Chapter 24 Beatriz POV Kinurot-kurot ko ang mga daliri ko sa likod ko. Tiningala ang magandang entrance ng bahay nila. Dahan-dahan akong umikot para malibot ng paningin ko ang bahay. At kung grande lang ang pag-uusapan, ito iyon. Ang ganda ng kumikinang nilang chandelier sa taas ng magarang ceiling. Maliwanag dito sa loob at maaliwalas. Marami ring mga bulaklak na naka-display sa bawat kabinet, lamesa at sulok ng bahay. Pahapon na nang dumating kami dito. Muli ko pinasadahan ang damit ko kung may gusot ba o dumi. Pinagpag ko ang kamay ko sa hita ko. Wala akong makitang ibang tao dito sa malawak nilang sala. Kung magpa-party ka siguro dito, sasapat ang limang daang tao dito palang sa sala sa laki nito. Nasa labas pa si Kiel at kausap ang isang lalaking may katandaan. Ang bulong niya sa

