Chapter 44

1598 Words
Ang control room na tinutukoy ni Nica ay nandoon ang kanyang pinaka paboritong parte dito sa bahay. May mga hidden weapons siya sa paligid na naka mechanics. Isang Chinese friend niya ang gumawa nito, pero never pa niyang na try itong gamitin. "Nuybe, siguraduhin mong hindi nawalan ng malay si Unse." Sunod- sunod niyang pinagbabaril ang mga hayop sa labas ng bahay niya. Dahil nag eenjoy ang mga ito kaya hindi agad napansin na dahan- dahang natutumba mga kasamahan dahil inuna niya ang nasa likuran. "Andrew! sikapin mong maka pasok sa loob at subukan mong madala sila sa control room. Mas ligtas ang loob doon, dahil hindi yun basta- basta makakalusot ang bala. Pagdating mo doon e inform mo ako." Habang kinakausap si Andrew ay wala naman silang tigil sa pagbabaril sa mga ito. Sinisiguro nilang isang bala ang bawat isa dito, wala silang oras para magyabang. Hindi rin nagtagal ay naalerto na rin ang mga ito. At dahil ang nasa likuran ang unang pinatumba nila Nica kaya nalipat din doon ang mga atensyun nito. Kaya naging madali kay Andrew ang makapasok sa loob. Naging mabilis ang kanilang mga galaw kaya nakapasok agad ang tatlo sa control room. "Nica nandito na kami sa loob, anong sunod naming gagawin?" "Buksan mo ang closet malapit sa sink!" "Nica hindi ko kayang gamutin si Unse!" ang akala ni Andrew ay yun ang ipapagawa ni Nica pero laking gulat niya na puro red at green na button sa loob. "What the f*ck!? ano ang mga ito Nica?" Dahil sa sinabi ni Andrew kaya naka toon din doon ang atensyun nila Nuybe at Unse. "Makinig ka Andrew., Hanapin mo ang R2 at may tatlong kulay green naka display. Isa- isa mo yang ibaba at e check niyu sa monitor ang sa flower area sa labas ng bahay." Gaya ng sinabi ni Nica ay isa- isa nga itong binaba ni Andrew habang sina Nuybe at Unse naka tutuk sa flower area. Hanggang sa sunod- sunod na putok ang lumabas galing doon. "Saan galing ang mga iyun?" saad ni Nuybe pero walang imik sina Andrew at Unse. Dahil alam nila kung ano ang kakayahan ni Singko. "Andrew after 30 seconds., e angat mo ang nasa R1 na may tatlong red. Para mas madali sa akong makapasok sa loob!." At dahil nasa kabilang side ang mga putok ng galing nandoon rin ang mga atensyun nito. Naging malaya siyang nakapasok sa kusina. "Bilis! sa room ko tayu dadaan, bilisan natin may 50 bullets lang ang bawat isa doon. Kailangan makaakyat tayu bago yun maubos ang bala." Naging mabilis ang kanilang galaw dahil buhat- buhat ba ni Andrew si Unse. Walang choice si Nica kundi galawin ang secret weapon ng bahay dahil nag-alala siya kay Unse. Hindi niya ito nakikita at hindi niya alam kung gaano kalala ang natamong tama nito. Nakapasok agad sila sa loob ng kanyang dating kwarto at dali- dali niyang tinukak ang bookshelves sa loob. "Bilisan natin, parang hindi lang isa ang natamong rama ni Unse!" Naging mabilis ang lahat ng pangyayari at nagawa nilang makalabas sa mansyun. Dahil dumiretso sila sa likuran kanina ni Andrew kaya tanaw nila agad ang sasakyan nito. "Nuybe, ikaw lang muna ang sumabay kina Andrew at Unse, sa motor kung dala nalang ako sasakay." "Nica! sabay nalang tayu! malala ang tama ni Unse" saad ni Andrew dito. "Mauna na kayung tatlo sa condo, susunod ako agad kailangan kung bumili ng gamot ag ibang kailangan natin para kay Unse." Naintindihan nila ang punto ni Nica, wala silang magagawa dahil mas may alam din naman ito. Mabilis ang pagpapatakbo ni Nuybe habang hawak naman ni Andrew ang area na may tama kay Unse. "Andrew! gusto mubang tuluyan ako?" "ano bang pinagsasabi mo Unse?" "Wag mong masyadong diinan ang sugat ko! hindi man ako mamatay sa bala pero sa mga kamay mo naman ata ang bagsak ko!" "pasensya na Unse, di ko kasi alam ang gagawin dahil wala naman si Nica dito. Sana ako nalang ang bumili at siya ang nandito." "sa tingin mo alam mo ang mga kailangan? nagsasayang kalang ng oras! Mas mainam ng si Singko ang gumawa mas mabilis!" "Kung bakit hindi nalang sabay pumunta at bumili." " really Andrew?! I can't believe you!" Hinayaan nalang muna ni Nuybe ang dalawang magtalo, mas mabuti malibang ang atensyun ni Unse. Totoo ba ang sibasabi ni Singko kanina? Hindi kaya binalikan niya ang mga yun at ginawang pulbo? "aGhm... kayung dalawa diyan sa tingin nyu totoo ang sibabi ni Singko kaniba?" "Ang alin?" ganting tanong naman ni Andrew dito. "bibili lang ba talaga siya?, or binalikan niya ang mga yun?" "Knowing her, yan din ang naisip ko ng sinabi niya kanina. Siguro bibili siya pero mas sigurado akong binalikan niya ang mga yun.:" "Sh*i! bakit nawala sa isip ko yan? posible siyang mapahamak sa ginagawa niya." bakas sa mukha ni Andrew ang pag-alala. "Para ka namang may isip, pero sa tingin ko babawasan kang niya yun at hindi uubusin. Alam kung nag-alala din siya sa akin, kaya hindi na siya magtatagal doon. Baka gusto lang niyang e unat ang mga ugat niya" ganting komento ni Unse kahit nahihirapan siya. **** Hindi nga sila nagkamali at binalikan ni Nica ang mga iyun pero nasa malayu lang siya dahil wala siyang oras ngayun para magtagal doon. Naghihintay pa si Unse sa kanya. "Sayang naman, kunti lang sa inyu ang makakatikim sa bala ko." sinimulan niyang e posisyun ang kanyang baril. "Uubusin ko lang ang natitirang bala sa inyu sayang naman. Hindi muna tayu mag face to face ngayun, nagmamadali kasi ako pero may next time naman." Napatumba ni Nica ang iba hanggang kaya lang sa kanyang balang tira. Nakita rin niya ang pagkagulat ng mga ito dahil hindi naman siya namataan. Umalis din siya agad pagkaubos sa kanyang bala, hindi man lang umabot ng tatlong minuto ang pinermi nya doon kaya nagawa pa niyang habulin sina Andrew. Dumiretso siya sa kanyang condo pagkatapos bilhin lahat ng kanyang kailangan. May mga gamit naman siya dito sa loob, pero medyu matagal ng hindi nagalaw dahil naging mabait naman sila nitong nakaraang buwan. Nagpapakulo at hinahanda niya ang mga kailangan ng dumating ang tatlo. Pinagpatuloy lang ang ginagawa bago lumapit sa sala. Nakahiga na si Unse sa mesang hinanda niya kanina. "Mas nauna kapa sa amin Nica? akala namin binalikan mo ang mga iyun." "Unse, handa kana ba?" tanong niya dito at hindi pinansin ang pinagsasabi ni Andrew. Tango lang din ang ganti ni Unse sa kanya. "Nuybe, let's start?" "saglit maglilinis kang ako ng kamay at aayusin ko muna ang aking buhok." Hindi nagtagal ang pag-alis nila sa bala, dalawa ang natamo nito pero ang sa balikat lang ang bumaon, taplis lang sa tagiliran niya. "Kaya pala hindi ka bawalan ng malay, taplis kang ang isa. Sana hindi ka lalagnatin mamaya." "Painumin muba lang ako ng gamot dahil sigurado akung mangyayari yan." "hahaha alam mo Unse parang si Andrew ang nakahiga diyan, kanina pa yan namumutla." "Akala ko nga hihimatayin yan, ano kaya kung itabi natin yan dito kay Unse? Magsabi kalang Singko para maihanda ko." "Wag mo nang biruin yan, magpapahanda pa tayu ng almusal at kailangan kung bumalik, may trabaho pa ako mamaya." "Nica ano ba ang poyde kainin ni Unse?" "Si Unse lang tinatanong mo, kami ni Nuybe may gusto rin." "whatever so ano ang ipapahanda ko?" "kahit ano pero magpahanda ka ng soup kay Unse, mas kailangan nya yan habang may gamot siyang iniinum." Lumayu si Andrew sa kanila, marahil may tinawagan yun. Parehong naka pajama sina Unse at Nuybe, pero naka sports bra naman sila kaya hindi na masama. Ugali nilang magsuot non kahit na matutulog just incase katulad nito ang mangyari. "So, sa tingin mo sino ang nasa likod nito? paano nila natuntun ang bahay ko? or paano nila kayu natuntun?" "Inaantok na ako Singko, pero wala akong idea kung sino sila, wala naman akung nakaharap para man lang may pakilanlan." "Sa gamot mo yan Unse, umidlip ka nalang, saka ka nalang kumain paggising mo." sagot naman ni Nuybe dito. Umalis sila sa silid at doon dumiretso sa kusina. Inilipat nila sa loob ng kwarto si Unsa matapos itong gamutin upang mas makapag pahinga ito. Gumawa si Nica ng tatlong kape dahil babalik rin naman si Andrew. "May mga damit ako sa loob, may hindi pa nagagamit ikaw nalang din ang bahala kay Unse." "Si Glenn kaya ang may gawa Singko? Nagkita kami sa bar nong isang gabi, pero hindi naman kami nagkausap. Baka nasundan niya kami ni Unse sa pag-uwi namin." "Sa ngayun wala pa tayung alam kung sino, hindi lang naman siya ang binangga natin. Poyding ako ang target, poyding ikaw or si Unse. Pero naisip ko rin na baka siya ang may gawa. Kung hindi lang na disgrasya si Unse kanina, sigurado akong maymakukuha tayu." "Balikan natin ang pinagbabaril mo kanina, baka iiwan lang nila ang mga iyun doon. Baka may matanong pa tayu." "Kung iniwan man nila yun, wala din tayung mapapala dahil wala akong tinirang hininga sa mga yun. Wala din namang symbol ang pamilyang Bautista. " "Wala tayung pakilanlan sa kanila kahit tatoo., ang bobo ko rin kasi! alam kung marami silang tauhan nuon hindi ko man lang nagawang magduda." "hahaha.., so aminado kanang bobo ka?" "Umalis kana Singko, alam mong may gagawin pa tayu mamaya., sa bar nalang tayu magkita 8pm." Alam ni Nica ang gustong gawin ni Nuybe, tumayu nalang siya dahil kailangan din niyang makauwi baka hinahanap na siya sa bahay. "send me the detail Nuybe, tayu nalang muna ang gagawa parang hindi kaya ni Andrew iwan si Unse..hahaha"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD