bc

My Wild Daredevil Boss (Super SPG/Dark Romance)

book_age18+
218
FOLLOW
1.0K
READ
billionaire
dark
one-night stand
HE
age gap
opposites attract
playboy
badboy
bxg
office/work place
wild
like
intro-logo
Blurb

Si Chistian Ty ay kilala bilang sobrang guwapong bilyonaryo na mabait, masayahin, malambing at maunawain kahit na isa siyang istriktong boss. A perfect example of a perfect guy or boyfriend material. But what if behind these glamorous characteristics is a dark secret that only his so-called game buddies are aware of? At paano niya mapapasunod ang napakaganda niyang sekretarya sa lahat ng nais niya? Let's all explore a story that can take us to the world of wild and dark romance...

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Zairah’s POV “Bakit ba lagi mo na lang akong inaartehan, ha? Ano ba’ng ipinagmamalaki mo?” taas ang kilay nitong tanong. Napalunok ako at bumaha ang kaba sa dibdib ko. “S-Sir, hindi ko po kasi maintindihan ang ibig ni’yong sabihin. Ano pa po ba iyong files na kailangan kong ayusin by chronological order?” kinakabahang tanong ko. Ngunit mas kinakabahan ako sa uri ng pagtitig niya sa akin. Mahigit isang buwan pa lamang akong nagtatrabaho rito sa Techno C bilang executive secretary ng isa sa pinakamayamang bilyonaryo sa bansa – si Christian Madrigal Ty. Isa siya sa panganay na anak ni Charles Ty na nagmamay-ari ng Asia World Banking Corporation at marami pang ibang malalaking negosyo sa loob at labas ng bansa. Kakambal din niya si Charlie Ty na isa ring business tycoon at tinitingala sa larangan ng komersyo at pagtataglay ng malawak na impluwensya sa maraming aspeto ng buhay. “Really? Don’t you really understand what I want, or you are just trying to be hard to get? I know every type of women in this world, so don’t play around and act so innocent in front of me…” sambit niya. Lalong kumunot ang noo ko at nagtaka sa ibig niyang ipahiwatig. Ano ba talagang trip niya? Ganito ba talaga itong mga mayayaman? Mahilig magpa-puzzle? “Sorry, Sir, hindi ko po talaga na-gets,” alanganing tugon ko. Siya naman ngayon ang nagsalubong ang kilay at tumitig sa akin. Iyong klase ng titig na tatagos hanggang sa kaluluwa ko at nagpapanginig ng mga tuhod ko ngayon. "I really think you've got a lot of potentials," biglang sabi niya at tumayo sa kinauupuan. Lumapit siya sa akin – malapit na malapit na isang pulgada na lang yata ang layo namin sa isa’t isa. Binalak kong umatras pero bigla niyang hinapit ang baywang ko, kaya ngayon ay talagang magkadikit na ang mga katawan namin. “S-Sir, a-ano pong ginagawa ni’yo?” lalong nahihintakutang tanong ko. Ilang beses akong lumunok dahil sa higpit ng pagkakapulupot ng kamay niya sa baywang ko. "Have dinner with me. It could be a great opportunity for us to explore how far you can go in this company," bulong niya at mas inilapit pa ang mukha niya sa akin. Halos maduling na ako sa pagsalubong sa mga mata niya. “Sir, bitawan ni’yo po ako, please…” kabadong pakiusap ko. Maging ang mga kamay ko ay labis na nanlalamig. Ramdam ko ring pinagpapawisan na ang noo ko kahit napakalamig ng opisinang ito. Sobrang lapit namin sa isa’t isa at nalalanghap ko na ang mabango niyang hininga at ang tila nakaliliyong samyo ng katawan niya. He smelled so masculinely sweet and… basta, hindi ko maipaliwanag. “Paano kung ayaw ko? Do you have any idea how pretty you are, Zairah?” sabi niya at unti-unting bumababa ang mukha niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Agad kong iniiwas ang mukha ko kaya sa pisngi ko lumapat ang mga labi niya. “Walang babaeng puwedeng mag-inarte sa akin!” galit niyang saad saka ako isinandal sa pader at inipit niya ako roon sa pamamagitang ng katawan niya. He is very tall and a large built. Walang-wala ang height kong 5”2 at manipis kong katawan sa laki niya. “S-Sir, huwag!” ngunit wala na akong nagawa nang marahas niyang paglapatin ang mga labi namin. Pilit akong kumakawala sa kaniya ngunit sadyang napakalakas niya. Ang dalawang kamay niya ay nasa magkabilang gilid ng ulo ko na tila ipinako na niya sa puwesto nito. “Damn! Ang sarap mong halikan. Dapat talaga noon ko pa ito ginawa!” tila gigil na gigil na saad niya saka muling marubdob akong hinalikan. Umagos na ang masaganang luha ko dahil sa matinding takot na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko pa nararanasang mahalikan o mahawakan ng isang lalaki nang ganito kalapit. Hindi ko rin akalaing ang unang halik ko ay magiging ganito karahas at kahindik-hindik. “Tama na, please,” umiiyak ko nang pakiusap. Bigla naman siyang natigilan at tila napatda nang makitang luhaan na ako at humihikbi. Ngunit ang totoo ay nanginginig na talaga ang buong katawan ko sa takot. In a moment that should have remained purely professional, boundaries were crossed that left me feeling vulnerable and violated. Hindi ko akalaing sa pagtanggi ko sa nais niya ay ganito ang mangyayari. I could sense a change in his demeanor, an imposition of personal space that set off alarms in my head. Feeling a mix of shock, anger, and violation, it's crucial to recognize that none of these emotions diminish my strength or the validity of my feelings. In this moment, prioritizing my safety and well-being is paramount. Akala ko ay mabait siya. Akala ko iba siya kahit anak mayaman siya at napakamaimpluwensya. Ngunit gaya rin pala si Christian ng iba na mapagsamantala. Nanumbalik sa akin ang lahat. Ang bangungot ng aking kabataan. Ang isang pangyayari na buong akala ko ay hindi ko na matatakasan kailanman! *** Hello guys ito naman iyong panglima sa Desired Love Series (Billionaire Series Second Generation). Kuwento ito ni Christian na kakambal ni Charlie. Dark Romance din ito at medyo maraming explicit content. Kaya kung medyo sensitive po kayo ay hindi po puwede ito sa inyo dahil nga medyo mabibigat ang mga scenes. Maraming salamat po lagi sa pag-support sa aking mga Akda. Sa ngayon ay lima pa lang ang naka-publish sa series na ito. Nasa baba po ang list...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.6K
bc

His Obsession

read
72.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook