Chapter 1
Beatriz POV
“Mga hayop kayo!” Hindi makapaniwalang anas ko sa kanila. “Paano niyo nagawa sa akin ito, ha?” Taas-baba ang dibdib ko sa labis na galit. Tinaas niya ang kanyang kamay para mahawakan ang kanyang maimpis na tiyan. Napatingin ako doon. Gusto kong lapitan siya. Saktan siya. Pero anong magagawa noon? Wala.
Isang beses ko silang sinulyapan bago ako lumabas ng pintuang iyon. Ito na ang araw na mag-isa na lang ako. Ang araw na hinding-hindi ko malilimutan.
Kuyom ang mga kamao kong naglakad palabas ng hotel. Hindi ko na maramdaman ang lamig ng gabi. Lahat ng mga taong dumadaan nakatingin sa akin. Malamang sa malamang nagtataka sila sa uri ng suot ko. May mga ilang nagsisipulan at nagtatawanan. Sino ba naman kasi ang hindi? Nakasuot lang ako ng manipis na satin red dress. Tube style type ito na hanggang tuhod ko. Wala akong kadala-dala na kahit na anong damit pang-cover sa lamig ng gabi.
Naiwan ko sa taas lahat ng gamit ko, ‘di bali nang manigas ako dito sa lamig h'wag lang bumalik doon para makita silang lahat.
Mga peste sila ng buhay ko! Damn them! Bakit hindi na lang kasi sila ang manigas sa lamig? Mga bwisit!
Marami akong mga nakakasalubong sa daan, ang iba ay masayang nagtatawanan, nagku-kwentuhan, nagda-date at may mga nagmamadali pauwi sa kani-kanilang mga tahanan para makahabol sa last minute shopping para sa nalalapit na Noche Buena.
Luminga-linga ako sa kalye ng Times Square. Saan nga ba dapat pumunta ang mga gaya ko? Hindi ko rin alam. Nakita ko na lang ang sarili kong pumapasok sa isang bar.
Umupo ako doon at nag-order ng isang bucket ng beer, chips and fries. Hindi ko inintindi ang mga matang naka-tingin sa akin. Bakit ngayon lang ba sila nakakita ng sexy-ing Santa Santita? Hindi naman totoo si Santa, eh. Isa lang siyang hamak na pizza delivery man na napagkamalang nagbibigay ng regalo sa mga bata. Or maybe kabit siya ng mommy nila. Nagpapanggap na Santa para lang maka-score kay mammah!
Tsk! Daming maharot! Sarap ipakaladkad sa kotseng humaharurot!
Mabuti na lang dala ko ang cellphone ko, binayaran ko ang mga binili ko gamit lamang ito. Few minutes later, I'm drinking. Parang tubig ko lang itong ini-straight sa aking lalamunan. Kahit masakit man at mainit sa lalamunan, wala akong paki! Sa gusto ko 'to, eh.
Happy Independence Day to me!
Tinaas ko ang bote ng beer ko, ang sarap! Ang lamig! Sumasabay ako sa kanta na naririnig ko mula sa background music ng bar. Tinataas baba ko ang aking mga balikat. I bang my head. Natawa ako nang makaramdam ng pagkahilo dahil doon.
“Cheers!” sigaw ko. Itinaas ang kamay kong may hawak na botelya. Inilibot ko ito sa buong bar, taas-taas ang kamay kong iniwawagayway. May mga ilang bumabati sa akin pabalik. Ang iba naman ay tinawanan lang ako. May iba din na ‘di ako pinansin. Ang mga tingin nila para akong nababaliw.
"Merry Christmas!" bati ko sa aking sarili. Tinungga ko ang boteng iniinom. Sinisinok kong isinubo ang huling french fries. Ubos na agad? Sinong kumain? Lasing na tinitigan ko ang platong wala nang laman. Naiiyak ako. Wala na!
This day supposed to be our best day. Tang ina! Tagal kong hinintay ang araw na ito. Pinangarap ko ito, eh. Pero— bakit? Bakit nila ako niloko? Bakit siya pa?
Umiyak ako, humagulgol, inilabas ko lahat ng sama nang loob ko para sa pamilyang . . . hindi ko alam kung tama bang tawagin ko pang pamilya. Dahil ang tunay na pamilya nagmamahalan hindi nagta-trayduran.
