Chapter 9

2557 Words
Chapter 9 Beatriz POV Bawat pagkilos sa elevator, hallway at maging ang mga walang humpay na pagri-ring ng mga telepono ay nagbibigay sa akin ng feeling, ‘tamang duda.’ I know. Para akong sira. But yes! Oo na. Dalawang linggo na ang nakakaraan. Yet, wala pa rin akong balita sa kanya. O, ni anino man niya. Walang siyang paramdam. Walang tawag. Hay! Nakakabaliw na! Kaya ito ako ngayon, hindi malaman ang gagawin. Asumera na kung tawagin, nagbabakasali lang naman na siya iyon at hanapin niya ako kahit na malabo pa sa tubig ng ilog ng pasig ang tiyansa na mangyari iyon. Malakas akong bumuntong hininga. Hinawakan ang noo ko. Yumuko ako sa nakailaw kong keyboard. Isa lang iyong. . . Prank. Prank. A joke. Walang katotohanan. Pero bakit may sakit dito sa dibdib ko? Sa dami ng mga nagawa nang prank sa akin nila Kikay, ito ang nakakainis at. . . nakaka-offend. Umismid ako. Ganoon ba ako kahirap na magustuhan kaya puro prank na lang? “Sis? May sahod na. Tara mamaya sa mall?” bungad ni Kikay sa akin. Hindi ko siya tinignan at pasimple na lang na may inaayos sa keyboard ko. “Maggro-grocery ako para sa bahay. Ang lalakas lumanom ng mga pamangkin ko.” reklamo niya while tapping her new done nails sa wood na pader ng cubicle ko. Nakakairita ang tunog na iyon. And she keeps on doing it. “Sige. May kailangan din naman akong bilhin.” matabang kong sagot. Muling nag-type sa email na ginagawa ko. “Alright.” aniya at si Patricia naman ang ginulo. Wala sa mood kong ginawa ang trabaho ko. Mabuti na lang at walang report na gagawin. Ibinaling ko na lang sa ibang bagay ang mood ko bago pa ito maging worst. “Hmm,” hummed ko habang naghihintay bumukas ang elevator door. Nag-iisip. “Saan ba pwede magbakasyon?” Wala sa sariling natanong ko. “Maganda iyan!” agad na segunda ni Kikay. Nag-isip rin. “Swimming? Bond with nature?” anang ko. Maraming pumapasok na ideya sa isip ko. Batangas kaya? “Malapit lang para makabalik din tayo ng Sunday.” “Yee! Swimming na lang para makatikim naman ng araw ang balak ko. Gosh! Magpapa-tan talaga ako sa init ng araw!” Tumawa kami sa itinuran ni Kikay. Ang arte! Sa mall nga ginawa namin ang mga dapat naming gawin. Grocery. Ilan pang mga bibilhin. Nag-window shopping na rin at bayad ng mga bills. Dahil pa gabi na rin, dito na kami kumain ng hapunan. While chewing my food, napansin kong umilaw ang phone nila sa ibabaw ng lamesa. Sumunod ang pag-vibrate ng aking cellphone sa bag ko. Unang napasinghap ang dalawa. An email? Ang bilis naman sumagot ng kausap ko. Nakakunot ang noo kong hinanap ang reply niya sa inbox. Ngunit wala. Pero ang email ng management ang meron. “OMG!” “Wow!” anas nilang sabay sa tabi ko and they sequel with glee. “Team building? Sa kalagitnaan ng taon?” Hindi makapaniwala sa nabasa ko. “At this weekend na!?” Agad? “O, ayaw niyo iyon? Ang bakasyon na ‘tin sana sa weekend, ito na ang sagot. Sabi pa, libre lahat ng expenses.” Tumaas baba ang kilay ni Patricia habang sinasabi ito. “Is it amazing?” Nanlalaking mga mata naman na aniya ni Kikay. Umirap ako. “Mas maganda na tayo lang. Kaya nga gusto ko magbakasyon para iwas naman sa stress ng nature sa work na ‘tin. Tapos, teambuilding? Duh, magkaka-team ba tayo? Wala akong gustong gawin kung hindi mag-swimming, mag-unwind. Hindi makisali sa mga . . . pa-games at kung ano-anong trip ng company.” “But sistah, it said na free. Makakatipid tayo and you know, galante ang new