8:30 pm nasa loob na ng bar sina Nica at Nuybe, dahil alanganin pang sumama si Unse sa kanila. Kumuha ng isang VIP room si Nuybe sa 2nd floor dahil salamin ang ding- ding doon at makikita mo ang mga tao sa ibaba, pero hindi ka makikita sa mga taong nasa baba.
"Ngayun lang ako nakapasok dito Nuybe, dito ba kayu ni Unse tumuloy?"
"hmmm...bagong bukas lang to, parang loyal ka kasi sa bar ni Andrew kaya hindi mo nakikita ang iba."
"masisisi muba ako sa libre? at hindi narin ako naglalagi sa bar."
"mamaya makikita na natin ang pakay natin dito."
"paano mo nalaman? ilang beses kanaba rumarampa dito?."
"dapat sana yung nasa kanan ang kukunin ko, dahil nakatapat yun sa entrance, pero naka book pala yun kay Glenn. Hindi daw nila e cancel kung hindi yun tatawag na e cancel. Kaya pinili ko nalang itong katabi, pero pinayagan naman ako makapasok kanina kaya naligay ko doon ang kailangan natin.
"Positive! anong nasa isip mo ngayun Nuybe? baka akala noon patay kana, wag ka nalang magpakita bigla baka matakot sayu."
"Sinalu ni Unse ang bala na dapat ay sa akin, sa tingin mo tatakutin ko lang siya? may bunos siyang matatanggap sa akin."
"wag muna tayung padalos-dalos, alamin muna natin ang lahat kahit gusto ko na siyang patayin ngayun dahil excited na si Jake hawakan ang talyer pero hindi ko mapagbigyan dahil buhay pa yan."
"Anong nasa isip mo ngayun Singko? uunahin ba natin siya?"
"isa- isahin muna natin ang lahat ng involve sa kanya, pero mag- iingat parin tayu. Dahil once simulan natin ito mas lalo tayung tatargetin nyan."
"Siguraduhin mo lang na hindi lalabas ang mga bata para mas malaya tayung makakagalaw."
"weekend bukas, sa condo ni Andrew natin simulan ang plano, habang nagpapagaling pa si Unse ay doon lang din muna ako sa condo uuwi. Mas ligtas ang mga bata kung hindi muna ako lalapit sa kanila. Baka hindi natin alam may nakabuntot na pala."
"Singko! dumating na siya, nailagay ko kanina sa ilalim ng mesa ang device, siguro may lead tayu after this."
Hindi nga nagtagal at narinig na nila ang sari't- saring boses galing sa loob nito. Maayus naman ang unang minuto doon ng may bigla balang sila nakarinig ng putok sa baril. Kasunod ang lalaking humiyaw marahil sa sakit.
"Akala ko ba maayus kayung gumawa? bakit walang bangkay doon sa loob ng bahay? at maraming tauhan ang nalagas?" boses iyun ni Glenn.
"Pasensya na boss! sigurado naman po kami ng yung dalawang babae na pumasok doon ay hindi na lumabas, buong araw at wala ding pumunta doon. Madaling araw naman namin ginawa ang plano at sigurado kaming tulog na sila at sila lang dalawa doon. Hindi lang namin inaasahan na nakatawag agad sila ng tulong."
"B*llsh*t!!! sa dami nyu! hindi nyu magawang bantayan ang dalawang tao?!"
"Pero boss, sigurado po kami na may mga tama ho ang mga yun, dahil naraming nagkalat na dugo sa loob ng bahay."
"bakit hindi nyu siniguradoat bakit hindi nyu agad pinasok ang bahay!?"
"nahirapan po kami dahil isang sniper po ang namamaril sa grupo, pinasok naman po namin agad pagkatapos ng palitan ng bala. Pero sadyang ang bilis nilang gumakaw at wala kaming naabutan doon. Pinalibutan naman namin ang buong kabahayan, hindi namin alam kung saan at paano sila nakalabas."
"Si Veronica Sanchez marahil ang tinutukoy niyung dumating! Ito ang larawan niya, pagmasdan niyung mabuti dahil matinik yan. Siya ang nasa likod ng pagkakakulong ko!, at ang sumira sa mga negusyu. Sigurado akung siya rin ang pumatay kay Daddy!,"
"Boss babae din ito, gaano ba ito kagaling at magawa niya lahat ng iyun? may nga tauhan naman sa loob.?"
"Dating parak yan, baka nga hanggang ngayun ay parak pa. Kahit marami tayung tauhan sa loob ay walang silbi sa kanya kung totoo ang sinabi ni daddy noon. Hindi naman na komperma pero posibling totoo na isang major general yan. Walang wala sa kanya ang tauhan natin kung totoo man.
Kung sakaling makuha natin ang tatlong babaing yan gusto ko tirhan nyu ng hininga!. Gusto kong makita na nagdurusa sila."
"Boss, parang familiar sa amin itong isa sa kanila, lahat ba ito parak?"
"Of course kilala nyu yan! dating nagtatrabaho sa City Hall yan. Minsan ko naring dinala sa bahay, siya si Arlyn Aldones my ex-girlfriend. Hindi yan parak, itong si Sanchez lang ang parak sa tatlo, pero napag-alaman kung umalis na ito noon."
Sa lahat ng narinig nila Nica at Nuybe ay totoo ang hinala nila na ito ang nasa likod sa nangyari.
"Congratulations to us! tayu ang target nila, may camera kabang iniwan doon sa loob?"
"yes! apat na sulok ang nilagyan ko, so ano? isa- isahin muna natin sila?"
"lets see kung anong gusto nila Unse at Andrew, baka mas ok kung tig isa-isa tayu para apat ang tumba sa isang bagsakan." may halong ngiti pa ang pagkasabi ni Nica.
