Chapter 2

2288 Words
Chapter 2 Beatriz POV Masakit ang ulo ko. Nararamdaman ko ang pagpintig nito sa sintido ko. Masakit ang katawan ko na para bang binugbog ako ng ilang tao. Mahirap bumangon. Pero mabuti na lang na gising ako sa masamang panaginip na 'yon. Hanggang sa panaginip ba naman ayaw nila ako patahimikin? Umungol ako. Hawak ang ulo ko na parang binabarena sa sakit. Umupo ako mula sa pagkakahiga. Parang gustong lumabas ng bituka ko sa bibig ko. Hinahalukay nito ang bawat laman loob ng t'yan ko. Nalalasahan ko pa rin sa bibig ko ang mapait na lasa ng alak na mas lalong nagpapalala sa nararamdaman ko. Fuck alcohol!!! Arg! Nakapikit pa rin ako, walang lakas ng loob na imulat ang mga mata ko. Napahiga akong muli at napapamura sa nararamdamang hilo. Halos lumabas na ang suka ko sa bibig ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Hinilot ko ang sintido ko. Nagtaka ako dahil may matigas na bagay sa tuktok ng uluhan ko. Puno nang kabang dahan-dahan akong lumingon sa kanan ko, nanlaki ang mga mata ko nang may, may, may. . . lalaki sa tabi ko!? Nakaawang ang mga labi niya at mahimbing na natutulog. Si-sino 'to? Did w-we? Oh, My Gad! Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ilang beses nagpakurap-kurap. Dahan-dahan kong sinilip ang katawan ko. Hindi gumawa nang kahit na anong ingay. Kinakabahan ako. As in, ang puso ko— nasa t’yan ko na’t nakikihalukay doon. Napatakip ako ng bibig ko. Hindi alam ang gagawin ko. Nagpapanic na ako. s**t! Iba na ang suot ko!? Wala akong damit! Wala na akong undies! Tanging bathrobe lang na puti ang bumabalot sa kahubaran ko. Anong nangyari? P-paano? Tuptop ko ng mga kamay ko ang bibig ko. Naiiyak. Natatakot. Dahan-dahan akong bumaba sa kama. Medyo malayo siya sa akin. Tanging kamay lang niya sa ibabaw ng unan ko ang nagdidikit sa aming dalawa. Pinagmasdan ko siya. Kalahati ng mukha niya lang ang nakikita ko dahil naka-lubog ang kalahating mukha niya sa malambot na unan. Magulo ang kanyang buhok. Naka-bathrobe lang din siya gaya ko. Mahimbing siyang naka-dapang natutulog sa kama. Wala akong ideya kung sino siya. Namamawis ang buong katawan ko sa nangyayari. Ano itong na gawa ko? Luminga-linga ako sa buong kwarto. Hinanap ko ang mga damit ko, nakita ko sa nightstand ang mga damit kong maayos nang nakatupi. Sa gilid nito ang cellphone ko. Dahan-dahan kong kinuha ang mga iyon. Patay ang cellphone ko kaya hindi ko alam kung anong oras na ba. Wala na rin akong oras para silipin pa sa bintanang nababalutan ng makapal na kurtina para makita kung maliwanag na bas a labas. Patingkayad akong naglakad patungo sa banyo. Maingat na hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Ingat na ingat na ni-lock ko ang pintong iyon at mabilis na nilapag sa sink ang mga damit ko. Naghilamos ako para mahimasmasan ang katinuan ko. Nawala na nga yata ang epekto nang hang-over ko nang makita ko siya. Para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig sa buo kong katawan. Windang na windang sa gulat na may isang lalaki akong katabi at ‘di ko pa ito makilala. Wala din akong maalala kung paano ako nakarating sa kwartong ito. Paanong naisama niya ako dito? Ayaw kong makita niya pa ako dito pag-gising niya kaya dali-dali akong nag-ayos. Kakalimutan ko na rin ang gabing ito. Wala, walang nangyari. Hindi ko siya kilala. Wala na akong pakialam doon. Kung sino man siya, sana hindi na kami magkita pang muli. May nangyari man o wala. Iisipin ko na lang na isa lang din itong masamang panaginip. Wala din naman ako maramdamang sakit . . . down there. Ang alam ko masakit pag-first time. ‘Yong tipong hindi ka agad makakalakad, mahapdi at pagod ang buong katawan mo. Yes, pagod lang ako, masakit ang katawan ko. Pero. . .pero wala talaga, eh. Maliban doon wala na bukod sa kabang nararamdaman ko ngayon. Okay pa naman siya. Sa tingin ko. Ligtas ang iniingatan ko. Sana. Dali-dali akong nagbihis. Gusto ko man siya pasalamatan dahil mabango ang suot ko, parang bagong laundry pa nga ito. Maayos ang pagkakatupi ng mga ito kanina sa nightstand. Halatang na iron dahil kung hindi, lukot-lukot ang tela nito dahil sa material na klase ng damit na ito. Isang beses ko siyang nilingon pagkatapos kong magbihis. Dahan-dahan ang mga bawat pagkilos ko. “Kung sino ka man, sana hindi na tayo magkita pang muli,” mahinang saad ko, hawak ko na ang seradora ng pinto. Maingat kong isinara ang pinto para hindi siya magising. Wala akong lakas nang loob na harapin siya o makilala man siya. Wala akong ideya kung anong nangyari kagabi o paano ako napunta dito. Basta ang alam ko lang at kailangan kong gawin ay ang umalis na dito kaagad. Namangha ako pagkalabas ko ng kwarto. Isa pala itong Penthouse. Malaki at magara, ha? Marahil mayaman ang lalaking 'yon. Kung sa kanya man ang Penthouse na ito, mayaman or baka millionaryo siya. Kung inuupahan lang naman niya, mayaman pa rin . . . isang gabi lang sa ganitong klaseng kwarto ay hundrends of dollars na ang cost every night. Maganda din ang interior nito, ah? Impressive! Magaganda ang mga gamit at ang napiling carpet pang mayaman. Mahal ang mga ito, basta alam ko lang! Walang tao sa labas kaya dali-dali akong lumabas. Mabilis ang mga lakad ko sa hallway ng hotel. Saan kaya ito at anong pangalan ng hotel na ito? Siguro naman pangalan niya ang ginamit niya sa pag-book dito dahil sigurado ako na knocked-out ako kagabi dahil sa labis na kalasingan. Pagdating sa elevator, I switched on my phone. Ilang sigundo ko 'yon hinintay bago bumukas. Mabuti na lang may ilang battery pa. Past ten na pala ng umaga. Hindi pa ako huli. Kaya ko pang mag-book ng ticket paalis sa lugar na ito. Pero ang tanong, saan? Saan ako pupunta ngayon para magtago? Nasa America pa naman ako, ‘di ba? “Good morning, ma’am!” masayang bati sa akin ng isang crew paglabas ko ng elevator. Nag-mo-mop siya ng kulay gintong sahig. “Good morning too,” tipid ko siyang nginitian at binati ko rin siya bago ko siya nilagpasan. Hindi na ako nag-abala pa na lumapit sa desk information, bahala na ang lalaking iyon. Sumakay agad ako sa nakitang Taxi, mabuti na lang may naghihintay na sa labas pagkalabas ko pa lang ng hotel na ito. Tinanong ako ng driver kung saan niya ako ihahatid. Sandali akong hindi naka-sagot. Napa-isip. Saan nga ba? Hindi ako pwede umalis o magpa-book ng hotel kung wala akong dalang ID or ang Passport ko. Baka i-report pa nila ako sa mga pulis as tulisan. Tsk! Pero kailangan kong umuwi sa hotel na 'yon. Wala akong dala kahit na isang gamit, or even my ID’s. Kailangan