Tsk! Kung sa bagay, dati pa naman laging si ate, ate, ate, ate! Lagi lang akong anino niya. Lagi na lang akong second’s best lalo na kay daddy. Palibhasa sunod-sunuran sa kanya. Eh, ako? Walang magpapasunod sa akin. Kung ayaw ko, ayaw ko! Lalo na kung ipipilit nila para sa kapakanan ng pera. Sa power at sa pangalan.
Damn them!
Hmm, f**k them!
Hindi ako na i-inggit sa kanya. I loved her; she was my first best friend. I adored her, mabait, matalino, masipag at mahinhin. . . na kabaliktaran ko. Lahat sinasabi ko sa kanya. Alam niya kung gaano ko kamahal si Charles. Alam niyang matagal ko nang hinihintay ang araw na ito. Pero sinira niya, sinira nila lahat. . .
Ang sakit, sakit . . .
Nilunod ko na lang ang sarili ko sa alak. Sumasabay sa kanta ng musika. Badtrip lang ang mga lalaking lumalapit sa akin. Inaaya ba naman ako lumabas. Tang ina! Ano ako, pokpok?
Nakikita na nga nilang umiinom ang tao, eh . . . i-istorbohin pa nila.
Tinaas ko ang bote sa isang lalaking natanawan ko. Inirapan ko siya. Kanina pa siya nagpapapansin sa akin. Lakas kumanta, wala naman sa tono. Hindi ko na maaninag ang mukha niya. Blurry na ang vision ko. Ang kukulit . . . Ang babaho naman. Pasko pa lang, ah? Hindi pa bagong taon pero amoy putok na sila.
Huh? May amoy putok din pala dito sa New York!?
Sarap din paputukan ang nguso nitong manager ng bar na ito, eh. Pinapauwi ba naman ako! Tinawanan ko lang siya. Dinuro ang ilong niya. Kamukha niya si . . . Du-dolp!
Oh, oh, nandito na pala si Santa, na-nandito na ang raindeeeer niya!
Binigay niya sa akin ang natitirang bill ko. Sinabihan pa ako na tama na daw dahil lasing na ako. Ako lashing? Tsk!
Tinunga ko ang huling bote. Nilingon ang paligid ko. Nahihirapan na ako idilat ang mga mata ko. Kinawayan ko ang lalaking may dalang regalo, pero teka— bakit niya nila-lagay ang . . . mga bote sa regalo? At anong klaseng regalo 'yon? Flat at walang balot.
Hmm, tanga na din pala si Santa ngayon. Hindi na marunong pumili nang i-re-regalo sa mga tao at ang pinaka-nakakatawa pa may bowtie siya sa kanyang leeg.
Sabagay, walang nang good sa mundong ito ngayon. Lahat masasama na gaya nila, gaya nila, gaya nila!!!
Tumawa ako nang tumayo ako para lumabas na. Nabunggo ko pa ang lalaking amoy putok. Hinawakan niya ako sa aking braso. Inalalayan niya ako patayo. Gamit ang libre kong kamay dinuro ko siya.
"Hey, nice perfume! Happy new year!" bating saad ko sa kanya. Binabawi ko ang braso ko sa pagkakahawak niya. Naglakad lang siya tanggay ako. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Ang kasama niya pang isa ay hinawakan ako sa bewang ko. Nagpumiglas ako pero hindi sapat. Wala akong lakas. Dahil sa kalasingan, hindi ko maipagtanggol ang sarili ko.
"Come on, babe. Let's continue the night at my place," bulong niya sa tenga ko.
Nangilabot ako dahil doon. Binawi ko agad ang kamay ko sa kanya. Tumawa lang silang dalawa sa kawalang lakas ko. Tinawag niya ang isa pa nilang kasamahan. Inalalayan nila ako para maisakay sa . . . itim na sasakyan? Brown yata or purple. Hindi ako sigurado. Tang inang 'yan!
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, naramdaman ko na lang na may nagbuhat na sa akin at para akong hinehele sa kanyang bisig. . .
"Triz, close your eyes!" Idinilat ko ang isa kong mata para sumilip. Sinabayan ko 'yon ng mga tawa.
Nandito kami sa garden ng kanilang mansion. We're celebrating our second anniversary. Naghanda pa talaga siya sa araw na ito kahit na sobrang busy niya sa kanyang trabaho. Hindi siya pumapalyang i-surprised ako, lalo na sa mga monthsarry namin and anniversaries. Gaya nito . . .May pa pikit-pikit pa siyang nalalaman.
"Pagsumilip ka hindi ko na itutuloy," pagbabanta niya sa kakulitan ko.
"Okay, okay, sige na, bilisan mo na!" Pumikit ako ulit. Abot hanggang tenga ang ngiti ko. Hinihintay ang nobyo ko sa pa-surpresa niyang gagawin.
I waited, matiyaga ko siyang pinakiramdaman. Tatawagin ko sana ang pangalan niya dahil biglang tumahimik ang paligid ko. Iniwan niya kaya ako dito? Wala na akong marinig kahit na isang kaluskos sa paligid ko. I panicked. Is this a prank?
"Triz," mahinang tawag niya sa akin.
Humagikgik ako bago siya sinagot. "Yes! Akala ko iniwan mo na ako dito,” Tumawa siya, sinabihan ako na h'wag didilat. Sinunod ko naman ang sinabi niya, hanggang sa may narinig akong malamyos na musika. Our love song. Napangiti ako, so sweet naman ng boyfriend ko.
Kaya mahal na mahal ko ito, eh.
“Triz, baby,” sunod kong narinig ang mga kaluskos papalapit sa akin.
Unti-unti akong dumilat. Siya agad ang nabungaran ng nanlalabo kong mga mata. Nakaharap siya sa akin. Nakatayo’t gwapong-gwapo sa itsura nito. May malawak siyang mga ngiti. May hawak din siyang isang bouquet of beautiful flowers at isang . . .
Oh, Em, G! A ring! Napatakip ako sa aking bibig. May luhang pumatak mula sa mata ko. Ganoon din siya.
Is he going to . . .
"Beatriz, baby, I've been known you for so long. Bata ka pa lang magkasama na tayong lumaki. Magkasama tayo sa lahat ng bagay. Noon pa lang ikaw na ang baby ko. And you’ll always be my forever baby. But I want more. Simula nang malaman kong mahal kita, hinintay ko ang araw na maging legal ka. . ." He scoffed. Kapwa kami mga naka-ngiti sa isa’t isa, kapwa rin may mga luha sa aming mga mata. Luha ng saya. Luhang nang nag-uumapaw na pag-ibig para sa isa't isa.
"Ngayong eighteen ka na, pwede na kitang pakasalan. Pwede na kitang tawagin Mrs. Hays ko gaya nang pangarap mo." Tumawa ako sa sinabi niya, totoo naman iyon. Noon pa man bukambibig ko na soon magiging isang Mrs. Hays ako. His wife.
"Gusto kong tuparin 'yon, at lahat pa ng mga gusto mong gawin sa buhay. Gagawin na 'tin lahat nang iyon na magkasama. Beatriz Salvador, will you marry me?" Inilapit niya sa akin ang singsing na hawak. Tinitigan ko 'yon.
Tumango ako. Tumango-tango. "Yes! Yes! Yes, I will marry you," sagot ko. Isinuot niya sa akin ang singsing. Hinaplos niya ang basa kong pisngi. Punong-puno ng saya ang puso ko. Wala na akong maisip pa na mas perpekto sa mundo kung hindi ito— itong mga oras na ito lang. Kaming dalawa para sa isa’t isa.
Bago niya ako mahalikan sa aking noo. . .
"Buntis ako, si Charles ang ama . . ." Napabaling ang ulo ko sa nagsalita. Nanlalaki ang mga mata ko. Nasa harapan ko ngayon si ate. Nakahawak sa kanyang. . . malaking t'yan?
"Ako ang totoong Mrs. Hays!" malakas niyang sigaw. Lumapit siya kay Charles at hinalikan siya sa kanyang labi. Ngumiti sila sa isa’t isa. Niyakap niya ang ate ko ng buong pag-iingat. Tinitigan siya kung paano niya ako titigan. Titig na may pagmamahal.
"Nooooo!"