Chapter 47 Bellariz POV “Bitawan niyo ako!” sigaw ko sa mga tauhan ni Beatriz. Hawak niya ang isang braso ko, pinipigilan akong umalis. “Balikan niyo na ang amo niyo. Baka lumabas pakpak niya, lilipad na iyon.” Makalas kong binawi ang braso ko sa kanya na halos ikatumba ko. “Copy, Sir.” Sagot niya. Doon ko lang nalaman na may ear pods siya sa tenga. Inayos ko ang damit ko. Lukot na ito. Dumagdag iyon sa init ng ulo ko. May interview ako later this afternoon sa isang private agency. Kailangan ko mag-double kayod para may panggastos kami ni Charles and all my confident and elegant was vanished because of Beatriz. “Ma’am, pwede na daw po kayo umalis,” yumuko siya sa akin. Parang isang hapon na magiliw na bumati. Tumaas ang kilay ko doon, hindi naman iyon ang lahi niya at tama ba, pwede

