Chapter 8

2832 Words
Chapter 8 Beatriz POV Hinatid niya ako sa bar matapos ang aming dinner meeting/proposal/secret o ewan. Basta iyon! Wala siyang imik sa sasakyan habang nasa biyahe kami. Hindi rin ako umimik gaya niya. Hindi ako nagsalita at nanahimik na lang sa aking upuan kahit na ang daming tumatakbo sa isip ko. Wala akong magawa kung hindi makiramdam sa kanya, sa bawat galaw niya. Sa bawat hininga niya. Kahit gusto kong magtanong, may part sa akin na nagsasabing, ‘huwag’. Matapos ang usapin namin sa kanyang proposal kuno. Hindi na muli iyon naulit pa. Tanging trabaho na lang ang pinag-usapan naming dalawa hanggang sa mapagpasyahan naming umuwi na lang at ako naman ay pupuntahan ang mga magagaling kong kaibigan sa Music ‘de Danse bar. I bid my goodbye and goodnight to him. Siya naman, simple take care lang ang sinabi. Ganoong siguro siyang tao. Ayaw magpakita ng emosyon o baka wala siyang emosyon at pakialam sa akin? Sa buong dinner, I never seen his precious smile. Not even once. As in wala. Ni hindi ko nga rin nakitang natuwa siya o nagustuhan niya akong kasama. Maybe iyon nga, no choice and gaya ko, bahala na, nandiyan na, sige na, go on na lang at hayaang lumipas ang oras hanggang sa mairaos namin ang accidental date na ito. Hindi siya friendly o whatsoever kaya I don’t expect more. Maging sa office naman ay ganyan din siya. Hindi ko man siya laging nakikita o nakakasalubong dahil may sarili siyang elevator at daan sa company. Even parking, kaya parang nandiyan siya na wala din. Isa pa, huh. . . ang dami niyang offices! Malay ko ba kung nasaan siya d’on. He’s always cold, straight and like a God kung makita mo. Oozing hot God. . . nakakatakot, nakakakaba at halos makalaglag na nga daw ng panty. But not to me. . . Pagpasok ko sa loob ng maingay na bar, nadatnan ko silang dalawa sa table na inaakupahan ng ka-date ni Kikay. Oh, dear. She’s drunk. Ganoon din si Pat na kanina pa daw nakikipaglaplapan sa kanyang may lahing ka-date. Good girl ang mga bruhita! Akala ko may mahihita ako sa kanila ngayong gabi pero sa states nila ngayon, tsk! Bukas ko na lang sila pipigain. Sa ngayon, i-enjoy ko din ang libreng inumin na sagot ng date ni Pat. What a nice night, ‘di ba? Ang daming ganap ngayong gabi, my Gad! Itinaas ko ang malamig na bote sa kanya. Habang nakikipaglaplapan siya sa kaibigan ko, sa akin siya nakatingin. Asshole! Kumindat pa ang gago! Umiling-iling ako. Tinungga ang bote. Ngumuso ako’t isinayaw ang ulo ko sa tugtugin. Dahil Friday ngayon, puno ang buong bar. Sa baba man iyan o dito sa second floor. Busy ang mga tao sa kani-kanilang mga dirty doings. I was about to fish my phone when someone caught my attention. Nasa may dulo siya ng bar, nakatalikod siya ngunit agaw pansin pa rin dahil sa kanyang malapad na likuran. Maraming dumadaan kaya ‘di ko mai-focus sa kanya ang paningin ko. He looks familiar. Thought, hindi ako sure. Wala siyang kasama sa table na iyon. A lonely man? Tsk! “Sis, nandito ka pala!” gulat na saad ni Pat sa aking tabi. Nakatagilid pa rin siya sa akin at mukha lang ang nakaharap. Halos maupo na nga siya sa kandungan ng kanyang kahalikan na kasalukuyang dinidilaan