One
Nanginginig ang aking mga kamay nanag makita ko ang isang magazine na naka-display nalapit sa cashier. Nakapila ako dahil may ilang groceries akong binili and a lot of them would have been alcohol kung hindi ko lang kailangan ng level-headedness ngayon. Hinablot ko ang tabloid magazine at binasa ko ang headline nito kung saan naka-plaster ang bwisit na mukha ng taong kinaiinisan ko mula nang makilala ko siya! He’s in between a woman and a man na nasa likod niya in a compromising position. And In big bold letter it says:
CAUGHT BETWEEN A TIGHT PLACE! HOW WOULD HE EXPLAIN THIS TO POP STAR GIRLFRIEND, ALLURA VOSS!!!
“That son of a b!-“ hindi ko na tinuloy ang aking sasabihin at gusto kong punutin ang magazine at nagsisigaw sa galit! Nagpupuyos na ako ng galit ngayon! May usapan na kami na hindi na siya gagawa ng kalokohan! How could he do this to me again?! Nang dahil sa kanyan, mas lalo nada-down ang singing career ko! Parang lahat ng pinaghirapan ko ay napupunta lang sa wala! He’s going to destroy me and I won’t let that happen! Inayos ko ang aking black sunglasses sa aking mga mata at nag-act na parang normal lang. Sana walang makakilala sa akin!
I thought I could do it after winning that make me a star singing contest show that was watched by the whole world. I am the big winner! But right now feeling ko parang ako ang pinakamalaking loser sa lahat. Hindi ko naman agad nakukuha ang pinanalunan ko and I was signed already to a recording label na wala naming ginagawa para sap ag-boom ng career ko. I had a different approach for my singing career , a signature na magiging kakaiba, but they turned it down an made me sing pop songs na hindi inspirational para sa akin. I never wanted to be a pop singer! I wanted to be different! I’m just thankful that I still have my fans na sumusuporta sa akin.
Mahigpit kong hawak ang magazine at hindi ako makapaniwala na nangyayari na naman ito! It’s been thrice already at gusto ko na lang maiyak. What is he even thing?! Wait! He’s a dumb guy kaya wala siyang capacity na mag-isip! Napaka-gago niya! Kung nasa harapan ko lang siya ngayon, baka sinakal ko na siya.
This is a cold slap to my face! Announcing our relationship a few months ago made his career boost up. He is a famous country singer star and they made me a deal to be in this relationship with him for a year para matulungan siya na iangat ang kanyang pangalan since he has been in a lot of controversies. They said one year! Pero hindi ko yata kakayanin ng isang taon ang humiliation na binibigay sa akin ng supposed boyfriend ko!
“That poor girl… Men are assholes and they are more pag sikat na sila.” Sabi ng babaeng nasa likod ko. Wala akong magawa Kundi tumango na lang. Ako na ang sunod sa checkout at nilagay ko lahat ng nasa aking cart na ini-scan na ng cashier. Tinago ko lang ang aking mukha and I am trying not to stand out. Nagulat ako nang bigla na lang may tumili. Napalingon ako at nakita ang isang teenager na babae na nakatitig sa akin.
“Oh my god! Your Allura Voss!!!” sigaw nito. “Isa akong big fan!” patakbo siyang lumapit sa akin. “Can I get some selfie and an autograph, please!!!” Hindi ako nakasagot at first and then matamis akong ngumiti sa kanya.
“Sure…” matamis kong sabi. May kinuha siya sa loob ng kanyang bag at binigay sa akin ang maliit na naotebook at marker. I ask her kung anong pangalan niya at sinulat ko ito and then signed it. Masaya niya itong kinuha at nagpasalamat siya sa akin. That was the time na nanapnsin ko na napapaligiran na pala kami. Pinagtitinginan ako ng mga tao at ang iba ay nagpa-sign din sa akin. Humingi ako ng pasensya sa cashier at binayaran ko ang aking mga groceries.
May mga dumating na security at nagpasalamat ako sa kanila na umalalay sa akin palabas. Mabilis akong sumakay sa aking sasakyan at may mga sumunod pala sa akin. Kumaway ako sa kanial at tuluyan na akong umalis. Tinanggal ko ang aking cap at sunglasses na suot. My natural red hair cascades on my back. Kaya lagi ko itong tinatago sa tuwing lumalabas ako because it’s one of my prominent feature aside from my olive green eyes.
Mula pa noong bata ako, I like to sing and I wanted to be a famous singer. I was so happy when I won, pero simula lang pala ng aking paghihirap. I thought my career would start successfully but the record label is holding me down. Kasama palas a million dollar contract ang palabasin nil ana may relasyon ako sa kanilang pinakasikat na artist. Pumayag ako kaagad dahil alam ko kung gaano siya kilala sa music industry.
Who would have thought na may kakaiba pala siyang hobby. He’s a promiscuous man, and he also likes men. Hindi naman pwede na umatras ako dahil pag ginawa ko’yon it would be a breach of contract at magbabayad ako ng malaki. But, I won’t let them treat me this way anymore. I will settle this with them once and for all!
Bumalik ako sa aking apartment kung saan nadatnan ko ang aking backup dancers and singers na nanonood sa malaking flat screen TV. I saw the news about my boyfriend and I knew na pinagtatawanan na ako ng lahat! Napatingin ang apat sa akin and they have this pity on their faces. Namasa ang aking mga mata at gusto kong magwala sag alit ng mga oras na ‘yon.
“He is really an aszhole!” galit na sabi ni Iggy at pinatay nito ang TV. Lumapit sa akin si Cosmo at agad akong yumakap sa kanya nang mabitawan ko ang aking mga pinamili.
“Are you okay? Sabi kasi naming sa’yo kami na lang ang mag-grocery, eh.” Sabi ni Miley na lumapit din sa amin. Kinuha ng dalawa ang aking mga pinamila at pinahiran ko ang aking luha.
“Kailangan mo na talaga silang kausapin. Hindi pwede na ganito lagi ang ginagawa nila sa’yo, Lulu.” Sabi ni Riley.
“Kahit anong sabihin ko, hindi sila makikinig sa akin. I signed the contract already at hindi ko na pwedeng bawiin ‘yon. I don’t have the money para bayaran sila. Isa pa, ginagawa na naming ang first album ko. But with things going on, sa scandal na pinapasukan ng boyfriend, I don’t think my career would be even better. Hawak nila ako sa leeg.”
“Sweetie, I think you should talk to your family. Sigurado naman ako na matutulungan ka nila.” Sabi ulit ni Cosmo at napailing ako. Bagsak akong umupo sa couch at kumuha ako ng tissue na nasa mesa.
“I-I can’t… Alam niyo naman ang ginawa ko, hindi ba? I said to them na kaya ko! Na hindi ko sila kailangan. Tsaka ayokong isipin ng mga tao na isa akong nepo baby. That I just gotten my career dahil sa family name namin. I wanted to do it on my own.”
“You did do it! Nanalo ka sa mala king singing contest na ‘yon na wala ang kanilang tulong. Pero iba na ang sitwasyon mo na ngayon. Ginagamit ka na lang ng record label na ‘yon para umangat ang career ng ina. Damn that Colt Beaumont! Hindi ka niya dapat sinasali sa ulo na pinpasukan niya!” sasagot sana ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang aking manager. Isang tao rin na pinak-hate ko sa lahat! Imbes na tulungan niya ako, lalo niya pa akong pinapahirapan.
“Nakita mo na ba?” tanong ko at tumayo ako. “It’s all over the papers at sa news na rin! You guys told me na hindi niya naulit ito uulitin!” galit kong sabi rito. Isang matalim na tingin ang binalik niya sa akin at natigilan ako.
“Allura, those are just rumors. Sa tabloid magazine nagsimula ang lahat kaya hindi ito malaking balita sa atin. It will be gone in just a few weeks. The best thing that we can do is ignore it.” Sagot niya. Hindi naman ako makapaniwala at gusto ko siyang sapakin ng mga oras na ‘yon.
“I-Ignore it?” nanginginig na ang boses kong sabi. “How could I kung nagiging laughing stock na ako ng buong mundo! Do you know na malaki ang effect nito sa akin, sa aking career!”
“Ha! Palibhasa sarili mo lang ang iniisip mo! It’s all been taken care of. Magpasalamat ka pa nga sa amin at hindi ka naming pinapapabayaan. You will have a show in just a few weeks na kailangan mong paghandaan. Dito ka dapat mag-focus at hindi sa mga rumors na kumakalat.”
“Paano ako magfo-focus kung sinisira ng lalakeng yon ang career ko!” sigaw ko sa kanya dahil hindi ko na talaga napigilan ang frustrations ko at galit.
“Let me make this clear, Allura. Ang Iron Horse Music ang nagbigay sa’yo ng pagkakataon and they can also take it away. So, suck it up! Huwag mong kalimutan na may pinirmahan kang kontrata. We are going to have a meeting three days from now. Ang gusto ko tahimik ka lang at huwag kang kakausap sa sino man na press.” Matigas nitong sabi. Tumalikod na ito at tuluyan na itong umalis. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at humagulgol na ko. Feeling so devastated at naaawa rin ako hindi lang sa aking sarili Kundi na rin sa mga taong sumusuporta sa akin.