Hera’s POV
It is already the first-semester final exam for everyone in DLSU, and everyone is busy, both the students and teachers.
“Hera!” Tawag saakin ni Naila na kanina ko pang inaantay.
“Ang bagal mo naman, anong oras na, male-late tayo nito” Reklamo ko sakanya at nauna nang mag lakad, sumunod naman siya.
“Aba, sisihin mo yung traffic, bakit ako?” Depensa niya, hindi ko nalang siya sinagot at dere deretso pumasok sa Henry sy hall.
Hindi ko nga alam kung bakit nag paantay pa itong si Naila saakin e magkaiba naman kami ng pupuntahan na room. Commercial law kasi ang kinukuha ko, samantalang siya ay civil engineering.
”Antayin mo ako mamaya ha, wala ka na ding pasok mamayang 3pm right?” Tanong niya, inirap ko naman ang mata ko.
Salita nang salita kitang nag babasa ako.
“Oo, ano ba oras pasok mo at parang chill kalang?” Tanong ko sakanya.
“After 30 minutes pa kaya dederetso ako ngayon sa library, sige na una na ako bye!” Sambit niya at tumakbo habang kumakaway.
So para saan pa at inantay ko siya kanina? Jusko
Wala kaming prof sa last subject kaya napaaga ang uwi ko. Katulad ng napag usapan namin ni Naila ay sabay kaming uuwi, pero ‘di naman siya kawalan kaya lalabas muna ako ng school at kakain ng lunch.
Habang inaantay ko ang traffic light na mag stop, nag basa muna ako, makikita ko naman pag pwede ng mag lakad o hindi pa pag yung mga kasabayan kong tatawid ay mag lalakad na.
Dahil sa wala akong cash ay dumeretso ako sa malapit na ATM sa tapat ng national bookstore pero parang sinusubukan ata ang pasensya ko nang makita ko iyong sira. So ano? Pupunta pa ako sa ATM lagpas benilde?
Syempre wala naman akong nagawa at nag lakad nalang habang hawak hawak ang libro na binabasa ko kanina pa at isang bulaklak na binenta saakin ng bata kanina pag labas ko ng school. Nakakaawa siya kanina kaya binili ko nalang.
“Ayy hala” Napasinghal ako nang habang patawid ako ay biglang nalaglag ang bulaklak, sa kalagitnaan pa talaga ng kalsada.
Hahayaan ko nalang sana iyon nang may tumawag saakin sa bandang likod ko kung saan ko nalaglag ang bulaklak.
Napatingin naman ako sa kalsada at nang makita kong wala namang padaan na kotse ay hinarap ko ang tumawag saakin.
Lalaki iyon na nakasakay sa isang kotse, nakabukas ang pintuan nito habang ang isa niyang kaliwang paa ay nakalabas at hawak hawak nito ang bulaklak ko na nalaglag.
“This is yours right?” Tanong niya, tumango naman ako at tinanggap ang bulaklak na inabot niya saakin.
“Thank you” Mahina kong pasasalamat at sandaling pinag masdan ang lace na suot niya. So taga La Salle lang din siya?
“You should go” Sabi niya at saglit na dinungaw ang isang motor at kotse na papalapit sa gawi namin. Tumango naman ako at tuluyan nang tumawid.
Habang kumakain ako nitong ate rica’s bacsilog ay bigla kong naisip nanaman ang lalaki na nag abot saakin ng bulaklak. Ngayon ko lang kasi na realize na pamilyar saakin ang lalaking iyon.
“Sabi ko na nga dito kita makikita” Napabalikwas ako nang marinig ko ang boses ni Daiki, ang bestfriend ko na taga UST.
“Bakit ka nandito? Walang pasok?” Tanong ko at pinag masdan siyang umupo sa harapan ko.
“Kakatapos lang, ikaw? Tapos na lahat ng klase mo or vacant?” Tanong niya at nilapag ang dala-dala niyang starbucks.
“Tapos na klase ko ngayong araw, inaantay ko nalang si Naila.” Sagot ko at pinag patuloy na ang pagkain.
“Nagkayayaan kasing mag bilyar mga tropa ko kaya I decided to come here” Sabi niya, tumango naman ako at inalok siya ng kinakain ko pero tumanggi siya.
“Yung dalawang mag jowa bakit hindi mo sinama dito? Mall sana tayo at inuman mamaya” Nakangiti kong sabi.
“Hindi ko nakita sa campus pag labas ko e, chat mo nalang kaya sila ano?” Sarcastic niyang sabi, inirapan ko naman siya at nilabas ang phone ko at chinat na nga ang dalawang mag jowa sa GC namin na kasama ay ako, Naila, Daiki, Shayna at Russ which is ang dalawang mag jowa na tinutukoy ko.
“Hera!” Tawag saakin ni Naila na kahit hindi ko tingnan ay alam ko na kung sino dahil sa boses.
“Oh, bakit ka nandito ha?” Bungad ni Naila kay Daiki at naki upo na din saamin.
“Pake mo? Hindi naman ikaw pinunta ko dito?” Pag tataray din ni Daiki, hindi naman siya sinagot ni Naila.
“Paano mo nalaman na nandito ako?” Tanong ko kay Naila at binaba na ang aking cellphone pag katapos kong mag chat sa GC.
“Hello? Famous ka kaya sa school natin kaya isang tanungan ko lang sa nakasalubong kong studyante e alam ko na agad” Tamad niyang sabi bago naki inom sa shake ko.
“Wow famous” Panggagatong ni Daiki sa sinabi nitong si Naila, inirapan ko naman silang dalawa.
“Paano hindi magiging famous e maganda na matalino pa” Dagdag pa na sabi ni Daiki.
“Alam niyo, wala akong piso” Sabi ko sakanila at sinubo ang last piece ng pagkain ko bago tumayo.
“Kita kits tayo sa xylo mamaya, mauuna na ako at may tatapusin pa ako” Pag papaalam ko sakanila at kinuha na ang bag ko.
Hindi ko na inantay pa ang sasabihin nila at dumeretso na ako uli papasok sa DLSU para kuhain ang kotse kong 2015 Mercedes Maybach dahil balak kong umuwi na agad sa condo ko sa BGC para mag basa. Syempre aral muna bago alak.
9:30 pm nang matapos ako sa pag hahanda. Ang sinuot ko ay isang fitted highwaist black leather pants na wide leg na pinaresan ko ng white leather tube top and white slingback heels.
“Nasaan ka na ba?” Tanong ni Naila mula sa cellphone ko. Katawag ko kasi siya at minamadali ako kesyo nasa club na daw sila.
“Wait nga lang” Sigaw ko habang nag lalagay ng wallet ko sa isang chanel bag ko bago kinuha ang susi at phone ko at lumabas na nga ng condo.
“Bye, mag da drive na ako” Pag papaalam ko sakanya bago pinatayan siya ng tawag.
Pagkapasok ko sa xylo ay agad kong hinanap sila Naila. Bukod kasi samin nila Naila, Daiki, Russ at Shayna, nag yaya pa ang dalawang mag jowa ng ibang mga makakasama.
“Hera!” Tawag saakin ni Shayna, nang mahanap ko ang boses niya at ang pwesto nila ay agad akong lumapit sakanila.
“Akala ko mamayang medaling araw ka pa makakarating” Sambit ni Naila nang makaupo na ako.
“OA ha, ang lapit lapit lang ng condo ko dito kaya obviously 9 na ako nag ayos” Sabi ko bago itinungga ang kakaabot lang saakin ni Shayna na Jagger.
“By the way, may gwapong taga La Salle daw ang nandito. It is your time to shine Hera, landi na” Biro ni Shayna.
“Huh? Sino?” Tanong ko, pag babaliwala sa pangalawa niyang sinabi.
“Kalen Ichiro Touma daw pangalan, narinig ko kanina sa kabilang table” Halos pasigaw na sagot niya dahil mas umingay na ang tugtog dito sa club.
Napaisip naman ako sa sinabi niya, pamilyar saakin ang pangalan.
“Wala akong interes sa ganyan ngayon” Sambit ko at ininom ang kakaabot lang saakin ni Naila na tequila. Mukhang pinapahabol nila ako sa mga ‘di ko nainom.
“Ewan ko sayo, tara na nga Russ” Pag tataray saakin ni Shayna at hinila ang kanyang jowa patayo para sumayaw.
“Oh bakit hindi pa kayo sumali doon? Kanina pa kayo dito ah. Mag hanap kayo ng jowa niyo” Sambit ko sa dalawa kong kasama dito na si Naila at Daiki.
“Ayy ako no need na, ewan ko nalang dito sa isang parang mag papari ata” Biro ni Naila sabay irap kay Daiki na umiinom lang ng kanyang rum.
“Wow ha, coming from you na walang nag kakagusto” Pambabara naman ni Daiki.
“Haynako, bahala nga kayo diyan, cr lang ako saglit” Pag papaalam ko sakanila nang makaramdam ako na naiihi na ako.
Pagkatapos kong mag CR ay agad din naman akong lumabas. Patuloy lang akong nag lalakad nang makaramdam ako ng may lalaking humipo sa bewang ko kaya napatigil ako.
