Chapter 13

2148 Words

Chapter 13 Beatriz POV Tumikhim ako. “Hi!” Lumapit ako ilang hakbang mula sa kanya. Maraming mga nakahain sa mahabang lamesa. Iba’t ibang mga putahe at ang iba’y hindi ko alam ang mga pangalan. Iniwan kami ng kasambahay ng walang sabi-sabi. Hinanap ko sila. Kinabahan ako ng mapagkaming dalawa na lang. Pakiramdam ko, numipis ang hangin sa pagitan naming dalawa. “Have a sit. You must be famished.” Napalunok akong muli nang pasadahan niya ako ng tingin. “Hindi mo kinain ang pagkain mo kaninang umaga?” seryosong aniya. Nakaupo siya sa pinakadulo at may hawak siyang tablet. “Ah, nag-snack na ako sa bus kanina sa biyahe.” palusot ko. Ayaw ko siyang tingnan sa kanyang mga mata. Ang init ng hatid nito sa akin. “Maupo ka na. Next time, kumain ka sa oras. Ayaw ko nang nagsasayang sa pagkain.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD