Napangiti ako ng husto at kumaway sa aking mga fans na naghihintay sa labas ng stadium. Kasama ang ilang security guards, ginuide nila ako sa gitna ng barricade para makadaan ako. Naririnig ko ang pagsigaw nila ng aking pangalan na kinatuwa ko. Of course I did some fan service. Nakipag-selfie ako, nag-sign ng autographs, at nakipag-usap sandali just to say thank you to everyone. Habang nagsa-sign ako sa isang poster. Bigla na lang may humablot sa akin at binuhat. Muntik na akong mapatili lalo na at nakita ko si Zero ang gumagawa nito. Naghiyawan ang mga tao na naroon. Binati sila ni Zero, pero buhat niya pa rin ako at mabilis na ipinasok sa bus. Kasunod niya ang kanyang mga kaibigan na binigyan ng pansin sandal ang kanilang fans. Nang makapasok na kaming lahat, sumara na ang pinto ng bus

