Chapter 5
Nang naibinigay nila sa akin ang aking napanalunan ay agad akong umalis dahil kakaiba ang aking nararamdaman. Pero hindi ko pinahalata saga tao masa laligid.
"Kailangan kong makaalis agad," bulong ko sa akin sarili. Pilit pinatatag ang aking sarili naglakad na parang normal lamang.
Habang naglalakad ako ay hindi nakaligtas sa aking paningin ang tatlong lalake na parang pinag-aralan ang bawat kilos at galaw ko.
"Shet, para may masamang manyayari sa akin ngayon kapang hindi ako umalis agad."
Baka kasi kung magtagal pa ako ay hindi ko na makita sina Tita at Tito saka nanghihina na talaga ako. Mula pa kanina, simula nang tamaan ako ng kutsilyo sa balikat, pakiramdam ko ay unti-unti akong nanghihina. Parang may mali doon.
Hanggang palapi na kami sa may exit ay agad akong piniringan ulit ang aking mga mata at isinakay ako sa sasakyan na siyang maghahatid sa akin sa plaza.
Hindi nagtagal ang aming biyahe, agad dumating sa plaza kung saan kami kinuha.
Paghinto namin ay agad na tinanggal ang piring sa aking mata saka ako bumaba sa sasakyan. Wala na akong lakas, sobra na akong nanghihina, kaya agad akong sumakay ng padyak na sasakyan.
Buti na lang at naisipan kong mag mask para hindi mapansin ng mga taong na mumutla na ako.
"s**t, hindi ako pwede mamatay na ganito lang. Paano na ang misyon ko, at ang ka gustuhan magkaroon ng anak," bulong sa aking isipan.
Pinagpapawisan ako ng malamig, kaya hindi ko na kinaya pang maglakad dahilan upang sumakay na lamang ako ng padyak.
Makalipas ang ilang minuto, nakarating ako sa bahay at medyo nanglalabo na Ang aking paningin. Pagbaba ko ay agad ako nagbayad. Madilim ang paligid, at para bang lalo pang dumilim sa paningin ko. Agad kong tinawag si Tita upang pagbuksan ako ng pinto.
"Titaaaa! Pakibukas po ng pinto!"
Habang tinatawag ko ang aking tiyahin ay malakas kong hinampas ang pintuan upang marinig sa may loob.
Ilang minuto pa ang lumipas bago bumukas ang pinto. Bumagsak ako sa sahig, buti na lamang at agad akong nasalo ni Tita.
"Anong nangyari sa’yo?!" tanong ni Tita, halatang nag-aalala.
"Hindi ko po alam, Tita… Bigla na lang akong nanghina. Kanina pa po ako pinagpapawisan nang malamig at nilalamig na rin," mahina kong tugon.
"Kailan pa nagsimula?" tanong niya habang inaakay ako papasok loob ng bahay at dahan-dahan ako pina upo sa sofa.
"Anong klasing naka sugat sayo?" dagdag niyang tanong sa akin saka ako sinuri.
"Mula po noong tinamaan ako ng kutsilyo sa balikat… may kakaiba po akong nararamdaman," agarang sagot ko. "Tita, nilalamig ako."
"Mga ilang oras na ba simula nang masugatan ka, Zaina?" tanong ni Tito na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala.
"Mga lima pong oras, Tito…"ahina kong sagot.
"Yung singsing… tinanggal mo ba?" tanong ni Tita.
"Hindi po, Tita. Pero umiinit po siya sa daliri ko. Para bang may hinihigop sa katawan ko na hindi ko maipaliwanag," wika ko habang dahan-dahan pinikit ang aking mata.
"Hay, buti na lang… Tasyo, painumin mo na si Zaina ng gamot. Wag ka munang pipikit, Zaina, dahil may tanggalin tayo mula sa sugat."
"Bakit po, Tita? Para saan ang gamot? Ano pong nasa loob ng sugat? At bakit po umiinit ang singsing sa kamay ko?" sunod- sunod kung tanong dito.
"Dahil espesyal ang singsing na ’yan. Ipinagawa ’yan ng ina mo para sa proteksyon mo."
Hindi na ako nakapagtanong pa dahil pinainom na nila ako ng gamot at nilinis ang aking sugat. Nang pinunit ni Tita ang suot kong damit, tumambad ang sugat ko. Maliit lang ito, pero nangingitim ang palibot talagang kakaiba ito sa aking sarili paningin. Maraming tanong ang pumasok sa isipan ko pero hindi muna ito tamang oras para magtanong.
"Susugatan ko ito ulit. Tiisin mo ang sakit," sabi ni Tita.
Tumango lang ako. Nang sugatan niya ito, napa-hiyaw ako sa sobrang sakit. Pero natigilan ako nang makita kong umilaw ang gitna ng singsing ma suot ko.
"Ang singsing na suot mo ay may taglay na gamot para sa sakit na nararamdaman mo. Tulad ngayon, sumakit ito at napa-hiyaw ka sa sakit kaya—na-activate ang singsing. Kung napapansin mo, unti-unti nang nawawala ang sakit," sabi niya sa akin.
Totoo nga. Unti-unting nawala ang sakit sa katawan ko. Nang simulan ni Tita na pisilin ang sugat, napanganga ako. May lumabas na itim na likido mula rito.
"Itong bagay na ito ang nagpapahina sa katawan mo. Kung wala ang singsing na ’yan, baka sa laban pa lang kanina, bumagsak o namatay ka na," sabi ni Tita sa akin.
Napasinghap ako sa mga nalaman ko, hindi ko lubos maisip na nasa kabilang kamatayan na pala ang isa kung paa. Kung sa bagay, sa uri ng aking trabaho ay nasa bingit nga ang aking buhay.
Mainan kong pinag-aralan Ang bawat kilos ni Tita ganun din si Tito. " Sino ba kayo, Tita, Tito? Tulad ba din kayo sa akin na may tinatagong lihim?" tanong ko sa aking isipan.
Maraming tumakbo sa akin isip. Pero pinili kung manahimik, may takbang oras para malaman at kusang sabihin nila sa akin.
Matapos gamutin ni Tita ang sugat ko, nilinis niya ito nang maayos. Nagpaalam akong aakyat na dahil inaantok na ako, nais kung bumawi sa aking katawan up upang mabilis gumaling ang sugat ko.
Bukas ay maglalako ulit ako ng kakanin, pagka gabi ay may pasok ako bilang call center na ako lamang ang nakakaalam, walang ibang tauhan kundi ako lang at ako lang din ang may-ari.
Pero hindi ito karaniwang call center dahil nasa condo ko ito at doon ko isinagawa ang aking misyon.
Bukas ibibigay ko ang aking napalanunan ko sa nangangailangan at para sa kinabukasan ng mga kabataan at lalo na sa isang dalagitang kilala ko.
Kinabukasan, maaga akong nagising. Kailangan kong ihanda ang mga kagamitan ko para makapagluto ng bibingka at suman. Kailangang marami ang maluto ko para sa paglalako mamaya.
Maayos naman ang kilos ko— wala na ang sakit sa katawan at balikat. Nang pumunta ako sa CR para maligo, wala na ring pamamaga. Medyo humilom na ang sugat.
Pagsapit ng alas-onse medya, natapos na rin akong magluto. Ready na ang lahat para sa pagbebenta mamayang hapon.