Chapter 10 Hindi nagtagal ay may nabasa akong "Welcome to Santa Ana." Yan ang nakasulat sa arko ng bayan na pinuntahan namin. Habang binabaybay namin ang kalsada, kita ko kung gaano ka-busy ang mga tao. May mga naglalagay ng palamuti, may mga nagkakatay ng baboy, baka, at kung anu-ano pang ihahanda para sa fiesta. "Hay, sa wakas at nakarating na rin tayo!" sabik na sabi ni Kalle. Napalingon ako sa kanan, at nakita ko ang isang magandang bahay. Agad kong tinanong si Kalle. "Kanino yang bahay, Kalle?" "Ah, yan? Sa tita ko yan. Diyan tayo makikituloy. Doon na rin kita aayusan mamaya." "Ah gano'n ba? Akala ko bahay niyo yan," sagot ko, sabay taas ng kilay dahil parang may itinatago siya. Napatawa lang siya. "At bakit ka natatawa, babae?" iritadong tanong ko. "Actually... bahay 'yan ng