“Hi miss, what’s your name?” Tanong ng lalaki at lumapit pa sa tenga ko para ibulong iyon. Umiwas naman ako nang kaunti.
“Hera” Simpleng sagot ko. Pogi naman siya, kaso ngalang feeling ko ay isa lang ang habol saakin nito.
“Nice. So… Let’s dance?” Tanong nito, pilit ko naman siyang nginitian dahil bukod sa wala akong interes na makasayaw siya, kakapasok ko lang, ayaw kong sumayaw agad ano.
“Uhh sorry but inaantay na ako ng friends ko sa table namin” Pag papaalam ko sakanya at tinalikuran siya agad.
Mag lalakad na sana ako uli nang hawakan niya ang braso ko bago ako hilain papalapit sakanya.
“Then let’s go to your table? Saan ba ‘yon?” Tanong niya. Napabuntong hininga naman ako at umiling.
“I’m sorry pero kailangan ko na talagang umalis” Sabi ko at pwersahan kong tinanggal ang pag kakahawak niya sa braso ko at nang matanggal iyon ay lakad takbo akong umalis doon.
“f**k” Singhal ko nang may naka banggaan ako at natapon non ang kanyang drinks sa dibdib ko.
“I’m sorry” Simple niyang sabi. Inangat ko naman ang tingin ko mula sa dibdib ko na amoy champagne na papunta sa mukha nang bumangga saakin.
Mag rereklamo na sana ako at sisigawan na sana siya nang makita ko kung sino iyon. Siya yung lalaki kanina na nag abot saakin ng nalaglag kong bulaklak.
“Here” Sabi niya saakin at inabot ang kanyang panyo na dinukot niya mula sa kanyang bulsa.
“It’s fine, I will just clean this in the restroom” Sabi ko pero mas lalo niyang hinarap ang panyo saakin.
“Then take this” Pag pipilit niya. Napatingin naman ako sa panyo bago sakanya at tinanggap nalang iyon.
“Kalen pare” Napaiwas ang tingin ko sakanya nang may biglang lumapit sakanyang lalaki.
“Cole” Bati din niya. So siya yung Kalen na tinutukoy ni Shayna.
“Oh… is that you Avyanna Hera?” Sambit ng lalaki nang makita ako nito, tumango naman ako kahit hindi ko siya kilala.
“Wow pare, is Hera your date?” Tanong nito kay Kalen. Nailang naman ako doon. Gusto ko ng umalis.
“No. We just bump to each other” Sagot ni Kalen sa tanong ni Cole.
“Ganoon ba” Sabi ni Cole bago humarap saakin uli.
“You want to join us? Flip cup…Oh by the way I’m Cole” Yaya nito saakin, napangiti naman ako ng pilit at tinanggap ang kamay niya.
“Come on, it’s fun, tsaka for sure may mga kakilala ka din doon” Pang pipilit niya saakin.
Mag sasalita pa sana ako para tumanggi nang biglang may tumawag sakanya at nag paalam nalang bigla saamin.
“You don’t need to force yourself to join us” Kalmadong sabi ni Kalen, umiling naman ako.
“Hindi na ako nakatanggi so I guess I will join pero linisin ko muna ‘to sa restroom” Sabi ko, tinutukoy ang natapon na alak sa dibdib ko na ngayon ay nasa tube top ko na.
“Ok, I will come with you then. I will wait outside the door” Sabi niya, napalunok naman ako pero tumango nalang.
Oh God, masyado siyang hot para saakin. Sobrang pogi niya.
Nang matapos ako sa pag linis ng alak sa dibdib at sa tube ko. Buti nalang at hindi beer or ibang makulay na inumin natapon saakin.
“Sorry if I made you wait here” Bungad ko nang makalabas na ako ng CR.
Tinanggal naman niya ang pag kakasandal niya sa dingding bago niyaya akong mag lakad na.
Habang nag lalakad kami ay ramdam ko ang tingin saamin ng mga nadadaanan namin. Sino ba naman hindi titingin, this man I’m walking with is so freaking tall and hot.
“Uhmm…what course are you taking?” Tanong ko para hindi naman kami awkward dito or what.
“Civil engineering, you?” Tanong niya.
“Commercial law” Sagot ko at saglit na pinag masdan siya.
He is wearing a white long sleeve polo and jeans. Hindi fitted ang polo niya pero dahil sa malaki ang katawan niya at matangkad siya ay bakat na bakat ang mga muscles and biceps niya.
“Don’t stay away me” Bulong niya saakin nang makalapit na kami sa table nila. Hindi ko naman maintindihan kung bakit niya sinabi iyon.
