Chapter 11 Pagkatapos ng parada, agad kaming nagpaalam na uuwi na. Nagpasalamat kami ni Kalle sa mga magulang ng boyfriend niya sa mainit na pagtanggap nila sa amin. Ang kaso lang, sumabay rin sa amin pauwi ang boyfriend niya. Habang nasa sasakyan kami, hindi matahimik ang dalawang ‘yon sa kakalambingan. Panay ang harutan nila sa likod kaya napasimangot ako at napabulong sa sarili. “Tsk! Kailangan ko na talagang magkaanak bago pa ako maunahan ng dalawang ‘to,” mahina kong sabi habang pinapanood sila. "Ehem… maawa naman kayo sa isang tulad kong single. At kung maghahulugan kayo ng loob, huwag sa gitna ng daan. Okey lang sana kung kayong dalawa lang eh, kaso ginawa niyo pa akong audience! Tsk!” sabay irap ko sa kanila. Tumawa lang si Kalle habang nakatingin sa akin. Napasimangot ako lal

