Chapter 9 Zaina POV Habang nakaupo ako sa maliit naming sala, hawak-hawak ko ang luma kong cellphone. Second-hand lang ito, pero ayos na rin. Hindi ko naman kailangan ng mamahaling phone. Kahit high school lang ang natapos ko, marami akong alam. Malaki kasi ang naituro sa akin ni Tita—matalino si Tita, kaso hindi niya magamit ang katalinuhan niya dahil sa kalagayan namin. Pero lingid sa kaalaman nila ay nakatapos ako ng college na hindi nila alam. Habang nag-i-scroll ako sa f*******: gamit ang free data, bigla kong naisip: "Kailangan ko na talagang mabuntis bago pa ako mag-26." December 2 na pala ngayon. Ilang araw na lang, birthday ko na. Pero paano? Saan ako magsisimula? Nag-isip ako. "Teka, mag-search kaya ako? Baka may paraan." Pero naalala kong wala akong load. Free data lang

