bc

Tha Mafia Kings Princess

book_age16+
17
FOLLOW
1K
READ
BE
second chance
mafia
tragedy
lies
like
intro-logo
Blurb

THE MAFIA KINGS PRINCESS~~~~PAGHIHIGANTI ang habol ni Agustin sa pamilya Carnival at walang kahit na sino ang pweding makakapagpigil sa kaniya sa matagal niya ng binabalak sa pamilya. Malaki ang pagkakasala ng mga ito sa buhay nila— ang naging dahilan kung bakit lahat ng pamilyang mayroon siya ay nawala. Magmula n'on wala na siyang binalak at pinagplanuhan pa kun 'di ang mapabagsak ang mortal na kaaway nila.Hindi lang ensayo sa pag-gamit at paghawak ng armas ang ginawa ni Agustin, kabilang na rin sa paghahanda niya ay kung paano mapalapit at mapaikot sa mga kamay niya ang prinsesa ng pamilya Carnival.

Ang nag-iisang alas niya para magupo sa putikan ang buong pamilya nito.••

chap-preview
Free preview
Agustin - The Mafia Kings Princess - Chapter One
LA PLAZA MARTIREZ, CEBU. "KAMUSTA ang pinapasundan ko sa 'yo?" tanong ni Agustin sa kanang kamay niyang si Emerson. Mula nang maging ulila siya sa kaniyang magulang hanggang siya ang maging punong-abala sa lahat ng mga iniwan ng mga itong proyekto na pinagkatiwala sa kaniya si Emerson na ang naging karamay niya sa lahat. "Maayos naman, Agustin. Huling balita ko r'on ay malapit na ang debut nya. Dalaga na ang nag-iisang prinsesa ng pamilya Carnival." Ngiti ang mabilis na sumilay sa labi ni Agustin. Isa lang ang ibig sabihin n'on, palapit na rin nang palapit maisakatuparan ang lahat ng plano niyang napaghandaan. "Kamusta ang paghahanda?" "Areglado na ang lahat sa pagkakaalam ko! Ang kailangan na lang nating gawin ngayon ay ang magpadala ng mga mata sa loob at labas ng mansyon ng mga Carnival sa nalalapit na araw ng kaarawan ng kanilang prinses." Sumulyap siya sa labas ng bintana kung saan tanaw niya ang malaking mousoleum ng mga magulang niya. "Sa nalalapit ko ring pagkuha ng hustisya ng pagkamatay nila!" may galit sa boses na tugon ni Agustin sa kaibigan. "Umuwi na tayo!" Utos niya rito. Tumalima naman si Emerson nang buhayin nito ang makina ng mamahaling sasakyan na dala nila ngayon ng araw na iyon. Kailangan niyang makabalik sa Isla Legarda d'on mas mapagplaplanuhan at mapag-iisipan nya ang mga dapat gawin para sa nalalapit na kaarawan nang nag-iisang babaeng anak ng mga Carnival; sa pagkakaalam niya dalawang magkapatid lamang ito. Bunso ang matagal niya nang sinusubaybayan na nakilala niyang si Princess Jade at ang panganay nitong kapatid na lalaking si Jude Carnival. Malakas ang kutob niyang si Jude ang ginawang tagapagmana ng mga magulang nitong sakim sa kapangyarihan kaya kasalukuyan itong nasa Espanya ayon sa source niya. At ang natirang anak na nasa tabi ng mag-asawang Carnival ay si Jade. Si Jade ang sasalo nang lahat ng galit na mayroon siya sa mga magulang nito. "Ano ang binabalak mo?" untag sa kaniya ni Emerson. "Hindi magbabago ang plano, Emerson. Walang kahit na sino ang pweding magbago sa orihinal na napaghandaan natin sa tagal ng panahon para sa hustisya na inaasam-asam ko!" tugon niya sa kaibigan. "Hindi ba delikado ang gagawin mo, Agustin? Baka buhay mo naman ang malagay sa panganib pagkatapos nito. Makapangyarihan pa rin ang pamilya Carnival at hindi nagbago iyon. Baka nga mas lalo pa silang lumakas ngayon!" saad sa kaniya ni Emerson. Ngumiti siya ng mapait dito kasabay ang pagbaling ng tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. "Magawa ko lang ang lahat nang ginawa nila sa taong mahal ko sa buhay— hindi na rin ako matatakot pang mawala sa mundong 'to! Makakasama ko na sila!" may lungkot niyang saad dito. Noon pa man— walang siyang ibang karamay kun 'di si Emerson sa lahat ng saya o