ang kanyang mga labi. While smirking. To me. “Yah.” Tipid kong sagot. Inirapan siya na ikinahagikgik niya. And they resume. “Sessy! Let’s dance, whooo!” aya ni Kikay. Hinawakan ang kamay ko at hinila. Bigla siyang sumulpot sa likod ng kinauupuan ko. Nagpatianod na lang ako para suporta na rin sa kanya na halos matutumba na sa labis na kalasingan. Gumigiling siya. Itinataas ang kanyang dalawang kamay. Mabuti na lang at mahaba ang suot niyang pencil skirt kung hindi tataas na iyon sa ginagawa niyang paghagod mula sa kanyang hita pataas. “Live the li----fe!” sigaw niya sa tugtugin. Malakas ang musika na mula sa ibaba. Ang daming mga sumasayaw doon. Mas wild and free. May stage din doon na malawak kung saan nandoon ang banda na kumakanta, sa gilid niyon ay may mga sumasayaw na halos wala nang suot sa katawan. Nandito kami sa second-floor kaya kitang-kita namin sila. VIP’s lang ang pwede dito. Nandito ang mga malalaki at paikot na sofa. Lahat ukupado na nga. Sa pinaka taas pa nito ay mga rooms naman. Hindi pa ako nakakapunta doon pero sabi nila Kikay ay maganda daw. Pati ang may ari. Ang gagandang lalaki. Para naman hindi ako mukhang poste lang dito, umindak na rin ako. Bahagya lang, siyempre! Tumatawa kaming dalawa habang pinagbubunggo ang aming mga balakang. Iniikot-ikot ang aming mga kamay sa ere. Gumigiling. “Whoo!” tabi ni Pat sa amin. Gumitna siya sa amin. “Hey!” tawag niya sa kanyang ka-date at hinila ito sa mismong gitna naming dalawa. Sa laki niyang tao, mistula siyang pader sa aming tatlo. Hanggang dibdib lang niya kaming tatlo. Well, good luck to my dear friend. Ihahanda ko na ang wheelchair niya bukas. Papansin, amp! Muli kong hinatak si Kikay sa aking tabi dahil napapalayo na ito sa akin. Hinayaan namin sila Patricia at iniwan doon kasama ang kanyang lalaki. Sumayaw kaming muli, magkahawak kamay. Umiindak at tumatawa. Nang mapagod, hinila ko siya sa aming upuan, bumagsak kami sa malambot na sofa. Agad niyang inabot ang bote ng beer ko. Ininom iyon na parang isang tubig lamang. “And I want you to know. Ah, I love you like a love song baby, and I can repe-peat. . .” sabay namin sa kanta. Itinaas ko ang hintuturo ko sa ere habang ibinibirit ito. Umayos ako ng pagkakaupo at umindak sa upuan. Walang humpay ang tawa naming dalawa. Kahit hinihingal at pawisan. . . wala akong paki. Damn, alcohol! Kahit air-condition dito ang init pa rin ng nararamdaman ko. Nawala sa tabi ko si Kikay na hindi ko namamalayan. Hinayaan ko na lang, for sure hinatak na nang kanyang ka-date. Kumuha muli ako sa bucket ng alak na nasa harapan ko. Tinungga ko ito, napaawang ang aking bibig sa pait at init na hagod nito sa aking lalamunan. “Apul!” I spoke. “My favorite fruit.” Itinaas ko ang bote. Napangiti. Oh, nandoon pa rin siya? Nakaharap na ngayon sa direksyon ko. Sa table namin. . . Hmm, hindi ko pa rin maaninag ang mukha niya! Muli kong tinungga ang bote and this time. . . bottoms up. Wala ni isang patak ang natira. Kumuha muli ako ng isa pa at ganoon din ang ginawa ko hanggang sa hindi ko na mabilang ang boteng nilaklak ko. May mga lumalapit sa amin at binabati kami. Madalas sa date ni Patricia. Wow! Yayamanin pala iyon. Pinakilala niya kami sa mga bagong dating. “Bro, this is Beatriz, Patricia’s friend. Beatriz, here’s the man of this club and the women’s kryptonite, Larry boy.” Pakilala niya sa matangkad na lalaki. Nakangiti niyang inabot ang kamay ko at saka hinalikan. Ahh, what a gentleman gesture? Or should I say, landiin style. Naka-polo siya ng puti at slacks, maybe galing din siya sa office. Humahagikgik si Kikay habang ipinapakilala siya sa kanya. “Kung may kailangan pa kayo or anything magsabi lang kayo sa waiter.” saad nito sa amin. May lumapit na isang maganda at sexy na babae sa kanya. Hinalikan siya sa kanyang pisngi at doon, hinatak na siya sa kung saan. “Tsk! Manwhore.” Palatak ng isa pa. “Nagsalita ang hindi.” Batikos naman ng isa din. “By the way, I’m Gio, and this is my Fiance, Selene. Friend namin ang gagong iyon.” Tukoy niya sa lalaking nagpakilalang, Larry. Kinamayan nila kami, palihim kong sinipat ang sinabi niyang Fiance. Hindi gaya ng mga ibang babaeng nandito, siya napaka-simple at hindi reviling ang damit gaya ng babaeng humila kay Larry. I like her. “Beatriz,” anas ko at nakipagkamay. “I’m Harold.” Pakilala ng isa pa. Namumukaan ko siya. Pinanliitan ko siya ng mga mata. “Model ka ng isang kilalang clothing brand, ‘di ba?” paniniguradong tanong ko. Yeah, I know him. Kilala ang brand na iyon sa New York. “I think so.” Gaya ni Larry, inabot din niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Hindi maikakaila na silang tatlong magkakaibigan ay ubod ng gwapo. Ang tatangkad pa! And sa kanila ang bar na ito! Ang kilalang bar na ito sa Pilipinas! “Ehem, nasaan na ba si Aaliyah?” nagpalinga-linga si Gio sa buong paligid. Napapalatak naman si Harold sa kanyang tabi at napakamot sa kanyang sintido. Habang ang magandang babaeng nasa tabi nila ay tumatawa. Mangha sa nakikitang pang-iinis sa kasama. Maybe, girlfriend niya ang tinawag nilang, ‘Aaliyah.’ Tsk! Mga lalaki nga naman. Malingat ka lang maglalandi na iyan ng iba. Tsk! Umuwi ako mag-isa lulan ng cab, medyo na hirapan pa ako mag-book nito but surprisingly. Hindi nagtagal, sabay-sabay silang dumating. Hindi ko na lang iyon pinansin at sumakay sa pinakanaunang dumating. Huli ko na napagtanto kung bakit alam ng driver ang tinitirhan ko. Wala naman akong natatandaan na sinabi ko iyon sa kanya, ah? Ahh, baka nakalimutan ko lang! Medyo nahihilo na rin ako at hirap na maglakad ng tuwid sa dami ng nainom ko. Hindi ko na inaya umuwi ang dalawa dahil may mga ka-date naman ang mga kaibigan ko. Hindi na nga nila ako inalala na mag-isa lang! Sa mga ka-date lang nila ang mga attention nila. Hmm, at alam ko na kung saan ang huling hantungan ng dalawang iyon. Sa langit, then tomorrow sa hell sa sobrang sakit ng kanilang mga ulo. Suits them! Habang nasa banyo ako at nagsisipilyo, muli kong inalala ang mga napagusapan naming dalawa ng boss ko. O, mas madaling sabihing, fiancé ko. Fiance nga ba ang tawag doon? Ewan ko ba kung ganoon din. . . kasi kasunduan lang naman iyon talaga. Wala nga din kalinawan, e. At bakit tinanggap ko? Isa lang sagot ko diyan, because I don’t believe in love, commitment, and marriage too. Pareho kaming magbe-benefit doon. Lalo na ako. Maybe. As he said, ganoon din naman siya. This for a short period of time. Napangisi ako sa sarili kong repleka, I’m not the old Beatriz. Hindi na ako iyon. Ang Beatriz na niloko nila. Ang Beatriz na pinagtulungan nila para lokohin. Tsk! “Hello!” habol na bati sa akin ni Kikay papasok sa elevator. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa pagpasok. May mga nakasabay na kami sa loob at halos puno na ito. Sakto lang sa aming pagdating. “Girl, I feel sick.” Umirap ako sa sinabi niya. Humawak siya sa kanyang ulo. “A f*****g sick.” dagdag niyang bulong. Napangisi ako habang nakatitig sa numerong umaakyat sa floor namin. As expected, may hang-over siya. Again. Yes! Hindi ko siya kinibo hanggang sa paglabas ng floor namin. Inayos ko ang suot kong coat. Taas noo akong naglakad patungo sa cubicle ko na malalampasan ang cubicle ni Kikay. Nandoon na siya at nakadukdok sa kanyang table. “Morning, girl.” rinig kong bati sa kanya ni Pat. “Damn, Girl! Ang sakit ng buong katawan ko.” sinulyapan ko siyang dahan-dahan sumandal sa kanyang upuan. Mukha nga siyang hapong-hapo. “Sino ba namang hindi sasakit ang katawan? E, mula Friday, Saturday at kagabi nag-iinom kayo. Nakarating pa kayo ng Tagaytay, ah? Hindi niyo man lang ako inaya?” pagdadabog ko. Kaya pala hindi ako nakatanggap ng tawag mula sa kanila dahil ang mga magagaling kong kaibigan, nasa galaan. Without me. Kung hindi pa ako nag-online sa FaceDay ko, na bihira ko lang gawin, hindi ko pa makikita na nandoon pala sila kasama ang mga date nila. “Biglaan kasi, girl.” Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Nakakatampo. Nakakainis. Gusto ko kasi marinig mula sa kanila kung bakit ang boss namin ang naka-date ko. Paano nangyari iyon? Paggising ko pa lang kinabukasan, iyon na agad ang gusto kong marinig sa kanila pero ito . . . malalaman ko, nasa Tagaytay sila at nagsasaya. “Kamusta si Drake?” nakangising tanong ni Kikay kay Patricia. Pasimple ko din siyang tinignan. Hapong-hapo siya. At hirap maupo. Dahan-dahan. Doon ko nakitang may baon siyang maliit na cusion para upuan ito. “As I just wanted to share, I can’t right now. I’m f*****g sore all over my glorious body.” Huminga siya ng malalim nang tuluyan na siyang makaupo ng maayos. I think. Napangiwi pa siya, e. “Wooo, sobrang laki ba!?” I turn on my computer and directly open my schedule and notes. Napanguso ako. Nag-type ako dito ng new plans ko para sa susunod na araw. Hindi ko na pinansin ang dalawa. Wala akong paki sa extra doings nilang dalawa. Ako pa ang unang papalakpak kung mabuntis ang isa sa kanila sa sobrang sugapa nila sa letrang D. Nang magtanghali, nagpasalamat ako na hindi ko nakita ang anino ng boss ko. Thankful ako doon. Hindi dahil sa inaabangan ko siya, pero nahihiya ako. Hindi ko alam ang iaakto ko. Hindi sa umaasa ako pero, damn! Ayaw ko ring isipin na isa din iyong prank. “Kamusta pala ang date mo? Ikaw, ah? Hindi ka nagku-kwento.” Binunggo ni Kikay ang balikat ko habang sumusubo ako sa kinakain ko. Nandito kami sa canteen at nanananghalian. Nasa pang apatan kaming table, katabi ko siya at sa harap ko naman si Patricia na halatang walang gana. Ngunit nang