Chapter 4
Hindi pa man nagtatagal ay nagsimula na ang palaro. Ngunit nagtaka ako nang may lumabas na isa pang grupo—nakaayos din silang parang kami, pero halata mong ibang-iba ang kanilang presensya. Napatingin ako sa kanila, at napangisi na lang nang makita ko ang kanilang mga katawan.
Sigurado akong hindi sila ordinaryong tao. Base sa tindig at awra nila, malakas—mapanganib. Lima lang sila, pero parang lima ring hukbo.
“Good evening, Arena!”
Sigaw ng emcee. Hinanap ko kung saan siya naroon pero hindi ko makita. Mas malakas ang palakpakan sa loob ng arena kaysa sa boses niya.
“Ngayong gabi ay may masayang bakbakan tayong magaganap! Simple lang ang rules—matirang matibay. Ang mananalo ay makakatanggap ng isang milyong piso! Kaya galingan n'yo para makuha ang premyo. Pero teka—hindi pa 'yan ang lahat.
Makakalaban ninyo ang limang kalalakihang nakikita n'yo sa kabilang gilid. Oo, silang lima ang final round! Kaya... be ready, all challengers!”
Nang marinig ko ang premyo, napanganga ako. Isang milyon? Kung manalo ako, hindi ko na kailangang mag-alala sa pagpapalaki sa magiging anak ko balang araw. Napangiti ako, pero agad din akong napatigil nang muling tumingin sa limang kalalakihan.
Parang mga robot—hindi gumagalaw, hindi nagkikibit-balikat. Nakakakilabot.
“Kaya ano pang hinihintay natin? Umpisahan na ang palaro!”
“Unang maglalaban: hawak ng #1. Pumunta na sa gitna.”
Dalawang lalake ang umakyat at pumuwesto. Nang marinig ko ang hudyat na “Fight!”, mabilis silang naglaban. Makalipas ang ilang minuto, sumuko ang isa at diniklarang panalo ang isa pa.
“Number 27, kayo na ang susunod.”
Agad kong kinondisyon ang katawan ko. Umakyat ako sa itaas at namukhaan ko agad ang kalaban ko—siya 'yung lalakeng nakausap ko sa plaza. Mukhang sanay sa laban, base sa kilos at pangangatawan niya.
Nagbulungan ang mga tao: may babae raw na kalahok ngayon. Ako pala 'yon. Kaya pala parang big deal ito sa lahat.
Pero wala na akong oras para mag-alala.
“Fight!”
Sumugod siya agad, sunod-sunod na suntok at sipa ang pinakawalan. Sinangga ko ang mga ito at nakita ko ang pagkakataon—bukas ang bandang tiyan niya. Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko at napa-daing siya, napaluhod sa harap ko.
“Sumuko ka na, para hindi ka na masaktan pa.”
At sumuko nga siya.
Pero hindi pa tapos ang laban.
Lumingon ako sa limang lalake sa kabila—malamig pa rin ang mga mata, walang emosyon. Biglang nagsalita ang emcee, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita.
“First time nating may babaeng nakapasok sa palaro. Pero kakayanin kaya niya ang ating mga mandirigma? Excited naba kayong lahat? Kung, Oo. Ano pa ba ang hinintay natin umpisahan na agad," naghiyawan ang nanonood na parang sabik sila sa madugong palaro. "Makinig, challenger, dahil hi'to ang bagong rules para sa final round!”
Rules:
1. Panalo lang kung susuko ang kalaban
2. Puwedeng gumamit ng kahit anong weapon
3. Patay o buhay
4. 1 vs. 5
5. Matira ang matibay
"Patay o buhay?" usal ko sa aking sarili.
Napa-nganga ako. "Isa lang akong babae—sila, puro lalaki. At lima pa sila. Hindi patas."
Gusto ko mag isa tinig Ang nasa isipan ko. Pero agad nagsalita ang emcee na hindi ko alam kung saan ito nagsasalita.
“Pumunta na kayo sa gitna.”
May nakahilerang mga weapon. Isa-isa silang pumili at may kadena, kutsilyo, katana. Napangiwi ako. Dito na ba matatapos ang buhay ko? Virgin pa ako! Hindi puwede dahil gusto ko pa maranasan ang maging mommy!
Kinuha ko ang katana dahil ito ang paborito kong weapon sa lahat.
“Fight!” malakas na sigaw ng nito.
Agad namang pinalibutan ako nang limang kalalakihan, may mga ngiting nakakatakot sa kanilang mga mukha. Base sa obserbasyon ko hindi sila karaniwang tao lamang. Alam ko na may ginagamit sila para maging ganito ang kanilang awra. Pero hindi ako puwedeng lamunin ng takot. Kailangan kong manalo dahil kung hindi baka dito matatapos ang buhay ko.
"f**k, wag naman sana. Hindi pa ako nakatikim ng buhay ma hotdog. Sabi nila sarap daw ang mga yun," usal ko sa aking isipan. "Ayaw ko ma tsugi ng virgin, baka maging white lady pa ang labas ko pagkaganun."
Napangiwi ako sa aking isipan habang tinitingnan ang limang lalake na parang isang Leon na handang lumapa ng mabibiktima.
Hindi magtagal ay biglang sumugod ang isa na may hawak na kadena, pinaikot ito saka inihagis patungo sa aking kinatatayuan.
Agad akong umiwas, inangat ko ang katana at walang sinayang na oras. Kailangan kung mag-ingat sa bawat galaw ko na may kasamang bilis. Tumalon ako sa likod niya at pinatamaan ko ang batok nito gamit ang hawakan ng espada dahilan upangawalan ito ng malay. Palakpakan ang mga manonood ang iba ay bakas sa kanilang boses ang saya at sabik.
Agad akong naging alerto nang makita ko ang dalawa naman at sabay na sumugod sa akin, may kutsilyo ang bawat isa. Sinangga ko ang bawat atake nila, pero nahagip pa rin ako at napunit ang suot ko kung damit at dumugo ang braso ko.
"Ay puta, lagot ako kay Tita at Tito nito."
Dahil sa inis at pagkabahala na baka pagalitan ako ng tiyuhin at tiyahin ko ay agad kong sinipa ko ang isa sa maselang bahagi dahilan upang mapaluhod ito sa sakit, wala akong inaksaya pang oras agad akong pumunta sa likod para pisilin ang batok nito.
Isa na namang knockout. 'Yung isa pa, sinipa ko ang kamay para mabitawan ang kutsilyo, tapos ginamit ko ang katana para harangin ang atake niya.
Nagpalitan kami ng mga suntok at akmang saksakin niya ako pero agad kong itong binigyan ng malakas na suntok sa panga. Ang isa pa ang sumugod sa likoran ko, wala na akong choice. Tinamaan ko siya ng katana, saka pinisil ang leeg. Isa-isa, pinatulog ko sila.
At ako ang diniklarang panalo.
Pagod na pagod ako, pero hindi ko pinakitang nanghihina na ako. Ayokong makita nila ang kahinaan ko.
Hindi ko rin alam kung bakit.