Chapter 1: Unang Pagkikita: Ang notebook
"Wag na wag mong gagawin yan, Ylona. Bibigwasan kita na wala sa oras kapag binasa mo yang notebook ko. Ibigay mo sa akin 'yan. Pasahan na namin mamaya. Hindi ko na kayang ulitin 'yan", pagbabantang munkahi ko kay Ylona.
"Ayoko nga. At wag na wag mo kong utos-utusan, freak", pabalang na wika ni Ylona at itinulak ako pagkatapos kung kaya't nawalan ako ng balanse.
Ang alam ko na walang pader sa likuran ko at paniguradong walang kamay ang pader pero bakit may matigas akong sinasandalan na tila ba'y yakap yakap ako.
Imunulat ko ang mata ko at nakita ko si Ylona na tulala na para bang nakakita ng multo kung saan nang bigla na lang siyang sumigaw ng....
"AIDAN? AIDANNNNNNN!!!!!"
Huh?, Si Aidan?, Nandito si Aidan?, Asan siya?, Asan si Aidan?, Napatingin ako sa likod ko. Si Aidan, siya ang nasa likod ko. Sinalo ako ni Aidan. Hawak hawak ako ngayon ni Aidan. Inayos ko ang tayo ko at hinarap ko si Aidan.
"Aidan, thank you ha", nahihiya kong sabi ko sa kanya.
"Ok ka lang ba? May masakit ba sa'yo?, pag-aalalang tanong niya sa'kin.
Panginoon, sobrang lakas ko naman po sa inyo. Alam ko pong nag-aalala kayo sa akin kaya ipinadala niyo si Aidan para saluhin ako. Salamat po. Amen.
Nanaginip ata ako pero nagsalita ulit si Aidan at ang sabi niya'y, "Miss, ok ka lang ba? Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?"
"A-amen, este oo, ay mali, hindi pala. Ano kasi, A-aidan ok lang ako. Tsaka wala namang nangyare saken. Kukunin ko lang kasi sana kay Ylona yung ano yung alam mo na yung notebook ko", nauutal kong sagot kay Aidan.
Dahil sa sagot ko, napatingin siya sa gawi ni Ylona na ngayon ay tulala dahil sa pagkagulat.
Nilapitan niya si Ylona at sabay sabing, "Ylona, hindi sa'yo iyang hawak mong notebook, tama ba?"
Napalunok si Ylona nang wala sa oras dahil sa tanong ni Aidan sa kaniya.
"Alam mo kasi Aidan, hinihiram ko lang yung notebook niya. Ang damot kasi kaya ayun kinuha ko na lang sa kaniya. Madamot kasi siya", sagot ni Ylona kay Aidan saka niya inabot ang notebook sa kaniya.
Aba! Ang kapal din ng mukha ng babaeng 'to. Ginawa pa akong madamot. Mabuti nalang nandiyan si Aidan, dahil kung hindi, malamang at sa malamang isusumbong ko siya sa prinsipal.
Lumapit sa akin si Aidan at inabot ang notebook ko sa akin.
"You better be careful next time, Ok?", sabi niya sa akin.
Tumango na lamang ako bilang tugon kay Aidan.
Ang lamig ng boses niya. Napa-goosebump tulay ako ng wala sa oras. Siguro magaling din kumanta si Aidan.
Ito ang unang beses na kinausap niya ako. At obvious naman na hindi niya ako kilala, tawag ba naman sa'kin "Miss", baka soon to be his "Misis" HAHAHAHA, umagang umaga loka loka na namang itong utak ko.
By the way, I'm Letisha "Malakas kay Lord" S. Oya, 21, college student na ako, nag-aaral ako sa St. Greg. Academy. Graduating student na ako. At yung lalaking mala anghel ang mukha na tumulong sa'kin kanina ay si Aidan Sebastian Romualdez. Ang 3 years ko ng pinapantansya at kani-kanina lang ay nasa bisig niya ako na mistulang "Hi daddy" ang peg naming dalawa lakas maka "I want a big boy" si Kuya mo Aidan.
Itaga niyo sa bato. Before graduation, magiging boyfriend ko si Aidan. First move ko na ito guys. Sign na din ito ng panginoon na para kami sa isa't isa. Si Aidan ang night and shining armor ko. Ngayon, notebook ang ibinigay niya sa akin. Sa susunod, bulaklak at tsokolate na. Umagang umaga nananaginip na naman ako. Pwede na nga ding ikumpara sa mga addict kung mag hallucinates, pero libre naman ang mangarap, 'di ka naman makukulong, o mawawala, diba? Kaya kung mangangarap ka, siyempre lulubos lubusin ko na. Minsan lang 'to. Tsaka graduating na 'ko, ayoko namang maging "No Boyfriend Since Birth" habangbuhay, nohh. Kung papalarin, si Aidan ang magiging first boyfriend ko, hays super happy na ako kapag natupad. Kailan kaya? siguro tomorrow? next week?, next month? huhuhu can't wait.
"Aray", napahiyaw ako bigla dahil sa kurot sa akin ni Ylona. Ang ambisosyang palaka na wala namang epekto kay Aidan.
"Hoy, masakit yun ha!", wika ko sabay hakbang papalayo ng kaunti kay Ylona.
"Wake up, Freak. Wag kang feeling. Nagkataon lang na nasalo ka ni Aidan. Next time, I'll make sure na sana wala ng sasalo sayo", nagngi-ngitngit na tugon ni Ylona sa akin.
Sus, 'di lang siya yung sinalo ni Aidan. Kung maka-react mo naman si ate mo Ylona galit na galit, gustong manakit. Pero 'di ko siya masisisi kasi pribelehiyo na ang nangyare sa akin kanina.
"Hoy, wag mo 'kong matawag-tawag na freak dahil in the first place smart ang tawag sa'kin hindi freak. At FYI, 'di ko kasalanan kung sinalo ako ni Aidan. Kaya kung ako sa Ylona manahimik ka na lang. Kung inggit, pikit", pang-aasar ko pa sa kanya.
Ako pa talaga ibu-bully ng babaeng 'to, sus iseminar ko pa siya with free scholarship.
"Whatever", sabi ni Ylona na may pairap pang nalalaman.
"Kutsarahin ko pa mata mo diyan e, inggitera", pasigaw kong sagot kay Ylona.
Hanggang salita lang talaga yung babaeng 'yon. Hindi niya naman ako kaya sa pisikalan. Marunong akong mag-upper-cut subukan lang niya, gagawin ko siyang punching bag.
(Biglang nag ring ang school bell)
Halla lagot, late na ako. Dami kong satsat
pasahan pala namin sa Gen. Math ngayon. Patay ako neto. Terror pa naman teacher namin sa subject na 'yon. Bahala na, as long as hindi bababa sa 1.0 ang grades ko, magiging c*m laude naman parin siguro ako. Sana lang. Lakas ko kaya Lord. Ewan ko na kung gaslighting, manifesting, o sadyang coping mechanism ko na itong ugaling puro bahala na si batman. Hays makatakbo na nga, baka sakaling wala pa yung professor namin sa classroom. Nambabagsak pa namang yun sa sobrang istrikto niya. Kahit matalino ka pa o mayaman, hinding hindi ka uubra sa kasungitan ng matandang 'yon. Kapag nagkataon, ito ang una kong offense sa kanya, sana talaga makaabot ako. Babushhhh.