Chapter 25 Beatriz POV “Hindi mo naman agad sinabi sa akin na ikaw pala ang manugang ko.” Tinapik niya ang likod ng kamay kong hawak niya. Nandito kami sa kanilang sala nakaupo at nagku-kwentuhan. Sa kabilang side nakaupo ang mag-amang si Kiel at Daddy Santi. Kapwa may hawak na mga basong babasaging may lamang alak. Ako naman at si Mommy ang magkatabi, hawak niya ang isang kamay ko sa kanyang kandungan at kinu-kwentuhan ako ng mga memories nila dito sa kanilang mansion. Nakakailang mang tawagin silang Mommy at Daddy, kailangan. Nakakapanibago dahil ang tagal ng panahon na may tinawag akong ganito. Ilang taon nang lumipas. At ngayon masasabi kong na-missed ko rin pala. Mabait sila at maasikaso sa aming dalawa. Hindi sa inaasahan kong masungit, O.C at matapobreng mga biyenan. Kagat lab

