Pero ang totoo ay pinipilit ko lang talagang maging okay. Alam ko namang wala akong karapatang makaramdam ng ganito. Pero ang tanga ko lang talaga sa part na hinayaan ko ang sarili kong may maramdaman para kay Christian. Alam ko namang parausan niya lang ako. Kahit pakiramdam ko minsan ay mabait siya sa akin, at masaya naman siya kapag kasama niya ako. Pero walang ibig sabihin ang lahat ng iyon. Huminga ako nang malalim at tumingala, para pigilan ang napipintong pagsungaw ng mga luha ko. I stood there, still clutching the doorknob, my back turned to Christian. I could feel his eyes on me, intense and probing, like he was trying to figure out what was wrong. But what was the point? Alam naman niyang siya ang dahilan ng lahat ng ito. “Zairah,” mamaya ay tawag niya sa akin. Malumanay ang