ko rin ang passport ko para makaalis na ako dito sa lugar na ito. Bwisit— kapag minamalas ka nga naman, oh!!! Sunugin ko kaya ang hotel nila? Baka sakaling gumaan naman ang nararamdan ko ngayon. "Ma'am?" Napabaling ang tingin ko sa taxi driver. May pagtataka sa mga mata niya. Siguro dahil sa suot ko at sa tagal kong sumagot sa tanong niya. Tumikhim ako, "Drop me at Hotel Simone, please! Do you accept online payments?" Wala naman akong choice, wala ako dalang pera kahit magkano man lang. Isa pa, hindi ko alam kung saang parte ako ng New york ngayon. Siguro naman nasa part pa rin kami ng America, no? "Yes, ma'am. . ." Nag-drive na siya paalis. Binayaran ko naman siya higit pa sa amount na nasa dashboard ng kotse niya. Tripled ang tip na binigay ko. Si-nend ko ito sa binigay niyang information sa dashboard ng kotse. Ilang sandali pa’y nakarating na kami sa hotel na sinabi ko, hindi naman pala ganoon kalayo ang narating ko kagabi. Wala pang dalawang oras nakarating na kami dito. Hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi. Kung noong isang araw, masaya ako na pumasok dito. This place was my playground. Dito kami madalas noong mga bata pa kami. Maraming masasayang memories na nabuo dito sa lugar na ito. Masaya ang puso ko noong isang araw papasok sa lugar na ito, ngayon puno na ito ng mga hinanakit. Taas baba ang dibdib ko habang nakatayo sa harapan ng hotel. Naka-tingin ako sa malaking pangalan na naka-ukit sa harapan nito. Nahihirapan akong huminga. Mahirap kalimutan ang mga nangyari na minsan pinangarap kong mangyari. Sa isang iglap nawala ang matagal ko nang pinapangarap. Nang dahil lang sa isang babaeng parte ng buhay ko. Humugot ako nang lakas loob. “Tapusin na na 'tin 'to!” Wala nang dahilan pa para magtagal ako dito. Sana lang ni isa man sa kanila wala akong makita. Baka makapatay ako ng wala sa oras. Pero baka hindi rin . . . sigurado tulog pa sila hanggang ngayon. Nagkasayahan sila kagabi, eh. Syempre, they will celebrate the new upcoming first baby ng pamilya. Plus, new soon to be his Mrs. Hays. Mga gago! Sana nga hindi na sila magising pa. Hindi ko na pinansin ang nasa front desk ng hotel. Kilala na niya ako for sure, madalas kami pumunta dito noon. Madalas ako naglalaro dito. Madalas akong tinatawag as the girlfriend of the owner. Ang saya, 'di ba? Napairap ako sa sariling na isip. Tinignan ko ang sarili ko sa elevator wall. Purong stainless ito kaya naman para na ako na nanalamin sa kintab at kinis. Ngumisi ako sa sarili ko. Kaya ko 'to! Matatapos din ito. Hindi ko deserved ang ganitong sitwasyon. I know my worth. I know more than they know. Wala akong ginawang masama para pagtaksilan nila ng ganito. Mas lalong wala silang karapatan na saktan ako ng ganito. Nang bumukas ang lift, nilakad ko agad ang pasilyo papunta sa kwartong tinutuluyan ko. Wala ako nakasalubong ni isa man sa kanila o kahit na staff nila. Ang problema lang wala sa akin ang keycaps ng kwarto ko. “Bwisit!” bulalas ko sa sarili. Paano ko ito mabubuksan kung wala ang swipe card ko. Hindi na ako pwede mang-utos basta- basta lang. Hindi na ako ang dating Beatriz, hindi na nila ako boss. Mas lalo lang nila malalaman na nandito na ako kung gagawin ko iyon. Hindi ko naman din pwedeng piliting buksan. Tutunog