Maaga akong pumunta sa coffee shop dahil day-off ko ngayon.5am kami nagbubukas dahil madami ang nagkakape sa ganitong oras.4:45am ay nasa loob na ako at naghanda ng mga menu.Menu?of course bawat araw iba iba ang menu namin para sa kape hehehe..Para hindi magsawa ang mga tao.Saktong nasa loob na din si Sylvia,maaga talaga ito pumapasok at talagang maasahan ang dalawa kong staff.Nang may pumasok sa loob kahit close pa ang nakalagay sa karatula..
"Sir sorry close pa po kami!
"Malapit na man na mag 5am pagbigyan nyo na ako at 100 cups po ang oorderin ko!
Napatingin agad ako sa kanya at nagpikit dilat ng mata..
"Syb?
"O bakit,ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo sa ganito kaaga?
"Hindi naman noh,lakas talaga ng hangin!
"Im serious Ally,100 cups of coffee please for my staff also.
"Staff?
"Yes,ako ngayon ang hahawak ng business ni kuya,ahm for 6 months lang naman kaya six months din kitang kukulitin!
Ngumiti ako,at agad na kumilos para tulungan si Sylvia dahil wala ngayon ang isa.Ma le late nanaman siguro dahil may sideline din itong iba.
"Sigurado ka 100 cups ha..dapat sinabi mo na kagabi para maaga namin ginawa ito.
"Hindi naman siguro abot ng 6am iyan dahil 7 pa naman oras ng trabaho ng nga tauhan ni kuya.
Hmp can i help?
Pumayag nalang ako na tumulong siya kahit taga lagay lang sa plastic.Mabuti at nag offer ito.
Parang wala lang nangyari kagabi na sagutan.Sana ganito nalang palagi,alam kong masakit parin sa akin ang lahat pero narealized ko naman na ginawa nito ang lahat noon para hindi niya masagasaan ang magulang ko.
"Alam mo Ally magandang business ang napili mo.
"Thank you,pero sa totoo lang hindi ito ang pinapangarap kong business.Gusto ko din magkaroon ng mga business na kagaya sainyo.Alam mo kasi noong bata pa ako...
Hindi ko na tinapos dahil ang panagarap na iyon ay sa amin ni mama.Mahilig kasi sa mga cosmetics ang ina ko,dahil sa nagsara din nilang business noon.
"Sorry,bilisan na natin Sylvia baka mag six na.Next time naman Syb pag umorder ka ng ganito kadami hindi ora orada.Alam mo na tuwing day-off ko lang sa trabaho ako nandito!
"e di tuwing day-off mo nalang ako dito.Ok ba?
"Ok lang,basta tumulong ka din..
"Oo naman,basta Aly magkaibigan na tayo ha..
"Bakit hindi pa ba magkaibigan itong pagkekwentuhan natin?
"Oo nga pala,baka kasi mamaya nakipag usap ka lang dahil costumer mo ako sa kape.
"Boss my mga pinagdaanan din naman tayo noh at saka huwag kang mag alala.Mula ngayon magkaibigan na tayo.Pasinsya kana sa mga nagdaang araw at doon sa Pilipinas ha,hindi ko kasi nakita ang pagka maginoo mo..
"Tss...hindi porket boss mo ako noon eh ang sungit mo sa akin..Nagawa mo pa akong dramahan kayo ni Rafael..
"Alam ko kasing...ang alam ko kasi talaga ay ikaw ang...
"Ako ang may kasalanan sa pagkabundol ng magulang mo.Kaya nga pinipilit kita na magsampa ng kaso ipa open natin ang case ng magulang mo,tutulungan kita..
"Sige,i open natin.Dahil gusto ko din ng katotohanan ng justice para sa kanila..
"Don't worry tutulong ako and i will talk to dad about this.Alam kong may alam sya dito.Basta pagkatapos nitong kaso na ito 15 yeas ago,can i scort you?
"Salamat Syb,maraming salamat..You can scort me anytime pag sumali ako sa miss universe!
Nagtawanan nalang kami pati si Sylvia ay nakitawa din...
Natapos na namin ang order niya at tinulungan namin siyang isakay sa sasakyan niya ang mga kape.
Nagpaalam na din ito at babalik daw s'ya mamaya bago kami magclose ng coffee shop.
----------
"Edna baka pwede kay Ally,umutang ka muna ng pangtuition ni S....
"Hon kakatapos ko humingi ng pambayad dito ng bills tapos ngayon uutang ako ng pambayad sa tuition?
"Sa atin naman lumaki si Ally hindi makahindi iyon!Ano magagawa natin wala pa akong trabaho?
"Hindi kaya karma na ito sa atin?Bakit kasi nagkaganito tayo mula ng...
"Ang bunganga mo Edna pwede ba?
"Hon totoo naman ah,mula ng nasagasa...
"Tama na!Diyan kana nga at maghahanap ako ng mautangan!
Walang nagawa si Aling Edna at umiyak nalang ito..
-------
"Miss Ally,ang gwapo naman ng costumer natin..Kilala nyo po siya?
"Dati kong boss sa cosmetics company bago ako pumunta dito sa U.S.
"Ganun ba,talagang nakatadhana kayo..Naku Ms.Ally,kung ako ligawan non wala ng paligoy ligoy,oo agad..
"Ikaw talaga,sige na at dumarami na nag costumer natin.
Sakto namang tumunog ang phone ko at tumatawag si tita Edna...
"Hello tita napatawag ka po?
"pasinsya kana Ally ha,ano kasi...Wa-la paring trabaho ang tito mo..Mangungutang sana ako ng pang tuition lang ng pangalawa kong anak.
"Ah sige po,magkano po ba tita?
"Salamat Ally ha,15,000 lang naman.Hayaan mo kapag nabenta ko na ang bahay ibabalik ko din agad ang utang ko.
"Ibebenta nyo po ang bahay ninyo?
"Oo,uuwe nalang kami sa probinsya dahil doon may mapagkitaan,dito sa Cavite wala..
"Pero tita,paano ang tirahan ninyo doon ang pag-aaral ng mga pinsan ko?
"Patapusin lang namin hanggang march si Shy baka mabenta na din itong bahay,may pang business na kami.
"Ganito nalang,bigyan ko kayo ng pangpuhunan,diyan nalang kayo magbusiness.Bale 215,000 po ang ipapadala ko.Bahala na kayo sa pera tita,magbusiness nalang kayo dyan..
"Salamat Ally ha,napakabuti mong bata..
Huwag kang mag alala,ibabalik ko din ang pera mo kapag magkapera na ako.
"Huwag nyo na pong isipin ang pambayad,basta para po sainyo.Wala din naman ako ngayon kung hindi sa pag aalaga ninyo.Sige po at madami ng costumer mamaya ko po ideposit sa acct. ninyo ang pera..
"Miss Ally,hindi sa pangingi-alam po ha..Bakit napakabuti nyo po sa tita ninyo!narinig ko po ang usapan ninyo.Hindi ba may duda na kayo sa kanila,dahil narinig mo noon ang kwentuhan nila?
"Sylvia kasi hindi ko sila mahindi an,saka wala pa namang proof na si tito ang...ang..huwag naman sana.
"Paano kung siya ano ang gagawin mo?
"Hindi ko alam alam Sylv,magtrabaho na tayo?
Sabay ngiti sa staff ko,alam kong concern ito sa akin sa loob ng isang taon na nagtrabaho ito sa akin.Parang kapatid na din ang turing ko dito.
"Ahm miss Ally,may 50 cups na order pala deliver daw agad sa constructions site sa tabi ng company nila sir Syb..
"Ok ako na bahala dyan,atupagin mo nalang ang mga dine-in..
Agad kong inasikaso ang order,kailangan ko na magdagdag ng tao para may katulong ang dalawa dito..
Nang tumawag si tiyo Ed dahil may malaking sunog daw sa cosmetics na pag aari nila.Agad kong tinawag si Sylvia dahil aalis muna ako.Isasabay ko nalang ang order sa pag uwe ko.
Saktong pagdeliver ko ng coffee sa naturang constructions site ng makita ko si Syb..
"Bakit nagmamadali ka?
"May problema Syb,ang Cosmetics company nila tito Ed ay nasusunog ngayon,kailangan ko ng umuwe..
"Samahan na kita,wait at kunin ko lang ang kotse.
Nag alala din ito bigla..Sakay ng kotse niya ay pareho kaming walang imik..Paano na sila tito ngayon kung hindi maagapan ang Company nila.Ibinuhos niya ang pera nila dito.Nakasanla pa pati bahay nila para lang sa tinayong negosyo.Dalawang taon pa lang ang company nila,kung saan nakabawi na sila sa gastos ay ganito naman ang nangyari.