Pagdating ng site ay nanlumo ako.Sinugod daw sa hospital si tito dahil inatake ito sa puso,kasama ang pinsan kong si Alona.Hindi naman makausap si tita at nakatulala lang ito kaya ako nalang ang nakipag-usap sa nagtatanong sa kanya.Ang sa insurance company daw ito..
Naka insured naman daw ang company nila at balik gastos,pero lugi parin dahil lahat ng products ay kulang yata ng billion,mga machines at lahat ng gamit sa loob.Naawa nalang ako sa tiyuhin ko,sila kasi ang masipag na tumutulong sa amin.Kahit sa bunso niyang kapatid sa Cavite ay siya ang tumutulong.Pagkatapos sa site ay pumunta ako sa hospital.Paralized daw ang tito at hindi na makatayo.Pati ang pananalita nito ay naapektuhan.Hindi naman umaalis si Seb sa tabi ko.Nakita ko si Alona at kausap nito ang doctor,dito niya dinala ang daddy niya sa pinapasukan niya.
Agad naman dumating si Shawn at ang kapatid nito.Doon naglabas ng loob si Alona sa boyfriend niya..Nakatingin naman si Seb sa akin..
"Are you ok?
"I don't know Seb..Naaawa ako kay tito at sa family niya.Bakit nangyari ito sa kanila..
"Huminahon ka lang,patuloy ang imbestigasyon bakit may pagsabog na nangyari sa loob..
"Seb,ang daming gastos nito.Ang mga empleyado pa nila na nasabugan at na trapped sa loob ay kailangan nilang bayaran.
"I know dahil sagot nila lahat ng damage na nangyari.Mabuti at day-off mo.
"Oo nagpasalamat na din ako,mabuti at wala sa pamilya ko ang nasaktan.Pero sakit sa bulsa nito.
"Huwag mo na muna isipin ang bagay na iyan.Isipin muna natin paano makasurvive ang family ng tito mo.At he can recover sa nangyaring ito.
Tiningnan ko si Seb,napakaseryoso ng mukha niya.Masaya ako at nakasama ko s'ya ngayon.Malaki ang tulong niya sa akin na i overcome ang nangyaring ito.
"Nagugutom ka na ba?Kain muna tayo,mag na 9 na ng gabi hindi kapa naghahapunan.
Oo nga pala,nawala na sa isip ko ang kumain dahil sa nangyari.Pagnagkataon,nalipasan nanaman ako ng gutom.
"What do you want to eat?
"Kahit ano,basta makakain ko.
Ngumiti siyang nakatingin sa akin.."What?Pagmamaldita ko dahil tinitingnan lang ako nito.."Seb stop staring me like that!baka matunaw ako!
"Nabigla lang ako,matakaw ka pala..
"Ha?paano mo nasabi eh hindi pa tayo nagkasabay kumain ngayon pa lang!
"Kasi sabi mo kahit ano,basta nakakain mo..
Hindi ko talaga ma gets ang ibig niyang sabihin,nakapagbiro pa s'ya sa panahong ganito ako..
"Ang grainmided mo!
"Ako?oy baka ikaw,mali iyang iniisip mo ha!
Natawa nalang ako sa sarili ko at nakitawa nalang s'ya.Nakita kong papasok ng canteen din sila Alona at Shawn,nakatingin ang dalawa sa amin pero tumatawa parin ako..Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala sila..
"Are you happy cuz?
Nagulat ako sa tanong niya.."Are you happy for what happenning to us?
Doon nag react na ako.."No Cuz,mali ang iniisip mo..
"Kitang kita ko na masaya kapa sa nangyayari sa amin ngayon.Nagawa mo pang makipaglandi-an dito at tatawa tawa.
Yumuko ako,hindi niya lang alam kung gaano ako nag alala."Excuse me Alona,hindi ganyan ang pinsan mo.Napatawa lang s'ya sa sinabi ko kanina eh saktong nakita mo s'ya kaya...
"Enough,pagkatapos ng lahat Ally ganito pa.Kung wala si daddy hindi ka nakapag aral at wala ka dito ngayon You're w***e"...Uminit bigla ang tainga ko,ano daw ang sabi niya?"Ally lets go,huwag mo ng pansinin si Alona..Shawn pare pagsabihan mo yang girlfriend mo,she didn't know what she's talking about!Hindi niya alam kung paano namumrublema si Ally ngayon dahil na din sa kanila..
Hinila na ako ni Seb pagkatapos ng mahabang lintanya.Tumingin lang ako kay Shawn at inalalayan itong umupo si Alona.
"Seb pwede ka ng umuwe,ako muna ang magbabantay kay tito ngayon.
"Samahan na kita..
"Huwag na,may pasok ka pa bukas.
"Ikaw din naman ah,magkakape nalang ako bukas sa coffee shop mo.
"Seb ano ba?Umuwe ka nalang muna.Kaya ko naman eh!
Nakita kong nagulat siya sa pagtaas ng boses ko."I'm sorry,hindi ko sinasadyang taasan ka ng boses!
"I understand,basta lagi mong tandaan ha.Nadito lang ako,i am willing to help.Aalis na muna ako at babalik ako dito bukas.
Tumango lang ako,agad akong pumasok sa kwarto ni tito,masarap ang tulog nito.He looks like my father,bilang pangalawa sa kanilang magkapatid ay hindi na din maipagkaila na may edad na din ang tito ko.Dahil kung buhay si papa ngayon,ay 63 years old na ito kasunod niya si tito Ed na ito.Nasa 61 na din ang edad.
Umupo ako sa sofa at cheneck ang phone ko kung may nakaalala sa akin.Denial ko ang no.ni tita Edna upang ikwento ang nangyari kila tito ng sumagot ito ay iyak naman ang bumungad na sagot sa akin."Tita Edna what happen?..
"Iha salamat na patawag ka,ang tito mo ay nasa kulungan ngayon..
"What? Gulat kong sagot..
"Iha,may pumuntang pulis dito kanina at pinusasan siya,ikukulong nila dahil nagnakaw daw sa isang jewelry shop..
"Tita bakit ginawa ni tito iyon?
"Wala ng gamot si Shyrel,hindi pa nakapagpaenrol si Shane..Bigla kong natampal ang sarili ko.Nawala sa isip ko na itransfer ang halagang 200k sa banko ni tita.."Tita s-sorry,sobrang busy po at nagkaproblema kasi dito.Sila tito dito ay sumabog ang pagawaan nila ng cosmetics at ito siya ngayon sa hospital,inatake sa puso at paralisado ngayon.Hindi na masyadong makapagsalita!Iyak kong kwento sa tita.Natahimik naman ito sa kabilang linya."Tita bukas na bukas itatransfer ko po ang 200k sa banko ninyo.Dagdagan ko ng pang pyansa ni tito.Huwag na kayo mag-alala dyan ha..
"Salamat Ally,maraming salamat!Mag-ingat kayo d'yan.Ba bye na at umiiyak na si Shy..
Bumuntong hininga nalang ako,ang daming problema.Nilingon ko si tito mabuti at hindi ito nagising.
-----------------------
"Ano Edna,naniwala ba sayo?
"Oo paniwalang paniwala sa drama natin,at dadagdagan daw niya ng pang pyansa mo!Alam mo ang galing ng inisip mo ha.
"Ako pa ba,wala kang tiwala sa asawa mo eh.
"Pero ang kuya mo nakaconfine daw ngayon dahil inatake sa puso.Paralized at hindi na gaano nagsasalita..
"Hayaan mo!mapera naman mga iyon!
"Iyon nga e,kaya inatake dahil sa nangyari doon sa pagawaan nila ng cosmetics products!
"Huwag mo na isipin ang problema nila,tayo nga dito eh problemado din naiisip ba nila tayo?
"Hon,kapatid mo iyon.Saka paano kapag nalaman ni Ally na niloloko lang natin s'ya?
"Wala ng magawa iyon,saka huwag s'yang epal dahil sa atin siya lumaki!
"Nag-alala lang ako..
-----------------
"Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.Nagising ako ng magsalita si Alona.
"Insan sorry kanina ha,ang akala ko kasi..
"Huwag kang mag-alala,naintindihan naman kita.
"Salamat,sige na matulog kana ulit.Pasinsya na kung naistorbo kita.
"Ano oras na ba?Alona naman,bakit mo pa ako pinapatulog eh alas otso na pala.Wait,baka makalimutan ko..
"Makalimutan ang alin?
"Sila tito sa Cavite nagkaproblema,padadalhan ko ng pera pang piyansa niya at para makapag umpisa din sila ng business doon..
"Ay naku,parang obligasyon mo na sila ah.Insan tumuloy ka lang doon sa kanila para may tutulugan pero sa pag-aaral mo sariling sikap mo iyon!
"Hayaan mo na,gusto ko din makatulong.Kawawa din si tito sa presento nakatulog.
"Ano ba ginawa at nakulong?
"Dahil sa kawalan mg mahanapan ng pera ay nagtangkang magnakaw sa jewelry shop at iyon nahuli kailangan daw ng 50,000 para makalabas.
"Hays,sakit din sila sa ulo!Maiwan muna kita at duty ko na.Paki muna kay dad insan ha,papunta naman na si mommy at Aldrew dito.
"Ok lang,sige na magduty kana..
Lumabas naman ang pinsan ko at nagsend na ako ng 250k kay tita Edna