management na ‘tin ngayon. So, expect na bongga rin ito.” “Pwede naman siguro na hindi ka na sumali sa mga pa-games. Given na you are now a boss. Head ka sa amin. So sad lang na tayong dalawa ang kailangan sumali sa mga pa-games.” Nakangusong anas pa ni Kikay. “Hmm.” Nguso ni Patricia. “Keri na iyon! Makakatipid tayo. Bawi na lang tayo sa mga. . . boys.” They clapped and dance dahil sa magandang naisip. “Hindi na ako sasama.” Agad nabaling ang tingin ng dalawa sa akin. Sumubo ako sa kinakain kong sushi. Now, it tasted bitter. “Ay siya! Anyare? Kanina lang masaya kasi makakakita ka na muli finally ng araw sa paligid ng tubig. Hindi sa paligid ng mga building ng ka-Maynilaan at tunog ng mga busina. Ngayon, busangot na?” “Ako na lang mag-isa. Sumama na kayo. I deserve na i-treat ang sarili ko sa gusto ko.” Kinuha ko ang inumin kong red tea. “Ay, grabe siya!” “Bahala ka nga d’yan.” Sabay nilang irap sa akin. Kumain sila habang nagpa-plano. Ako naman, halos umikot na ang eyeballs ko sa mga plano nila. “Kits, pupunta kaya ang boss na ‘tin?” “’Da who-ng boss? Ang dami na ‘ting boss?” “Si Boss of the boss na pogi? Sasama kaya siya?” Bumagal ang pagnguya ko dahil sa sinabi nila. “I bet, No.” “Aww, sayang naman. Umaasa ako na makita man lang ang abs niya. Malaki kaya iyon?” “Aba’y for sure! Pero gaya ng KJ na ‘ting kaibigan dito . . . sa busy niyang iyon, baka hindi siya makasama.” “Sama ka na kasi, sissy. Dati rati naman sumasama ka.” Muling pag-aaya sa akin ni Patricia. “A-a . . .” wala akong masabi dahil sa mga pinagusapan nila. “Hindi na.” saad ko after a while. “Huwag na kayong sumama. Let’s enjoy na lang na tayo lang. Ngayon lang ako nag-request sa inyo, ah? Tatangihan niyo pa ako.” drama ko. Kunwari nasasaktan ako. Hinawakan ko ang dibdib ko to enhance the act. “Sissy, you know naman na lahat gagawin namin para sa ‘yo. But ito, alam namin na need mo din. It’s healthy for our mind, body and soul. Makakasama ka pa namin. Love you, sis.” Hinagod pa niya ang katawan niya habang sinasabi ang parte nito. Nakalimutan ko, mas madrama pa pala sa akin ang dalawang kaibigan ko. “Hay, whatever! Basta hindi ako sasama.” Tapos. “Let’s all make a bet. Sige. Bet ko ten thousand.” “Ano ba bet mo? May suhol ka na agad.” “Ohh! Sige. Sali ako. Pera ‘yan, e.” Napa-clapped ako sa dalawang kamay ko. Muntikan ko pa mahulog ang chopstick ko sa labis na excitement. “Ayun, mukhang pera.” Sabay silang nagtawanan. Ngumuso ako. “Ito na nga. Mag-bet tayo kung pupunta si Sir Pogi sa teambuilding na ‘tin. Ang manalo, sa kanya ang ten thousand. If halimbawa dalawa tayo ang manalo, twenty thousand ang ibibigay sa atin ni Madam Beatriz, hati tayo. At kung siya naman ang manalo. Tag-ten tayo. So may 20K siya.” Napanganga ako sa kundisyon niya. 20K? Pero kung manalo ako, 20K din sa akin. Wow! Pwede na rin. Hindi naman na lugi at sigurado ako na mananalo ako. “Okay. Deal.” Sagot ko. With pride. Humagikgik si Kikay. Sinamaan ko siya ng tingin. “Hoy, seryosong usapan ito ng mga taong dalaga, may career, maganda at sexy. Walang gag*han.” Paalala ko. Wala talaga akong tiwala sa dalawang ito, e. “Whoo! Nangangati mga palad ko!” Kikay rubs her two palms. Nagkangisihan kami ni Patricia. I know what’s running through her mind. Like us, money. Pero mas alam ko din na ako ang panalo. Today nga ay Thursday. Busy ang lahat ng mga tao ditong pag-usapan ang tungkol sa teambuilding. Mula nang mag-email sila kahapon, iyon na ang topic ng karamihan. At mas lalo pang pinainit ng dalawang ito. Napailing na lang ako. Imagine, sinali nila ang ibang mga katrabaho namin sa bet na iyon. At ngayon nga, halos lahat na nakapusta. I don’t know kung matutuwa ba ako o hindi. Lalaki ang premyo ko but lalaki din ang talo ko kung sila naman ang manalo. “Ms. Salvador,” Mula sa pagbabasa ng ine-edit ko. Napataas ang tingin ko sa babaeng tumawag sa akin. Kumunot ang noo ko. Nahihiya siyang ngumiti. Nakasuot siya ng itim na blazer. Napaka-light lang din ng kanyang make-up. “Y-yes?” Kinabahan ako. Bakit siya nandito? “Please, check your phone. Kanina pa kasi tumatawag sa ‘yo si sir. But much better kung sasama ka sa akin para makausap siya sa taas.” mahinang aniya. Iniiwasan na may makarinig na iba. Dahil lahat sila, nasa amin ang tingin. Nagtataka kung bakit nandito ang sekretarya ng big boss namin. Dali-dali kong kinuha ang bag sa ibaba ng table ko. Hinanap ang sinasabi niya. Bakit wala? Halos ibuhos ko na lahat ng gamit ko dahil wala ang cellphone ko. “Ito, miss.” Napahinto ako. Tinitigan ang tinuro niya. “Oo nga pala!” Napangiwi akong nakangiti sa kanya. Ganoon din siya. Shit! Nakasaksak nga pala ito. May dalawang missed calls na galing sa unregistered number. Itinaas ko ito at ipinakita sa kanya. Tumango siya nang makita ang numero. “Tara na po sa taas. Hindi mo gugustuhin magalit si Sir.” Napansin ko nga medyo nagmamadali siya. Siguro dahil sa takot? Malay ko bang tatawag ang lalaking iyon! Akala ko nga patay na siya, e! Agad naman akong sumunod sa kanya. Hindi ko na pinansin ang mga taong nakatitig sa amin. Sa exclusive elevator kami sumakay. Bago pa sumara ang lift, nilingon ko sila. Kung hindi lang ako curious sa pakulo niya, tatawanan ko silang lahat. Nakatayo sila, nakatingin sa amin. Kunot ang mga noong nagtataka. “Bakit po ba niya ako tinawagan?” basag ko sa katahimikan naming dalawa sa loob ng elevator. “Hindi ko po masasagot iyan. Pero, ngayon pa lang, sorry na.” “Ha?” “Una, hindi mo sinagot ang tawag niya. Pinaghintay mo pa siya. Ngayon, ito pa. Kailangan ka pa niyang ipasundo sa akin. Miss, ako ang sumapo ng galit niya sa iyo. Gosh! Embrace yourself. Iba siya magalit. Huwag ka naman sana mawalan ng trabaho.” “W-what? Bakit naman niya gagawin iyon? Malay ko bang tatawag siya at h-hindi ko naman alam na siya pala iyon. As you see, hindi naka-save ang numero niya. At bakit niya ako ipapatawag sa iyo?” Sunod -sunod na sagot na tanong ko din. Nahahawa na sa kanya. “Hindi ko rin alam! Wala ang talagang sekretary na lagi niyang kasama. Kararating lang niya kanina and . . . mainit ang ulo niya. Always.” Mahinang aniya dahil bumukas na ang lift. Inayos ko ang damit ko. Kinakabahan na rin sa sinabi niya. Hindi ko maipirmi ang mga mata ko habang naglalakad kami. Makintab ang flooring. Malinis at maraming naggagandahang at nagmamahalang paintings na naka-hang sa itim na pinturang pader. Nanlalamig ang mga kamay ko. Kinakabahan. Pero bakit? Tsk! Dapat nga ako ang magalit, e. After 3 weeks? Tsk! Baka naisip na niyang aminin ngayon na prank lang ang lahat ng ito. Masisipa ko talaga siya sa balls niya. “Pasok ka na, miss.” udyok niya sa akin. Sandali akong huminto sa kulay gintong pintuan. Salamin ito ngunit malabo ang finishing. Huminga ako ng malamin. “Pasok ka na. Ako natatakot sa iyo, eh.” “Mas lalo mo lang ako pinapakaba.” Tumawa kaming dalawa para maibsan ang aming nararamdaman. Nilagay niya sa kanyang labi ang daliri niya. Pinapatahimik ako. Okay. Kaya ko ito. Kumatok ako ng dalawang beses. Bago, dahan-dahan binuksan ang pinto. “I’ve told. . .” napahinto kaming pareho. Siya nang makita ko. Ako, nang marinig ang galit niyang boses. “Good afternoon, sir.” Bati ko’t sinara ang pintuan. Kinaya kong tatagan ang boses ko. Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong naging aligaga ang kanyang sekretarya sa labas ng opisina niya. “Have a sit, Ms. Salvador.” Gusto kong umirap sa harapan niya ngunit ‘di ko iyon gagawin. “Bakit niyo po ako pinatawag?” In fairness, malinis at maayos ang office niya, ah? Gaya sa labas, black at gold din ang mga kulay dito. Maliban sa mga paintings. Dito ganoon din. Umupo ako sa kulay nude na sofa. Sa harap ko may lamesang babasagin na may magandang puting rosas. Sa gilid naman nito ay may bookshelves. Kaharap ko siya na prenteng nakaupo sa kanyang upuan. Sa ibabaw ng lamesa niya ay bukas ang Mac laptop niya at ilang mga papeles ang nakalahad. May kulay pulang box din doon na may ribbon. I assumed na regalo iyon. Ako ang unang nag-iwas ng tingin nang magtama ang aming mga mata. Tumingala pa ako sa ceiling. Siya tahimik lang doon sa kanyang inuupuan. Nakamasid. Nakaka-intimidate. Tama nga ang sekretarya niya. “How have you been these days?” “Wala naman, sir. Thanks for asking.” Tumikhim ako. Ang boses niya. “I’ve been abroad these past few days and I’m sorry.” “Ohh . . .” iyon lang ang nasabi ko. Ilang segundong katahimikan ang namayani sa amin bago niya iyon binasag. “Are you still into our agreement?” Napaamang ang aking bibig sa sunod niyang tinanong. “Ahm, meron pa ba? I thought it was a joke since you never show up after that night.” “I’m not like that, Ms. Salvador. I mean every word comes into my mouth. I never tell jokes.” “Ohh. . .” and again. “So, bakit mo ako inadyang papuntahin dito sa iyong opisina, sir?” Napangisi ako ng kumunot ang kanyang noo dahil sa ginamit kong kataga. “T-to talk about our deal and also make what supposed to happened.” “W-what? Ano po ang inyong ibig ipahayag?” Tumayo siya, inabot ang kahon na nasa harapan niya’t naglakad papunta sa aking kinaroroonan. “Ms. Salvador, my apologies.” Ano po ito? Hindi ko na naisatinig iyon at tinitigan na lang ang kahong ibinaba niya sa harapan ko. Naupo siya doon kaharap ko at walang habas na tinititigan ako. Iba na ang itsura niya. Wala ka ng makikitang galit o inis. “I hope you like it.” dagdag niya. Inalis ko ang gintong ribbon nito. Hinila ko. Isang beses ko siyang nilingon muli bago inangat ang takip ng pulang kahon. Nilagay ko ito sa kandungan ko. Medyo may kabigatan, ah? A pair of shoes? And a dress? Sa tingin ko tama ito sa size ko. Ibinaba ko ito sa babasaging lamesa. Sunod kong itinaas ang gown. Kulay puti ito na may stone sa kanyang dibdib pababa hanggang sa baywang nito. Pareho sila ng sapatos ng design. Ang takong nito ay bote. May ribbon sa likod niya. Ibinaba ko ito at nilingon ang kasama niya. Isa pang kahon. “Ba-bakit po may paganito? Sobra naman yata sa piece offering ito.” Itinuro ko ang kahon. Ayaw ko nang buksan ang isa pa. Nakikinita ko na iyon. Base sa tatak. “You will wear this at our wedding.” “Po?” napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na may ilalaki pa pala ang mga mata ko sa sunod niyang tinuran. Hindi ako. . . handa. “Later.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD