Chapter 28 Beatriz POV Nakakandong ako sa kanyang kandungan. May binabasa siyang dokumento sa harapan niya. Nakikita kong isang financial report iyon na hindi niya nagustuhan ang pagkakagawa. Nilalagyan niya ito ng note sa gilid para maiayos muli. Hindi ako umiimik sa kanyang kandungan. Sa sobrang kumportable, nais ko na lang matulog sa kanyang namumutok na bisig at mga mahiwagang hita. Uminit ang pisngi ko ng maalala muli ang ginawa niya kanina pagpasok ko dito. Kung hindi lang siya nakatanggap ng tawag mula kay Madison sa intercom . . . Ito na naman ang mga naiisip ko. Naputol iyon nang mag-beep ng ilang beses ang intercom niya sumunod ang pagsasalita ni Madison doon. “Sorry to interrupt, sir. Nandito na po kasi ang food delivery ninyo.” Tumayo ako ng sabihin niyang ipasok na iyon

