Ang unang gagawin daw namin ay dadalo sa Buenos Aires Fashion show. Hindi ko pa rin alam kung ano ang dahilan, pero nang may nakausap siya kanina, narinig ko na pag-aari pala ni Christian ang isa sa mga brands ng pabango. Tapos narinig ko rin iyong something about sa mga alahas na si Christian din daw ang may-ari. “Ano ito?” gulat kong tanong nang ibaba ng mga hindi ko kilalang tao ang ilang damit sa harapan ko. “Choose one, and that’s what you’re going to wear later,” balewalang sagot ni Christian. Nakatutok kasi ang mga mata niya sa cellphone niya. Parang may ka-chat yata. Sinilip ko ang tag ng isa sa mga gowns at nanlaki ang mga mata ko. 8,000 dollars iyong isa. Nag-mental calculate ako at humigit kumulang 455,000.00 ang isa. At mukhang mas mahal pa iyong ibang naririto. “Christian!

