Chapter 26 Beatriz POV Natapos ang buong maghapon at ito pabalik na kami muli sa normal naming buhay. Tahimik ang daang tinatahak namin. Tahimik din akong nakatanaw sa daan, taliwas ang daang tinatahak ng isip ko. Hindi ko maiwasan na kabahan. Now it’s getting more and more closer again sa past. Hindi ako handa. Hindi ko inisip na kailangan pala ng partisipasyon ng mga magulang ko ngayon sa pinili kong buhay. Napabuntong hininga ako. Inayos ang ulo na nakasandig sa bintana ng sasakyan. Paano ko ‘to tatakasan? Ano ang idadahilan ko? Sa tuwing umiiwas ako sa topic na iyon, mas lalo lang nagdududa ang mga parents niya. Hindi pa namin napag-uusapan ni Kiel ang tungkol doon. May something sa akin na ayaw kong sabihin sa kanya. It’s simply, ayaw ko lang. Ayaw kong bumalik sa dati at sa kun

