Chapter 8 Hindi nagtagal ay narating ko na ang harapan ng aking kumpanya. Agad akong lumabas ng sasakyan, dala-dala ang mga binili kong bibingka, suman, at palamig. Pagkababa ko, nilapitan agad ako ng isa sa mga tauhan ko. Inabot ko sa kanya ang susi ng aking sasakyan at sinabihang iparada ito sa parking area. Habang papasok ako, ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin. Marami ang nagtaka sa dala kong eco bag — bihira kasi akong makita ng mga empleyado ko na may dalang pagkain na parang galing sa palengke. Lumapit ako sa isang table at doon ko inilapag ang mga dala ko. Ilang minuto lang ay dumating na ang tauhan kong pinagparada ko ng sasakyan. Sinabihan ko siya na siya na ang bahala kung kanino niya ipapamahagi ang suman at bibingka. Paakyat na sana ako sa opisina nang bigla kong m