itanong ito ni Kikay sa akin, nag-angat ito ng tingin at hinintay ang magiging sagot ko. Sumubo muna ako sa abodong ulam ko then kanin. Hindi ko sila pinansin. Mamatay kayo sa curiosity. Hindi ko sasabihin ang mga nangyari. “Uy, I’m waiting.” Demanding na aniya. “Saan niyo ba nakuha ang ka-date ko no’n?” pagalit kong tanong. Pinagsalit-salitan ang tingin sa kanilang dalawa. “Friend siya ng katrabaho ng kuya ko. Birthday ni Kuya last week, remember? Then, invited iyon. Niloloko ng mga friend ni Kuya si Kuya kasi ako yata ang crush niya.” kinikilig at puno nang pagmamalaking kwento niya. Napahinto ako. Naningkit ang mga mata ko. Ang ibig sabihin? “Epal!” buska ni Patricia sa kanya. Binato siya ng binilog na tissue. “E, kaso. . . hindi ko rin type dahil may pagkatahimik and you know, slow. Gusto ko may pagka-aggressive.” Bulong niya sa huling sinabi. “Kaya ayon, sabi ko naghahanap din itong friend na ‘tin. Parehong tahimik at . . . virgin.” Sabay tawa sa huli niyang sinabi. “Oh, paano mo naman nalaman?” taas kilay na tanong sa kanya ni Patricia. Sandali niya akong sinulyapan at binalik muli kay Kikay ang mga mata. “Na virgin itong friend na ‘tin?” Tinagilid niya ang kanyang ulo. Napapikit ako. Pinapakalma ang sarili para hindi ko mabatukan ang katabi kong matabil ang dila. “No. Gaga! Alam kong virgin pa ang babaeng ito pero that guy, I don’t think so. Meron pa ba ganoong lalaki ngayon?” Isa pa ito. Oh, dear Lord. Bakit mo ako binigyan ng mga ganitong klaseng kaibigan? “Wala, sa tingin ko lang. Mabagal sa the moves, e. Ang rinig ko kasi, hindi pa daw nagkaka-gf iyon. I don’t know if is true. O, baka wala pa siyang nagiging gf’s sa work nila.” “Ano ba kasing nangyari sa date niyo? Okay ba? May nangyari ba?” Sunod-sunod nilang tanong. Napangisi ako. It excites me. Time for revenge! “We’re going to get married.” Kinuha ko ang tinidor ko at sumubo sa karne habang hindi inaalis ang tingin sa kanilang dalawa. Nabitawan ni Kikay ang tinidor niya na hawak na naglikha ng ingay sa buong canteen. Napalingon sa amin ang ibang mga katrabaho namin. Si Patricia naman, napanganga. “You. You’re kidding.” bulong niya. “I’m not.” Simpleng sagot ko. Wiling-wili sa itsura nila. “Did you . . . did you get laid?” And again, si Kikay. Tinakpan ko ang mabaho at nakakasura niyang bibig gamit ang isang kamay ko. Ang lakas pa ng boses niya. s**t! “Ang ingay mo. Of course not.” “E, bakit kayo magpapakasal? Ganoon ba ang type mo sa lalaki? Duh. . . baka wala pa kayong isang taon panot na iyon. Akala ko n’on style lang niya ang mag-cap. Kahit na naka-office attire siya at polo, hindi ko talaga makita ang point niya sa pagsuot ng cap. Hindi bagay! And before nila umuwi, duh, kaya pala! Ang nipis ng buhok niya. Malapit na siyang makalbo sa tuktok ng ulo niya, girl!” Malakas akong natawa sa himutok ni Kikay. Nakakunot ang noo niya habang nagku-kwento. Akala mo’y diring-diri. Kung alam mo lang. . . isa sa pinagpapantasyahan mo, tsk! Tawa ako nang tawa. Kami ni Patricia. Na i-imagine ko na kung ano magiging itsura nila pagnalaman nila ang totoo. Mamatay sila sa inggit! Bakit ba kasi? Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD