Chapter 46 Beatriz POV Nakangiting binati ako ng mga staff ng facility. Nasa likod ko ang isang tauhan ni Kiel dala ang basket na puno ng mga prutas para kay Mommy. Hawak ko naman sa bisig ang humahalimuyak na kumpol ng bulaklak na inorder ni Kiel para sa kanya. ‘Yung akin, nasa sasakyan, iniwan ko na doon para iuwi mamaya. Hindi siya nakasama ngayon dahil may meeting ito ngunit susunod din siya after lunch. Friday ngayon at nag-leave ako, schedule ko din mamaya sa OB para sa second month check-up ko. Pinagbuksan kami ni Terry, ang private nurse ni mommy. Napanganga siya nang makita ang bulaklak na dala ko. “Wow! Amoy garden na dito sa buong cabin.” Aniya. Sinarado niya ang pinto, at sinabi kung saan pwede ibaba ang basket. “Katatapos lang ng morning routine ng mommy mo. Naliligo siya

