ang pagkaka-akbay sa akin ni Pat. Naiinis na talaga ako. Ang malas ko ngayon gabi.
“Tulungan ko na kayo. Ms. Salvador, right?” Sa pagkakatawag niya doon lang ako nagtaas ng tingin sa kanya. And siya nga!
“Sir, hello!” Ang gwapo pa rin. Ngumiti ako sa kanya na nakatunghay sa aming dalawa.
“Sabi ko na nga ba, ikaw nga!” Kinuha niya sa akin si Patricia. Hindi na ako naka-angal pa dahil talaga namang kailangan ko ng tulong niya. Napaayos ako ng tayo ko, inunat ko ang dalawang kamay ko, hinagod ko ng hilot ang balikat kong mangalay sa bigat nitong babae na ito.
“Nangyari dito?” tanong niya na ikinairap ko.
“Lasing, sir. Ewan ko ba d’yan,” maktol ko. Sinabayan sila sa paglalakad.
“Saan kayo? Hatid ko na kayo,” presinta niya.
Napaisip ako. Sinabi ko ang address niya. Mas okay na siguro sa bahay nila kaysa naman sa condo ko. Atleast doon nandoon ang mga magulang niya para alagaan ang anak nilang lasing.
“Okay, tara na sa parking?” aya niya sa akin. Hawak ko sa mga kamay ko ang dalawang clutch bag namin ni Pat. Sinubukan ko rin tawagan si Kikay ngunit out of coverage na ito ngayon. Problema nitong dalawang ito?
“Sa harap ka na umupo,” suhesyon niya. Sandaling binati ang ibang mga kakilala sa parking lot.
“Ahm, sige po,” May choice pa ba ako? Wala naman, ‘di ba? Sumakay ako sa shotgun seat. Hawak niya na ang nakahumang na pinto ng kanyang sasakyan. “Salamat po,” anas ko na lang at naupo na para maihatid na namin ang babaeng ito sa kanila baka dito pa ito magkalat.
“So, congratulations nga pala! Mas mataas na ang rank mo sa akin ngayon.” panimula niya.
“Thank you,” wala akong masabi dahil talagang pipikit na talaga ang mga mata ko.
“Saan ka nakatira ngayon?” Sunod na tanong niya.
“Sa Pearl tower po,”
“Wow! Ang yaman pala na ‘tin!?” puno ng pagkamangha ang tinig niya.
I know right. Sa pinakamahal at isa sa mga matatayog na building dito sa bansa ang tinitirhan ko. Marami talaga ang nagtataka kung bakit na afford ko tumira sa ganitong lugar. Isa lang sagot ko d’yan, thanks to the company!
“Hindi naman sir, may magandang offer lang po na dumating,” paliwanag ko. Pinilit pasiglahin ang boses ko sa sobrang antok. Nakasandig ang ulo ko sa bintana ng sasakyan niya. Nai-enjoy ang pagtagtag nito sa ulo ko.
“Hmm, alam mo bang doon din ngayon nakatira ang big boss na ‘tin?”
Mula sa pagtanaw ng diretso sa dinadaanan namin napalingon ako sa kanya.
“Doon po?” paguulit ko.
“Hmm, sa tingin ko at usap-usapan. Sa kanya naman iyon, ‘di ba?”
Hindi ko na sinagot ang sinabi niya. Siguro. Ang alam ko may penthouse iyon sa itaas. Baka doon nga! Well, kung doon nga, malabo magtagpo ang aming landas. And sure, ako na after a few days . . . aalis na siya para pumunta sa ibang bansa.
“Ang init, gusto ko maghubad. . .” Maya-maya’y anas ni Pat sa backseat. Napatampal ako sa noo ko sa sinabi niya. Kanina pa ito malikot sa likod na parang ‘di mapakali.
“Sorry sir, pwede mo bang bilisan? Baka kasi dito pa magkalat ang babaeng iyan.” Ti-nype ko ang exact address sa kanyang ipad na nasa dashboard. Agad naman niya iyon tinignan at sinunod ang direksyon.
“Tsk!” Palatak niya habang pasulyap-sulyap sa likuran. “She’s really drunk,” aniya.
Alam ko. Kaya tigilan mo ‘yang mga tingin mo na ‘yan sa kanya!
Malapit ko nang masabi sa pamumukha niya iyon. Tinawag ko si Pat para balaan ito na hinahawi pataas ang suot niya. Nakahiga ito sa likod na ikinalihis ng gown niya.
“Ikaw, h’wag ka magpapakalasing. Maraming masasama sa mundo. . .” babala niya bago iniliko ang sasakyan.
“Hindi naman po ako nagpapakalasing.” pangangatwiran ko. Hindi naman na talaga. After ng gabing iyon, no way!
Hindi na mauulit pa na magigising muli ako na may stranger na katabi.
