Chapter 2

1015 Words
Chapter 2 Red’s POV Nandito ako sa tabi ng kalsada, tahimik na nakaparada sa loob ng sasakyan. Kailangan kong mag-isip. Kanina lang ay sinabi sa amin ni Dad na may kapatid kaming babae—at itinago niya ito nang matagal sa aming magkapatid. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Habang nakatitig sa kawalan, napansin ko ang isang babaeng nagtutulak ng kariton. May paninda siya. Malaya ko siyang pinanood mula sa loob ng kotse. Maganda siya, pero ang pananamit niya... hindi ko mawari kung vintage ba iyon o galing lang talaga sa probinsya. Ako nga pala si Red Paris, 27 years old. May kambal akong lalaki—si Blue. Isa akong kilalang negosyante, may reputasyon na palaban at magaling sa babae. Lalaki ako, natural lang. Pero laging ligtas. I always use protection—hindi ako kasing tanga ng iba. Mula pa kanina'y pinagmamasdan ko ang babae. Maingat siyang nagtutulak ng kariton, puno ng paninda. Napansin ko nang lumingon siya sa direksyon ng sasakyan ko. Tumingin-tingin siya sa paligid, saka tumigil malapit sa kotse ko. Napataas ang kilay ko. Ano kaya ang ginagawa niya? Maya-maya’y hinawakan niya ang dibdib niya, parang sinusukat. Napaupo ako nang maayos, hindi na halos kumurap habang pinapanood siya. Sumilip siya sa laylayan ng suot niyang damit, tila may tinitingnan. Ako rin—gusto ko sanang makita. Pero hindi ko naituloy, napatingin siya sa paligid at tumikhim. Ngayon naman, leeg niya ang kinapa. Inangat niya ng bahagya ang kanyang damit. Kitang-kita ko ang makinis niyang balat. Nang ngumiti siya, doon ko siya mas naaninag. Ang mga mata niya—kakaiba. Parang kulay-kahoy, pero may kinang. Mapupulang labi, matangos na ilong, mahahabang pilikmata, at ang hugis ng mukha niya ay perpektong hugis puso. Hindi lang siya maganda—napakaganda niya. Maya-maya, inayos niya ang sarili at umalis. Saka ko lang naisipang paandarin ang kotse. Sinundan ko siya pero lumiko siya sa kabilang kalsada, kaya hindi ko na siya inabutan. Minabuti ko na lang na dumiretso sa mall na pagmamay-ari ko. Pagdating ko roon, dumiretso ako sa opisina. Habang pumipirma ng mga dokumento, hindi mawala sa isip ko ang mukha ng babae. Hindi ko namalayan—naguguhit ko na pala siya sa papel. Napailing ako. “First time ko yatang gumuhit ng mukha ng tao... at babae pa,” mahina kong bulong. Napahilamos ako. Tumayo, naglakad. Pilit binubura sa isip ang imahe niya. “Hindi puwedeng babae lang na mukhang manang ang gumulo sa isip ko,” bulong ko sa sarili. Naalala ko ang paborito kong lugar—ang Lugawan ni Aming. Tamang-tama, nagugutom na rin ako. Kaya’t sumakay na ako ng sasakyan at bumiyahe papunta roon. Habang nagmamaneho, panay buntong-hininga ako. Pagdating ko ng lugawan—4:30 na ng hapon—ipinark ko agad ang sasakyan. Tinawagan ko ang mga batang kilala ko roon para bantayan ang kotse. Pagpasok ko sa lugawan, agad nila akong inasikaso. Kilala na nila ako, kaya hindi na nila kailangang tanungin kung ano ang order ko. Ilang minuto lang, nasa mesa ko na ang mainit na lugaw. Kumain ako, at gaya ng dati—ang sarap pa rin. Pagkatapos kumain, nakipagkwentuhan pa ako sa mga kakilala roon. Pero agad din silang umalis nang dumating ang iba pa nilang customer. Naiwan akong mag-isa. Napatingin na lang ako sa labas, sa mga dumaraang tao. Pagtingin ko sa relo—6:10 na ng gabi. Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. Ngunit bago pa ako tuluyang makalabas, nabangga ko ang isang babae. Napaupo siya sa semento. Malakas ang pagkakabangga. “Ay, sorry!” agad kong sabi. Pero hindi siya sumagot. Hinawakan niya ang balakang niya, tila iniinda ang sakit. May kasama siyang babae na agad siyang tinanong, pero umiling lang siya. “Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?” tanong ko. Tumango lang siya. Agad ko siyang binuhat—isang princess carry. Ngunit laking gulat ko nang tumambad sa akin ang mukha niya. Siya ‘yon. Ang babaeng nakita ko kanina. Ang babaeng ginuhit ko. Ang babaeng bumabagabag sa isip ko. Kung hindi pa siya umungol sa sakit, hindi ko sana mapagtatanto na siya iyon. Dinala ko siya sa pinakamalapit na ospital. Doon ko nalaman ang buong pangalan niya. Zaina Zamora. Kay gandang pangalan. Kasing ganda niya. Binulungan ko ang sarili habang nakatitig sa kanya. Hanggang sa napagdesisyunan kong sagutin lahat ng gastos sa ospital. Kasalanan ko rin naman. Hindi ko alam ang aking nararamdaman dahil bigla na lang bumilis ang t***k ng aking puso. Para bang may kung anong kumalabit sa loob ng dibdib ko nang marinig ko ang pangalan niya—Zaira Zamora. Kay ganda, at tila bagay sa kanya ang bawat letra. Hindi lang siya maganda sa paningin—may kakaibang dating, isang uri ng ganda na hindi ko kayang ipaliwanag. Habang pinagmamasdan ko siya habang tulog pa rin sa hospital bed, napaisip ako: Anong meron sa babaeng 'to at parang gusto ko siyang protektahan? Ako si Red Paris—hindi basta-bastang naaapektuhan sa babae. Pero ngayon, para akong binagsakan ng hindi ko maintindihang damdamin. Tumayo ako at lumapit sa bintana. Tanaw ko mula rito ang mga ilaw sa labas, ang abalang lungsod. Pero sa dami ng nangyayari sa paligid, ang mukha lang ni Zaina ang paulit-ulit na lumilitaw sa isipan ko. Ang simpleng babae na naglalako sa kalsada, ang babaeng parang hindi apektado ng mundo—at ngayon, siya ang bumabagabag sa puso ko. Bakit siya? Bakit ngayon? At... anong ibig sabihin ng nararamdaman kong 'to? In love na ba ako sa kanya? Kung ganun… handa na ba akong magmahal? Bigla akong napatingin sa kanya muli. Tahimik pa rin siyang nakahiga. Mahinhing humihinga, parang isang batang walang kamalay-malay sa mundong ginagalawan ko—isang mundong puno ng kasinungalingan, laro, at babae. Ngunit sa kanya… bakit parang gusto kong tumigil? Napailing ako at napasabunot sa sariling buhok. "Shet ka, Red. Kung anu-ano na ang iniisip mo. Umayos ka." Yan ang sigaw ng utak ko. Pero ang puso ko, hindi na yata sumusunod. Sanay akong kontrolado ang lahat—negosyo, babae, oras, kahit emosyon. Pero ngayong gabi, para akong batang litong-lito sa simpleng tanong: “Bakit siya?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD