Chapter 29 Beatriz POV “Triz, please,” hinawakan niya ang braso ko. Hinawi ko ito, humakbang para makaalis na. Kaunti na lang magbabagsakan na ang mga lintik na luhang ito. “J-just. . . can you give mommy a little time? Please, anak. I missed you so much.” Ang isang kamay, naging dalawa. Dalawang kamay na pinipigilan akong umalis. Dalawang kamay na na-missed ko. Dalawang kamay na inasam kong muli kong maramdaman ang init ng pagmamahal nito sa pisngi at buhok ko gaya ng dati niyang ginagawa. Umiwas ako ng tingin. Garalgal ang boses niya. May paghihinagpis. Pero ako ba? Anong nararamdaman ko? Sakit. Poot. Pangungulila. Ang sakit. Sakit. Muling bumabalik ang dati. Hindi ako makahinga sa hirap ng puso ko. Taas baba ang dibdib ko. God! Gusto ko siyang sumbatan! Umiling-iling ako. Inalis

