Chapter 12 Beatriz POV Everyone was chatting. Planning their grand plan sa outing na ito. Halatang masaya ang lahat dahil na rin siguro sa mas magarbo ang outing na ito kaysa sa mga nakaraang taon. Dati kasi, typical na outing lang, mas lamang ang inuman at kanya-kanyang buhay. Unlike now, sabi nila, espesyal daw at lahat kasama. Sumimsim ako sa kapeng hawak ko, napangiti sa nadamang init nito. Free ba naman, e. Ewan ko ba bakit ang galante ng bagong boss namin ngayon. Nakaka-spoiled. Inilipat ko ang tingin sa mga busses na nasa labas. Nandito kami sa isang hotel na sa tingin ko ay pagmamay-ari din nila. Dito ang meeting place namin bago pumunta sa Batangas. Lahat ng mga empleyado nagkalat sa buong lobby. Ang iba ay nasa parking lot na, nakasakay sa designated busses nila. Makikita mo s