"Lalabas tayu para lagyan ng tracker ang nga sasakyan nila?"
"well, hindi natin alam kung saan doon ang gamit nila plus pinakita na rin niya ang mga pagmumukha natin."
"may laptop ka namang dala, mas madali mong hanapin ang sasakyan nila, tapos ako nalang ang lumabas."
"Parang nagmamadali ka naman, excited kang makaharap ang ex mo?"
"poyde rin, kung ano ang nasa isip mo."
"ayusin muna ang device mo at sisimulann kung e locate ang sasakyan nila." Binuksan niya ang laptop at sinimulan hanapin ang mga sasakyan ni Bautista at ang mga tauhan nito. Nang malocate niya ang lahat ay pinakita agad kay Nuybe.
"oopss... ang dami naman nila, pitong sasakyan! baka pagpawisan ako nito."
"Since alan natin ang mga yun, tayu nalang dalawa ang gumawa para mas mabilis."
"let's go then!..
Pagkatapos nilang kabitan ang mga sasakyan nila Bautista ay bumalik si Nuybe sa room na occupy nila kanina dahil kailangan niyang e collect ang mga camerang iniwan doon sa room nila Glenn Bautista.
Habang si Nica ay dumeritso sa rest room dahil medyu naparami narin ang nainum kanina.
***
Sedrick:
It's almost a year since the last time I saw Nica and the kids. I miss her pero hindi ko alam kung paano siya hahanapin at natatabunan ng galit ang aking nararamdaman.
Alam kung wala siyang kasalanan sa nangyari sa amin, pero galit ako dahil nilihim niya sa akin pati ang mga bata. Minsan naisip kong kunin ang mga bata, I have all the rights para makasama sila.
Hindi madaling kalaban si Nica, hindi paman kami dumating sa puntong iyon pero alam kung magaling siya. I don't think she can hurt me, pero who knows if she can, sabi ni Dad kahit gaano kabait ang tao ay nag-iiba ito kung ang anak ang pag-uusapan. And I think she's one of those people na kayang gawin ang lahat para sa mga anak. I saw how she treat Jake and Sofia, it's way far from her personality when she's facing others.
Ginawa kuna ang lahat, para lang masundan siya, kahit ang mga tauhan ni Dad ay tumulong na, pero wala kaming lead kung nasaan sila.
When they told me that she was being spotted sa Visayas, akala ko nandoon ang mga bata. Mas naging mahirap ang paghahanap dahil sa sumunod na linggo ay nasa North nanaman siya.
I don't know if she's doing this on purpose para malito kami kung nasaan sila. Minsan nasa Maynila siya kasama si Andrew pero naglalaho din parang bula.
Ilang beses kuna nilapitan si Andrew pero ang tanging sagot lang niya ay wala siyang alam. Dahil hindi pa niya nakikita ang mga bata mula ng isinilang ang mga ito.
"Boss its getting late now, ihahanda kuna ba ang sasakyan?" saad ni Tony dito dahil nag aalas nuybe na ng gabi at nasa opisina parin sila.
"Let's visit Vlademir, bagong bukas yung bar niya, silipin natin."
Pass 9 na sila dumating kaya halos puno na ng tao sa first floor nito. May 2nd and 3rd floor ang bar niya and I don't know kung same lang lahat ng floor.
Tinawagan niya ito bago pumunta kaya pagpasuk palang nila ay nakita na agad siya ng kaibigan at dinala sa counter.
"Kumusta pre?! buti at naisipan mong dumalaw, akala ko tatanggihan mo ako lagi."
"Gusto ko lang silipin ang area mo bago umuwi."
"Para ka namang may asawa at mga anak na naghihintay sa bahay. Hindi kana namin nakasama ilang taon na."
"Busy lang ako at alam mo naman na may Sofia na ako ngayun, ayaw kung isipin niya na wala siyang pamilyang kasama. Alam mo naman ang nangyari sa kanya, I try my best na maging ama niya nitong nakaraan. Lumalaki na siya at hindi naman poyding ipasa sa parents ko. They are getting older now, specially mom hindi na bumalik ang dati niyang pangangatawan."
"Narinig ko ang nangyari kay tita, can we visit her?" sabay abot niya ng alak kay Sedrick.
"yeah, matutuwa yun basta wag lang sa hapon dahil nagpapahinga siya, Ang laki ng bar mo at matao, Congrats pare!"
"thanks! so far, so good. Dinadayu parin naman, and you want to have a VIP romm?"
"What's on VIP room?"
"Kapag member ka, yung room ay nakalaan sayu! hindi namin ipapagamit sa iba unless kung sinabi mong hindi ka pupunta."
"good! sino ba naman ang pupunta sa bar everyday? easy money pare. Pero thanks ok lang ako dito, So yan ba ang nasa 2nd and 3rd floor dito,"
"yes and no.., yung 2nd floor lang ang may VIP room, ang 3rd floor naman ay yung hindi muna kayang umuwi. You can stay here with your chika."
"kaya ka siguro dinumog dito, and good idea ang magkaroon ng tamang parking area pare".
"hahaha.., naalala ko kasi nuon ang kinaiinisan mo tuwing lalabas tayu dahil sa parking area.
Biglang may nahagilap si Sedrick na dumaan at familiar sa kanya yun. Parang si Nica pero mahaba na ang buhok nito at napaka sexy tingnan. Pero hindi pa niya nakita si Nica na ganon ang pananamit, is she working here? bakit siya nandito? ang mga bata iniwan niya habang nasa ganitong lugar siya sa ganitong oras?. Anong klasing ina na nagawang mag bar kahit marami na ang mga anak?.