Luminga-linga siya sa likod namin. Sa gilid namin at bahagyang bumagal ang takbo. Maging ako napalingon na din sa likuran.
“Kanina pa itong sasakyan sa likod na ‘tin.” pansin niya. Wala naman ako makitang kakaiba. Dahil na rin sa kaunting hilo, umupo na lang ako at pumikit.
Mabuti na lang nakatambay pa ang ilang sa mga kapamilya ni Pat sa harap ng bahay nila kaya natulungan nila kaming maibaba siya ng sasakyan.
Sunod niya akong hinatid sa condo ko. Nakakahiya lang dahil babalik pa kami. Mag-aalas-dos na rin ng madaling araw at mapapalayo pa siya ng uwi. Music lang sa sasakyan niya ang maririnig sa aming dalawa. Nakapikit ako at walang pakialam sa paligid. Ayaw ko rin makipagusap sa kanya baka masuka ako dito.
“We’re here at your place. Gusto mo bang buhatin kita papasok sa unit mo?” tanong niya sa tabi ng tenga ko. Napadilat ako dahil doon. Napaupo ako para tingnan ang paligid ko. Nandito na nga kami sa parking ng condo ko.
“Ahm, thank you sir pero kaya ko na.” Hinagilap ko ang gamit ko sa aking kandungan. Nakatulog na pala ako ng ‘di ko namamalayan. Nakakahiya naman sa kanya, ginawa ko siyang driver ko.
“Okay lang naman,” hinaplos niya ang buhok ko. Napahinto ako sa ginawa niyang iyon.
“Okay na po ako dito,” Kinapa ko ang seatbelt ko pero wala na pala akong suot. Napakunot ang noo ko. Kanina pa ba kami nandito?
“Mas lalo kang gumanda.” aniya. Tumikhim ako’t hinawi ang kamay niya.
“B-baba na po ako. Salamat po ulit.” Nahawakan ko na ang handle ng pinto pero naka-lock pa rin ito.
“Pwede ko bang makuha ang number mo? You know, to hang out.”
Kinuha ko ang cellphone na hawak niya para i-save ang number ko. Wala naman masama. Nagmagandang loob pa nga ito na ihatid kaming dalawa.
“Thank you po talaga. Umuwi ka na din po kayo. Mag-ingat po kayo. . .” nanlaki ang mga mata ko nang halikan niya ako sa pisngi ko. Napahinto ako sa paghinga sa gulat at kaba.
Sandali kaming nagtitigan. Kinakapa ang magiging reaksyon ko. Nang ibaba muli niya ang mukha, nilingon ko ang labas ng kanyang sasakyan. Nagkunwaring inaayos ang buhok ko. Tumikhim ako at alanganing ngumiti sa kanya. Malapit na malapit pa rin ang mukha namin sa isa’t isa.
He’s trying to kiss me again!
“Pwede kita ihatid sa room mo kung gusto mo.” mahinang aniya, sa tapat ng tenga ko. Amoy na amoy ko sa kanya ang ininom n’yang alak sa hotel. Mabilis akong umiling. Nang aakit siya!
Wala siyang balak buksan ang pinto kaya ako na ang gumawa noon. Inabot ko ang screen sa dashboard niya at i-unlock ito. Mabilis ang naging galaw ko nang marinig ang tunog ng pag-unlock. Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan niya ako na alam ko namang wala siyang balak. Baka ‘di na ako makaalis sa loob ng sasakyan niya na labis kong pagsisihan.
“Bye, Sir Morris!” kinawayan ko siya ng makatapat ako sa elevated na pintuan pataas sa unit ko. Kahit tinted ang sasakyan niya ramdam ko ang mga titig niya sa akin sa likod ng mga salamin ng sasakyan niya. Bumusina ito ng tatlong beses bago pinasibat ang kanyang sasakyan. Doon ko pa lang pinindot ang button ng elevator. Nakahinga ako ng maluwag sa pag-alis niya.
Hindi ako pa-virgin. Ilang beses na ako nakahalik ng mga lalaki. Lalo na sa bar pero ang ayaw ko sa lahat iyong ninanakawan ako ng halik.
Nakapikit akong sumandal sa stainless wall ng elevator. Hinihilot ko ang sintido kong pumipintig. Pagbukas ng lift, nakayuko akong lumabas. Ilan lang kaming nakatira sa floor na ito. Hindi ko pa nga alam ang mga pangalan nila at kung saang room sila dito nakatira dahil mabibilang lang sa daliri kung ilan beses ko lang sila nakasalubong sa elevator.
Napaigit ako sa aking noo ng mabanga sa isang pader. May pader na sa gitna nang daraanan ko? Ngayon lang yata ito, ah!? Walang notice ang management!? Sa lakas ng pag-untog ko nabitawan ko ang dala kong clutch bag sa sahig. Nakita ko pang nabuksan ito at nagkalat ang mga gamit ko. Gamit ang dalawang kamay ko napahawak ako sa harapan ko.
Ngunit. . . what the heck!?
“Watch your step,” utos niya. Ma-autoridad na saad niya sa akin, ang lamig ng tinig niya na agad nagbigay ng nginig sa buo kong katawan. Nakahawak siya sa dalawang braso ko para matulungan ako magbalanse ng katawan ko.
Napaawang ang bibig ko. Nais ko magsalita pero walang gustong lumabas sa bibig ko, gaya nang utak ko na nag-freeze sa taong ‘di ko inaasahan na nasa harapan ko ngayon. Nakahawak sa akin, nakatitig. Kausap ako. Hawak ako. Nasa harapan ko. Few inches ang layo. Tall, like a living bamboo infront of me.
Bakit siya nandito?
“Ahm, sir, I’m sorry I didn’t saw you.” s**t! Nauutal ako. Saka siya itong hindi tumitingin sa daraanan, eh! Sa aming dalawa siya itong matino.
“It’s okay. Don’t do it next time.” Tumango-tango akong nakatingin sa kanya. Mas gwapo nga siya sa malapitan. Walang duda. Nakita kong tumaas-baba ang kanyang adams apple. Napasabay ako doon.
Sabay din kaming napatikhim. Nag-iwas ng tingin sa isa’t isa. Lumayo sa isa’t isa na parang isang bultahe ng kuryenteng dumaloy sa aming katawan. Bakit bigla akong walang masabi?
Parang takot magsalita ng english. Nakakatakot ang dating niya. Ang tingin niyang malamig at ang boses niyang parang nagvi-vibrate sa kanyang lalamunan.
Gosh! Paglunok lang niya ang sexy na nang datingan.
“By the way, w-what are you doing here, sir?” tanong ko. Hindi niya agad ako sinagot bagkus bumaba ang tingin nito sa baba namin na sinundan ko naman din nang tingin.
Oo nga pala! Halos makalimutan ko na ang mga gamit ko na nagkalat sa sahig.
“Checking my property.” tipid niyang sagot. Kinuha ang lipstick ko sa sahig. Ako naman nagmamadaling kunin ang bag ko at iba pang nagkalat sa sahig. Tumayo ako habang inilalagay ito muli sa bag ko. Siya naman abot niya sa cellphone ko at sa kulay nude kong lipstick.
Oo nga pala sa kanya ang building na ito. Pero checking? Sa ganitong oras?
Kaya siguro napakayaman niya. Walang pinipiling oras sa pagtatrabaho.
Tumango-tango ako. Mangha sa kanya. “Thank you, sir, for giving me a big discount to have this condo. It’s my pleasure to live here.” Kung lahat ng mga empleyado niya mabigyan ng ganitong offer . . . aba, baka lahat na kami dito nakatira ngayon.
“No worries.” Lumingon siya sa likod namin. “It’s late now, you can go and have a rest,”
“Ah, yeah, oo nga pala. Thank you, sir, and you too. Good night!” Lalagpasan ko na sana siya nang marinig ang tinig niyang muli.
“Good night, Ms. Salvador,” aniya. Ngumiti ako sa kanya. Naglakad patagilid. Hindi siya ngumiti. Seryoso lang sa akin itong nakatingin.
Alam niya ang pangalan ko?
Hmmm, ‘di naman malayo dahil nga empleyado niya ako at ako pa ang napili nilang tumira dito sa isa sa mga property niya.
Ang init ng likod ko. Ramdam kong hindi pa rin siya umaalis sa pagkakatayo sa iniwan kong pwesto niya. Napagtanto ko ngang tama ako nang lingunin ko siya bago ko i-punch ang code ko sa pintuan. Nginitian ko siya muli kahit na alam kong wala akong makukuhang kapalit nito mula sa kanya.
Ang cold niya.
Sumandal ako sa pintuan kong nakasara. Pinakiramdaman ang puso ko sa labis na pagtibok nito. May parte sa akin na parang nakita ko na siya pero ‘di ko matandaan kung saan. Parang pamilyar ang presensiya niya para sa akin.
Confident ako sa lahat ng gawin ko. Lalo na pagdating sa trabaho ko. Pero ang makausap ang boss ko it— weakend my kness. In a way na hindi ko alam kung bakit.
Dahil lang siguro sa itsura niya na talaga naman makalaglag ng lahat ng mga P. Tapos ang aura niyang mapapalunok ka ng laway sa labis na kaba. Yaan naman ang naramdaman ko kanina. Unable to speak. Nauutal at parang isang taong ngayon lang nakakita ng isang magandang pigura sa harapan niya.
Hmm, ewan ko. Mawawala lang din siguro ito. Lasing lang ako kaya ako ganito makon-sentient.
Bakit kasi ang hot niya? Kahiya tuloy tumabi sa kanya. Parang ang dumi-dumi ko. Iyong ang feeling ko.