“Hi Hera!” Bati saakin ni Cole, nginitian ko naman siya.
“These are our friends, Levi, Seth, Louis, Diana and Vivian” Pagpapakilala ni Cole sa mga taong nasa table at tinuro isa-isa.
“You are Avyanna Hera right?” Tanong saakin noong Louis, tumango naman ako at nginitian siya.
“Are you two dating?” Tanong ni Diana saamin ni Kalen.
“Uhh no, we are not dating” Mabilis kong sagot at bahagyang tumingin sa isang babae na parang hindi gustong nandito ako, she is Vivian base sa pagpapakilala ni Cole.
“So ano na? Let’s play!” Sigaw ni Cole.
Alam ko na ang laro na ito dahil common na laro lang naman to sa mga party. Sa game na ito ay kailangan mong inumin ang alak na nasa isang plastic cup after noon you will flip it face down dapat and uulitin mo lang iyon sa natitirang mga baso. Ang game na ito ay depende if 1v1 ba siya or solo lang but base sa nakikita ko ay 1v1 siya, it means pabilisan”
“The one who will lose will drink 3 shots of tequila” Nang marinig ko iyon kay Cole ay parang gusto kong sumuka. Mukhang dito ako malalasing.
“Ikaw mauna Cole tsaka Levi” Sabi ni Louis na nag lalagay na ng beer sa sampong baso. Dibale tag lima sila.
Nang makita ko paano matalo si Cole at inumin ang 3 tequila ay parang ako nandidiri para sakanya. Matagal na akong umiinom, actually mataas ang tolerance ko sa alak, pero pag dating sa tequila ay nandidiri talaga ako.
“O kayo naman next, Hera and Vivian!” Sigaw ni Cole nang matapos si Diana at Louis, at Levi and Kalen. Panalo si Levi kaya si Kalen ang uminom.
Kabado akong nag lakad sa left side ng table habang tinitingnan si Louis na nag lalagay ng beer bago tumingin kay Vivian na kanina pa ata inaantay ang oras na ito.
“Go!”
Halos tumakbo na ako nang makitang nauna si Vivian matapos na ngayon ay todo ang ngiti.
“Shot! Shot! Shot!” Sigaw ni Cole, Louis, at Diana.
Napahinga naman ako nang malalim at kinuha ang unang shot glass. Iinumin ko na sana iyon nang mawala ang shot glass sa kamay ko.
“Kalen!” Sigaw ni Vivian nang inumin ni Kalen lahat ng 3 shots na para saakin.
Hindi naman ako nakapag react dahil mabilis niya iyong tinungga lahat. Ang tangi ko lang nagawa ay lumapit sakanya at hawakan ang braso niya nang bahagya.
“Akin dapat iyon, bakit mo kinuha?” Tanong ko sakanya at sinundan ang tingin sa kamay niyang may hawak ng isang glass na nilapag niya sa table.
“I’m thirsty” Simpleng sagot niya na alam ko naman ay hindi totoo dahil ang dami namang inumin na nasa table namin bukod sa 3 shots ng tequila na meron dito.
“But…”
“Let’s just drink normally, no games” Pang babasag niya sa dapat kong sasabihin at umupo.
“Ok then, antayin niyo ako, kuha lang ako ng drinks” Pag papaalam ni Cole at umalis na.
Wala naman akong nagawa at umupo nalang din, ganoon din ang iba maliban nalang kay Vivian na nag paalam na mag C-CR.
Habang nag aantay kay Cole ay binuksan ko ang cellphone ko nang maramdaman iyon na nag vibrate.
Fr: Daiki
Nasaan ka? Bakit ‘di ka pa bumabalik?
To: Daiki
Just met a friend. Balik din ako maya maya.
Nang dumating na si Cole na may dala dalang mga inumin ay pinasok ko agad ang cellphone ko sa bag ko.
Siguro mamaya na ako aalis, nakakahiya na umalis agad lalo na sa nang yari kanina.
Daiki’s POV
12 mn na pero hindi ko padin nakikita si Hera.
“Ano? Wala parin?” Tanong ni Naila saakin na tanging kasama ko dito sa table namin.
“Hindi na nag reply e” Nag aalalang sabi ko habang lumilinga sa kada babae na nakikita ko.
“Baka nag e-enjoy pa, hayaan mo na” Sabi ni Naila at ininom ang cocktail na nasa lamesa namin.
“Hayaan? Baka napaano na iyon, kailangan natin siyang hanapin” Sabi ko at tatayo na sana nang mag salita si Naila.
“No need, nakita ko siya kanina kasama yung Kalen” Sabi niya, bumalik naman ako sa pagkakaupo.
“Kanina mo pa pala alam bakit hindi mo saakin sinabi?” Tanong ko sakanya.
“Because I think Hera likes Kalen and she will hate us pag inistorbo natin siya” Sabi niya at sunod sunod na tinungga ang Bacardi.
“What? She doesn’t even know that guy when Shayna talked about him earlier” Umiinit na ang ulo ko.
“Of course she will said that dahil pag sinabi niya kay Shayna na kilala niya si Kalen ay for sure aasarin siya non” Tamad niyang sabi at binaba ang baso.
“You know what, let her have fun, at ikaw din, have fun. Malaki na si Hera at matalino, she knows what she is doing” Dagdag pa niya at inabot saakin ang isang shot ng tequila.
Hera’s POV
“Where am I?” unang lumabas sa bunganga ko nang maramdaman kong may gumigising saakin.
“You are in my penthouse” Simpleng sagot ng boses lalaki na nag palaki ng mata ko. Agad akong naupo mula sa pag kakahiga.
“Kalen?!” Sigaw ko nang makita ko ang lalaking naka tayo sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga.
“It is already 6 am so I decided to wake you up, you have a class I guess?” Sabi niya at nilapag ang isang baso ng tubig sa side table.
“Wait, bakit ako nandito? What happened?” Sabi ko at mabilis na tiningnan ang damit ko na suot ko pa din naman.
“You drink a lot, you passed out and since I don’t know your friends you are with I bring you here” Sagot niya.
OMG, I never thought na mag papakalasing ako with people I just met!
“Drink this water. I prepared breakfast, it is in my kitchen then after we eat I will bring you home” Dagdag niya at lumabas na.
Kinuha ko naman ang tubig at ininom nga iyon habang iniikot ang aking paningin sa kwarto kung nasaan ako.
This is obviously Kalen’s room, black gray and white ang kulay ng kwarto niya, it has balcony and its own bathroom and I think walk in closet too. And instead of his pictures, paintings lang ang nakita kong nakasabit sa dingding.
Nang mahimasmasan na ako ay dumeretso ako agad sa bathroom ng kwarto niya at nag hilamos. Buti nalang at tanging lipstick at powder lang ang nilagay ko sa mukha ko kagabi kaya hindi ako mukhang multo.
“I’m really sorry at naabala pa kita” Bungad ko kay Kalen nang makaupo na ako sa isa sa mga upuan dito sa kusina ng penthouse niya.
“No need to apologize, Diana forced you to drink a lot and since I’m the reason why you are there, you are my responsibility” Sabi niya at nauna nang kumain. Kumain na din naman ako.
“Where is your house by the way?” Tanong niya habang kumakain kami.
“Sa seasons residence“Sagot ko, tiningnan naman niya ako saglit bago kumain uli.
“And this is seasons residence too” Sabi niya. Gulat ko naman siyang tiningnan at saglit na dinungaw ang malaking glass wall ng penthouse niya. Kaya pala pamilyar yung tanawin sa labas.
“Ako na mag huhugas” Sabi ko sakanya nang matapos na kami pero umiling naman siya.
“I have dishwasher don’t worry, hatid na kita” Sabi niya at tumayo na. Napasimangot naman ako doon, edi siya na hindi kailangan mag hugas!
“But same building lang naman tayo so it’s fine kahit hindi mo na ako ihatid” Sabi ko sakanya habang sinusundan siyang mag lakad palabas ng penthouse niya.
“I still need to” Simple niyang sabi at binuksan na ang pintuan at lumabas. Wala naman akong nagawa kundi sundan siya.
“Dito na ako, thank you uli” Pag papaalam ko nang tumapat na kami sa condo ko. Tumango naman siya habang naka pamulsa.
“See you sa school when I see you” Sabi ko bago binuksan ang pintuan ng condo ko at pumasok na.
Pag kapasok ko sa condo ay agad akong naligo at nagayos.
Fr: Daiki
Nasaan ka?
Fr: Daiki
Umuwi ka na ba?
Fr: Daiki
Hey
Fr: Daiki
Hinanap ka namin nila Naila sa buong club but wala ka na.
Fr: Daiki
One of Kalen’s friend told me na mag kasama kayo ni Kalen umuwi. Are you good?
Fr: Daiki
They told us that you were in Kalen’s penthouse.
Fr: Daiki
I just got home. Text me as soon as you see this.
Isa lang iyon sa mga text saakin ni Daiki, naka 12 missed call pa siya, siguro ay naka mute ang phone ko kagabi kaya hindi ko nadinig. Bahala na nga si Batman, I just hope hindi sila galit sa pag-iwan ko sakanila.