Chapter 38 Beatriz POV Nag-browse ako sa email ko nang matapos ko na lahat ng gawain. Hinihintay ko na lang matapos ang meeting ni Kiel at uuwi na rin kami. Simula nang payagan niya ako magtrabaho muli, sabay na kami pumapasok at umuuwi sa penthouse niya. Napipilitan tuloy siyang tapusin ang trabaho niya hanggang 6 P.M lang. Sabi ni Madison, inaabot pa raw sila noon dito sa company hanggang 10 P.M. sa sobrang workaholic nito. Sa pagi-imbestiga, lumabas na walang kasalanan si Madison kung hindi ang pag-iwan niya lang sa desk niya ng personal niyang gamit like phone and laptop nang naka-on. Kaya agad nakuha ng mga tsismosa ang pictures namin. Nakita sa CCTV kung paano nila gawin ang binabalak sa loob ng dalawang minuto habang nasa conference room si Madison para dalhin ang papeles na pina