lungkot na naramdaman niya sa buhay niya mula nang mamuhay siyang mag-isa. "Hindi ko bibiguin si Don Agusto! Ipaghihiganti ko sila!" tukoy niya sa ama niyang nakasanayan nyang tawaging Don Agusto n'on kahit nabubuhay pa ito. "Nandito lang ako palagi sa likod mo, Agustin. Asahan mo iyan." Liningon niya si Emerson at ngumiti siya rito. Kahit naman hindi nito sabihin. ~~~ "HOW'S MY PRINCESS?" bungad na tanong ni Don Miguel sa anak niyang si Princess Jade o mas kilalang Jade sa lahat mapa-pamilya man o kaibigan nito. "Doing great, Dad. I can't wait the day of the very special day of my life. Finally, Daddy! Dalaga na anak niyo," nakangiti niyang tugon sa daddy niya. Lumapit ito sa gawi niya sa harap ng piano niya sa sariling silid. Kanina pa siya abala sa pag-pra-practice tungkol sa magiging perfomance niya sa debut niya. Gusto niyang laruin ng maganda ang piyesa sa araw na iyon, sa gayon maipapamalas niya ang angking talento sa mga dadalo; dahil alam niya kung gaano ka-prominenteng tao ang mga bisita ng mga magulang niya. "I'm happy for you, Hija. Matagal mo nang hinintay 'to at sisiguraduhin kong ikaw ang magiging pinakamasayang babae sa araw na 'yon." Nagtaas lang siya nang tingin sa tatay niya. Sa totoo lang ayaw niya naman sana ng magarbong handaan, sapat na sa kaniya ang simple lang— na sila lang iyong magkakasama. Napilit lang siya ng mga magulang niya lalo na ang mommy niya. "Kinakabahan nga ako, dad. Hindi ko alam kung bakit... pero parang may nagsasabing hindi na lang natin ituloy ang party." "Princess Jade! Ano ba naman iyang iniisip mo?" Inaasahan niya nang reaksyon ng daddy niya. "I mean, dad. Okay lang naman sa akin kung may party e. Pero huwag na lang na ganoon kalaki tulad nang hinahanda niyo ni mommy." "Ipagkatiwala mo na sa amin 'to, Jade. Hindi naman namin hahayaan na hindi maging espesyal ang araw na 'to para sa 'yo. Everything is for you, hija." "Ano pa nga po ba. Nandito na 'to, dad. Kahit naman siguro sa ayaw ko at sa gusto hindi ko na mababago lahat ng ginawa niyong preperasyon ni mommy. And, I'm so thankful, Dad. I appreciate so much." Niyakap siya ng daddy niya. "I'm so proud of you, Jade. You really deserve to be the princess of our family. Wala nang ibang makakapantay sa pagmamahal namin sa 'yo, anak. Nag-iisa ka lang." Natigilan si Jade sa narinig niyang bulong ng daddy niya sa punong tenga niya. Mukhang nakalimutan na yata ng ama ang ilan pang kapatid niyang nangangailangan din ng pagmamahal at atensyon na pinapakita at pinaparamdam nito sa kaniya. Hindi niya rin madalas masisi ang mga ito kapag nakaramdam ng paninibugho sa kaniya. "Maiwan muna kita ha. Ipagpatuloy mo na ang pag-pra-practice mo. I know you can and you're so good but practice makes always perfect, hija." Ngumiti siya rito kasunod nang pagtango nang sunod-sunod. Her dad is perfectionist lahat ng gusto nito ay perpekto. Sa bagay na iyon d'on siya nakakaramdam ng kaba at pag-aalangan kung hanggang kailan niya magagampanan ang maging isang perpektong anak ng mga 'to. Dahil wala siyang ibang gusto kun 'di ang maging normal buong buhay niya— hindi katulad nang taong matagal na nitong kinalimutan at pinagtabuyan. 'I still admire you! I hope your life will be mine!' bulong ni Jade sa hangin habang nakatingin sa bracelet na suot-suot niya— ang tanging ala-alang nagbubuklod sa kanilang dalawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.1K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.8K
bc

EASY MONEY

read
174.6K
bc

Dangerous Spy

read
299.7K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.9K
bc

YOU'RE MINE

read
894.4K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook