"Ano natanggap mo na?
"Oo nagpadala na si Allyzza.
"Maasahan talaga ang batang iyon.Hindi kagaya sa anak na nurse ni kuya.Ang yabang!
"Pero nakakatakot lang hon,paano kapag nalaman ni Alyzza na...
"Hindi niya malalaman,pwede ba!eenjoy nalang natin itong hawak nating 250 thousands.Ngayon lang ako nakahawak ng ganito honey..
"Anong eenjoynka diyan,magbusiness tayo para naman may ipakita tayo sa pamangkin mo kapag magtatanong s'ya!
"Oo na sige na,pero ibigay mo sa akin ang 100,000.
Wala nang nagawa si Edna kaya ibinigay naman sa asawa amg hinihingi nito.
----------------
"Allyzza!Allyzza!
"Insan ang ingay mo,may problema ba?
"Nagpadala kana ba sa Cavite?
"Oo,nasend ko na bakit?
"Ang tigas naman ng ulo mo eh,piniperahan ka lang nila tito doon.Hindi totoong nakulong s'ya!
"P-paano mo nalaman?
"Nakalimutan mo ba na may kaklase ako noong high school doon sa Manila na nbi na ngayon?humingi ako ng tulong,hindi daw nakulong ang tito!
Naiinis ako pero wala naman akong magawa.Naipadala ko na ang pera sa kanila.
"Hayaan mo na,pangbusiness naman daw nila iyon!
"Hay iwan ko sayo!masyado kang mabait sa kanila kaya ka inaabuso eh!pagsabihan mo nga itong girlfriend mo Seb!
Sabay talikod ng pinsan niyang nurse..
Bigla naman ako napaubo sa ratatat na boses ng pinsan ko.Napagkamalan pa kaming mag boy friend nitong ex boss ko..
Tumingin ako sa lalaki nakangiti naman ito.
"Nginingiti mo dyan?Masaya ka ba dahil napagsabihan ako ng pinsan ko?
"Hindi ha,natuwa lang ako sa kanya,ganun pala siya pag naiinis?
"Oo,kaya mag-ingat ka doon!
"Bakit ako mag-iingat sa kanya?
"Ah basta!ang kulit din!
"Huwag din iinit ulo mo ha.Saka wala kana man na magawa dahil nandoon na iyon eh,tapos na!
Sabi na lamang niya sa babae,pero naiinis din s'ya hindi sa dalaga kundi sa kamag-anak nito sa Cavite na akala nila ay madali lang kumita ng pera dito.Nakita niyang humikab ang dalaga,hindi pala nakatulog ng maayos ito kagabi.
"Please don't force yourself honey,pwede ka ding magpahinga!
"Seb thank you ha.Thank you for always here for me..
"Para sayo Allyzza,nandito lang ako.
"Anong drama ninyo?
Tanong ni Alona,na nasa tabi na pala nila.
"Para kang kabute insan,bigla-bigla ka nalang sumusulpot.
Tawa naman ng tawa ang dalaga sa pinsan..
"E kasi naman ayaw nyo pang aminin na kayo eh.
"Hindi nga po,bakit ba ang kulit mo?
"Sus,totohanin nyo na bagay naman kayo eh!I-ikaw ba Seb may gusto ka ba sa pinsan ko?
"Oo..
Walang kimi nitong sagot..."E ikaw insan may gusto ka ba kay Seb?
"Ano?confession ba ito?
"Sagot agad!may trabaho pa ako,ayaw ko ng pinapahintay ako!
Tawa ng tawa nalang si Allyzza na sinabayan naman ni Seb,ng biglang tumunog ang phone ng lalaki!
Kaya nag excuse muna ito upang sagutin ang call..
"Sir Seb may balita na po ako!
Ang nbi pala na inutusan niyang imbestigahan ang tito Edmundo ni Allyzza sa Cavite.
"A-anong ibig mong sabihin?
"Sir tugma po ang finger print ni mr.Edmundo at ng manibela ng sasakyan!confirmed po n siya mismo ang nakasagasa sa kapatid niya at asawa nito!
Unti-unting nilingon ni Seb ang dalaga,sa wakas mabigyan na rin ng katarungan ang pagkamatay ng mga magulang nito.Pero paano niya sasabihin ang tungkol dito,paniguradong masasaktam ang babae at iyon ang hindi niya kayang makita muli na nasasaktan ang babaeng ngayon ay may puwang na sa kanyang puso.
"Sige Serge,salamat.Ipapadala ko nalang ang bayad sa acct.mo.
"Ok sir,salamat!
"Allyzza,kapag ba may nalamanka ba about sa pumatay sa magulang mo,ano ang gagawin mo?
"Ipapakulong ko s'ya agad!
Sagot naman agad ng dalaga sa lalaki.
"Paano kung hindi malayo sayo sayo ang gumawa?
"Seb,magulang ko ang pinatay niya.Kahit sino pa..T-teka mga muna,may alam kana ba?
"M-mayroon na!
"Pa-paano mo nalaman?sino siya?
Hindi agad nakasagot si Seb,tiningnan muna niya ang tito nito na nakahiga sa kama ng hospital.
"Ally-zza i-ha....
Tawag ng tito niya..
"Tito may kailangan po kayo?
"Lu-lumapit kayong dalawa dito,at may sa-sabihin ako!
"Tito baka hindi nyo pa po kaya ha..
"A-ano iyong nari-nig ko n-na may b-balita na sa pagkamatay ng k-kuya?
"Sir,kasi baka makakasama po sainyo!
Si Seb na nag aalangan..
"K-kaya ko na i-iho..H-hindi lang a-ko masyadong makakapagsalita p-pero o-ok na ako!
"Seb sino?sabihin mo na lang!
"Ang tito Edmundo mo sa Cavite,siya ang nagmaneho ng trak noon!kaya nawala siya ng matagal noon hindi ba?
"H-hindi totoo iyan!
"Allyzza ang nbi na kaibigan ko ang nagkwento at siya ang may hawak ng kaso noon!
"T-tito Edmund..B-bakit naglihim si tito Edmundo sa akin,sa atin?
"I-iha,ta-tatawagan natin siya..
"Noon naalala ko,umuwe lang siya noon ng libing nila mama at papa.Amg sabi niya stay-in na s'ya sa boss na pinagtrabahu-an niya..Dahil ginawa siyang private driver.Iyon pala,nagtatago noon!
Kapatid nyo po ba talaga iyon tito?
"W-wala t-talagang p-puso ang la-laking i-iyon!I-ha hu-wag kang mag-a-la-la ok?T-tulongan k-kita ma-mabig-yan hustisya sila ni kuya!
"Salamat tito,maraming salamat!
Aayusin ko po ang papers ko pabalik ng Pilipinas,tito uuwe muna ako doon!
"Sige i-ha su-sunod nalang kami..
S-Seb please i-ikaw na ba-hala sa pamangkin ko..
"Opo sir,hindi ko po pabayaan si Allyzza.
"Sa-salamat iho.S-sige na iha.A-ayusin mo na ang papers mo!
"Sige po tito,salamat po..
"Sasamahan kita Ally,uuwe na din ako.Tatawagan ko lang si kuya at sabihin ang totoo para makabalik na din s'ya dito!
"Salamat Seb!
"Walang anuman,basta tutulungan kita ok?huwag kana umiyak!
Pinunasan naman ni Allyzza ang kanyang mga mata.
"Insan,may ibabalita ako sayo!
Si tito edmundo siya ang...
"A-alam na namin iha!
"Sino nagsabi sa inyo dad?
"S-si Seb..May kaibigan siya sa Nbi..
"Pina imbestigahan ko ang tito ninyo sa Cavite..
"O diba,salbahe talaga iyon!hindi nyo yata kapatid iyon dad eh!
"Kailangan ko muna umuwe ng Pilipinas insan,maiwan ko muna kayo dito ha..
"Mag-ingat ka doon insan ha..basta tumawag ka lang!Susunod kami doon magleave lang ako ng isang buwan dito!
"Sige insan,salamat!
"Seb ang pinsan ko ha!
Tumango naman si Seb,agad niyang tinawagan ang kuya Seandro niya,pati ang ama nito.Nakipag cooperate naman ang ama sa kanya at tatawagan daw nito ang kaibigang major ng pulis.
"Pumayag na ang dad at kuya Ally..Tutulong din si dad..si kuya naman baka sa sabado na siya nandito.
"Ganun ba,mabuti naman.Thank you talaga Seb.
"Walang anuman,magpabook na ako ng ticket for us.Sa sunday na tayo uuwe.Hintayin lang natin ang kuya at kinabukasan aalis na din tayo.
Tanging tango lang amg sagot ng babae kay Seb.Alam naman ni Seb mahirap ito para sa babae.Mahal niya ang tiyuhin at pamilya nito dahil doon siya lumaki at ito ang nakakasama niya ng matagal.
Pagkatapos magpabook ng lalaki ay niyaya niyang maglunch muna sila bago pumunta ng coffee shop nito.Aayusin kasi ni Allyzza kung ano ang kulang doon at iwanan nalang muna sa dalawang staff ang business niya.
"Ok ka lang ba?Tanong nito kay Allyzza na kanina pa walang imik.
"Niloko nila ako Seb,pinaniwala na mahal nila ako!Hindi ba sila nakonsensya?Kahit si tita na parang ina na ang turing ko,hindi man lang nagtangkang sabihin sa akin ang totoo!Hindi ko naman sila inaayawan kapag may kailangan sila ah!
"Huwag kang mag-alala,makakausap mo din sila kapag nakauwe kana doon ha?
Iyon nalamang ang nasabi ni Seb sa dalaga dahil ayaw na niya dagdagan pa ang iniisip nito.Sakay ng kotse niya ay pinili na lamang pumikit ni Allyzza dahil wala pa itong matinong tulog mula kahapon..Tinuon nalang din ni Seb ang pagmamaneho,gigisingin na lamang niya si Allyzza pag nakarating na sila sa coflfee shop nito.