ito sa security room nila. Maaalarma pa ang ibang mga naka-duty. “Hmmmm. . .” umirap ako sa ere, nakaharap pa rin sa pintuan ng kwarto ko, nagpameywang ako doon. Sinipa ng isang beses ang pintuan. Habang nag-iisip ako nang paraan, may dumaang service crew ng hotel. Nakita ko ang tulak-tulak niyang cart. Magdadala siya ng pagkain isa sa mga kwarto dito. Nagliwanag ang mukha ko nang makita siya. Parang biglang may bumbilyang tumunog sa isipan ko. Tumaas ang sulot ng labi ko. “Got ‘yah!” Ang alam ko may key cards ang bawat crew na naka-assigned sa pglilinis at ang mga food crew na magdadala naman ng mga pagkaing in-order ng bawat bisita. Problema lang, paano at saan ko kukunin? Ahh! Sa utility room? Pero baka mahalata nila ako doon. Sigurado baguhan lang ang babaeng blonde na ito dahil hindi niya ako kilala. Binati lang niya ako ng isang ngiti. Nilingon ko ang cart na dala niya habang tinutulak niya ito. May mga box ito sa ilalim. Alam ko lahat ng policy and other informations about this hotel. Kaya alam kong may duplicate cards sa ilalim noon. Sinundan ko lang siya ng tingin kung saan siya hihinto. And sakto, hindi ito kalayuan sa kwarto ko. Dahan-dahan akong lumapit doon. Kumatok siya at hindi nagtagal binuksan na ito ng may ari ng kwartong iyon. Pagapang akong umikot sa likod niya na busy sa kinukuhang pagkain para maipasok na sa loob ng kwarto. Nang makalapit sa lamesa. Kinuha ko ang maliit na box dito, tumalikod at nagpunta sa isang sulok. Sorry for this girl, hindi naman siguro siya sisisantihin agad sa ginawa ko. Alam kong may mga CCTV sa paligid at naka-tutok ito sa akin. Pero wala naman kahit isang lumapit at pumigil sa akin na security. Bakit nga ba naman nila ako pipigilan? Baka nga utos pa nila na hayaan lang nila ako. Para agad na akong maka-alis sa lugar na ito. Sigurado kasi na malaking scandal ito sa buong pamilya nila. But, hello! Where in the U.S. Wala tayo sa Philippines na puro nega ang nasa isip ng mga tao. Makakalimutan din nila ito soon, o baka nga wala silang pakialam. After ko makuha ang key card, ibinalik ko ito sa cart niya. Wala na siya doon. Siguro pinasok na niya sa loob ng en-suit ang mga pagkaing dala niya. Pagpasok ko sa loob. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Kinuha ko lahat ng gamit ko. Nag-impake ako nang mabilis. Wala akong paki-alam kung malukot man ang mga damit ko sa malaki kong maleta. Nag-iwan lang ako sa kama nang masusuot ko pag-alis mamaya. Sinigurado kong dala ko ang lahat. Lalo na mga important documents ko. I take notes na kailangan ko umuwi sa mansion namin para kunin ang mga iba ko pang gamit doon. Tama doon ako pupunta ngayon. Surely, hindi pa sila nakaka-uwi ngayong araw. Kaya free ako sa bahay namin. Nagbihis na ako ng isang comfortable clothes. Nagsuot ako nang makapal na jacket at running shoes. Tinapon ko sa basurahan ang damit na suot ko kanina. Kung pwede lang sunugin ko ito ginawa ko na. I designed this dress para sa pinakakaabangan kong araw at pinatahi pa ito sa designer na kinuha niya para sa engagement night namin. Ngayon, isa na lang itong basura. Gaya ng mga taong bumasura sa nararamdaman ko. Ang mga taong soon, isa na lang mga patay sa alaala at puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD