Chapter 37 Beatriz POV “Mom, bakit ayaw mo makinig sa akin?” Ibinaba ko ang dalang bagpack sa sahig. Nagtatangis ang bagang kong nilibot ng tingin ang buong kusina. Magulo, makalat at puno ng kulay puting powder ang sahig at lamesa. Sa counter may mga tapon din doon. Napakamot ako ng noo. Mabango ang nangangamoy sa oven na niluluto niya pero ang kalat naman. Puno rin ng hugasin ang lababo. I wonder kung nasaan si Nana. She should be here and cooking, not my mom na hindi naman marunong sa pagluluto. Nakatalikod siya sa akin. Yakap ang malaking stainless bowl, yumuyugyog ang balikat niya sa paghahalo. “Enough, Beatrize. Hindi magagawa ng Dad mo ang sinasabi mo.” Umikot ang dalawang eyeballs ko. “Pero Mom, hindi mo ba nakikita? Lagi na lang siyang wala. Pag-uwi, lasing pa.” At may kasam

