Mabuti na lang at napigilan ni Koa si Ash na magluto dahil nang makita ko kung anong mga nilabas niya, I knew it wouldn’t be edible. Kaya naman pinaupo ko na lang sila at ako na ang naghanda ng kakainin for lunch. Lumapit sa akin si Diesel at sinabi niya na tutulungan niya ako. I see the way he cut the vegetables at naglabas pa ng ilang spices na hinihingi ko. I can say that he knows how to cook, hindi niya lang ginagawa and I am wondering why. Isang simpleng lunch lang ang aking hinanda. Some pasta salad and ham and cheese sandwiches. Tinawag ko na ang dalawa na nanonood sa maliit na living room, at umupo na sila sa harapan ng mesa. Nagulat ako nang bigla akong hinila ni Diesel at napaupo ako sa kanyang lap. Napansin ko ang pagtalim ng tingin sa amin ni Koa pati na rin si Ash. Napangiti

